Sinabi ko sa sarili na hinding-hindi ako magbabalik-tanaw sa mga nangyari sa akin noong 2012 dahil sa mga bagay na hindi ko inaasahan, at sa mga bagay na hindi talaga magaganda. Oo, may mga magaganda pero kung babalikan ko ang 2012, mas marami akong maaalalang pangit kaysa sa maganda.
Katatapos lang naming magdasal ng rosaryo na maski paano ay nakapagpasalamat ako, dahil binigyan Niya ako ng isang malakas na pananampalataya at kumapit ako sa Kanya ng napakahigpit. Turns out, mas papaimbabaw talaga ang kasiyahan kaysa kalungkutan.
Gustong-gusto ko ng mag-alas dose ng hatinggabi at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. Gusto kong lumuha dahil finally, tapos na ang masalimuot na 2012 at magsisimula na ang bagong kabanata sa aking buhay. Pero sabi ko rin sa sarili ko na hinding-hindi na ako mag-iisip pa ng kung anu-ano sa taong 2013. Kaya rin siguro ako nasaktan noong nakaraang taon dahil nag-expect at nag-assume ako. Nag-expect ako dahil ang akala ko na magiging taon ko ang 2012 pero hindi naman pala. Nag-assume ako dahil pakiramdam ko para sa aking ang nakaraang taon pero hindi naman pala.
Dahil na rin sa mga hindi magagandang pangyayari, pakiramdam ko nagbago ang pakikitungo ko sa lahat, palatawa sa iilan at galit na galit naman sa karamihan. Ilang beses kaming nag-away ng mga kaibigan ko dahil hindi nila nasusunod ang gusto ko para sa kanila. Pakiramdam ko, napaka-bossy ko. Pakiramdam ko, nagmamagaling ako. Pakiramdam ko, akala ko kung sino ako. Hindi ko lang alam o hindi ko lang talaga alam, nakakasakit na pala ako.
Ang pinakamasakit sa lahat ay ang ipagpilitan ko kung ano ang nararapat. Nag-isip ako ng masama, naging madamot ako sa aking nararamdaman.
Kaya sabi ko sa sarili ko, sa taong 2013, sana maging baby ulit ako. Maging bata ulit ako. Gusto ko ulit magsimula sa simula, gusto kong mabago lahat. Lahat-lahat. Ayaw ko na makasakit pa ng kapwa, mag-isip ng masama sa kapwa. Sa taong 2012, naging ganoon ako at sa 2013, ayoko na. Gusto ko lahat maging masaya, lahat nagmamahalan at walang nag-aaway.
Kaya sa mga nasaktan ko noong 2012, humihingi ako ng patawad. Hindi ko sinasadya na masaktan kayo. Kilala mo na kung sino ka, kilala niyo na kung sino kayo. Bigyan niyo ako ng pagkakataon para mabago ang sarili ko dahil naging maramot ako. Madamot pagdating sa kasiyahan ng tao. Sa lahat ng hindi ko nginingitian at tinatanguhan kapag makakasalubong ko, pasensya na dahil na rin sa sobrang dami kong iniisip at inaatupag. Sa lahat ng nakalimutan ko, pasensya na rin dahil naging busy sa lahat ng aspeto ng buhay at pati ikaw bilang kaibigan ko, nakalimutan ko.
Sa taong 2013, babaguhin ko ang lahat, sa abot ng makakaya ko. Malay natin, sa taong ito mangyari na ang lahat. Pero ayaw kong pangunahan ang pagkakataon, kung darating, darating. Kung hindi, tiyaga lang sa paghihintay. Hindi pa naman huli ang lahat para maranasan ang lahat.
Maging matalino, maging ma-diskarte at maging simple. Yan ang gusto kong mangyari sa akin sa taong 2013. Huwag ng gawing komplikado ang buhay.
Ang tanging puwede kong gawin sa 2012 ay pasalamatan dahil marahil naging matatag ako. At dahil diyan, haharapin ko ang 2013 ng masaya at mabuhay!
Thank you 2012. Pasensya ka na at sa lahat ng puwede kong balikan na mga taon sa buhay ko, ikaw ang hindi ko babalik-balikan.
Kahit ginagawa siyang katatawanan sa Facebook, gagamitin ko siya rito: "2013, please be good to me!"
Lord, thank you for giving my family, my friends and I another spectacular new year to celebrate. Feast us with Your Divine Love as we will start our year right and almost perfect. May we prepare everything so that we could face trials and challenges with You.
In 2012, Lord, it might not be good and okay so allow me to forget the mishaps of my life. In 2013, Lord, please bless my family, my friends and myself with unlimited happiness, support, patience and most of all love for each other.
May we have a fruitful year ahead of us, even better than the past years. In Jesus' Holy Name. Amen!
Toodles, 2012!
More toodles to 2013!!!