Sunday, November 11, 2012

Isang Natatanging Tula Para Sa Aking Kumare


Happy Birthday to you, Mare!

O heto na aking kumare ang aking pagbibigay sa iyo
Sa ating pagkakaibigan, ito ang aking simpleng regalo
Isang tulang magpapatunay sa ating pagsasamahan
Isang biglaan sa simula, tingin ko'y hanggang sa dulo na

Ang ganda mo, yun lang ang masasabi ko, ang ganda mo
Hindi mo man ipakita sa madla pero napakaganda mo
Kahit sino man ang lumingon, mapapalingon muli sa iyo
Mapapalalaki man o pusong lalaki, tiyak magagandahan sa'yo

Ikaw lang ang kilala kong babaeng mahilig sa pula
Hindi ko lang mawari kung ano ba ang dahilan kaya?
Basta ang alam lang namin, bagay sa iyong ang kulay
Pula na ang ibig sabihi'y matapang at matatag sa buhay

Kapag tayo'y nagsama, talo pa ang mga komedyante
Dahil na rin siguro na tayo'y pareho nang kampante
Sa bilis ng ating utak makapag-isip ng mga biro
Na alam nating ang mga mahal nati'y sa tawa'y hapong-hapo

Ikaw lang ang tanging kakampi ko tungkol sa Muntinlupa
Ang ating mahal na lungsod na di hamak na napakaganda
Magsama raw tayong dalawa at lalo pang mas hahalina
Dahil sa Muntinlupa, lahat nagkakaisa dahil may disiplina

Pagdating naman sa pagdadamit, aba'y walang duda
Ikaw na talaga ang laging sumusunod sa kung anong moda
Kaya rin kita tinawag sa ngalang Julia Roberts, lola
Kahit anong simpleng damit, gumaganda't bumubongga

Sa pagtuturo ng ating pambansang wika, ikaw na talaga
Pagdating sa mga leksyon ng wika, lahat napapanganga
Gusto kong laging pagtapatin kung anong meron sa amin
Malamang sa Filipino, sa Ingles may katapat yan, aminin

Kaya rin siguro mahal na mahal ka ng mga estudyante mo
Dahil ikaw ang ina nila sa paaralan, hindi lamang isang guro
Kung pangaralin mo'y parang sila'y sarili o iyong-iyo
Kaya ang isinusukli sa iyo'y walang sawang pag-ibig at mundo

Wala rin sigurong tatalo sa mga mala-higanteng banat mo
Alam ko naman na ikaw ay simpleng nagpapakatotoo
Mahal mo lang kaming kaibigan mo kaya dapat sabihin
Ang totoong alam mong makakatulong ng malaki sa amin

At kung siya'y naaagrabyado't, nasasaktan na sa dusa
Tao lang din siyang nanghihina at naiiyak na sa tuwina
Pero kilala kita, anupa't pagsubok ang dumating sa iyo
Haharapin mo ito dahil ang ating Diyos ay karamay mo

At wala ring makakatalo sa isang pagkakataong pinili mo
Ang magpaka-nanay sa tatlong mahal na mahal mo, oo
Si Yaki, si Xandi at ang inaanak kong si Andrei 
Hindi ko man alam ngunit alam kong mahal ka na havey na havey!

Siyempre, hindi natin makakalimutan ang hari sa buhay mo
Si Kuya Archie na kung saan napakaganda ng pagsasama niyo
May mga dumaan man, mahirap at masarap, magkapiling pa rin
Mahalin ang isa't isa dahil iyan ang pangako niyo pa man din

Sa iyong kaarawan, hatid naming lahat ng mga kaibigan mo
Pati si Sharon Cuneta, sa halaw ng "Happy Birthday" ng McDo
Isang maligayang kaarawan at walang katapusang kaligayahan
Na nawa'y matamasa mo pa lahat sa buhay mong napakatatag

Akalain mong ang edad mo'y wala na sa kalendaryo
Pero ang "peg" mo ay parang pangdalawampu't tatlo
Ipagpatuloy mo lang, mare, kung ano ang nararapat sa iyo
Dahil minsan lang tayong mamuhay sa walang kasiguraduhang mundo

O siya, mare, nawa'y natuwa ka sa kung anong inihanda ko
Simple lang ito pero alam kong masasabi mong "rock" ito!
Maligayang kaarawan sa iyo, Ginang Arlene Cruspero Alfonso
Stay beautiful as always, and more importantly, God bless you!

Toodles, Mrs. Alfonso!!!

1 comment:

  1. infairview, huwaw! kinailangan kong basahin ng malakas para mas maintindihan ko. mahusay z! :)

    ReplyDelete