Before we end your 2012, I will be topping off my blog posts to my dear friends with my last friend as he celebrated his birthday yesterday, Christmas Day.
Ang pagkakakilala ko sa kanya ay maihahalintulad ko sa mga larawan, litrato o picture. Sa aming magkakapatid naman kasi, siya lang ang may SLR na camera so kapag may aksyon na nagaganap, makakapal ang mukha namin kung ipadala sa kanya ang kanyang napakamahal at mahal na mahal na camera. So let me put my writing to him the way I usually ask my students to do, descriptive. Kukuha ako ng sampung mga picture from his Facebook account and then I will describe him through it.
Yan ang kanyang palasyo. Of course, hindi, pero pakiramdam ko, ganyan ang gusto niyang mangyari sa kanyang tahanan probably the soonest. Mahilig siyang pumunta sa ibang bansa and sa ibang lugar and I guess that's his way of relaxation. In fairness itong kaibigan kong ito, magaling siyang mag-ipon and part of his expenses is to go anywhere. Previously, nakapag-Hong Kong sila ni Julie and also nakapag-Singapore na rin siya. Way to go, Prof! Hayaan mo, mag-iipon talaga ako (sure yan for 2013!) para makapunta tayo ng London.
Ganyan kaming um-emote na magkakapatid, parang mga hindi teacher. Anyways, gamit-gamit namin diyan ang SLR camera ni Prof. And as far as I remember, siya ang may pakana ng ganyang emote at pictorial. Teleserye style daw, so kami namang lahat, game. Dahil gumaganda at pumupogi kami gamit ang kanyang SLR camera, right?
Isa rin sa mga pinaka-simpleng taong nakilala ko itong si Prof. Wala siyang kaarte-arte sa katawan, maliban na lang sa mga pabangong ginagamit niya. Bilang lalaki, mahilig din siya sa mga latest gadgets and for him, he takes it as a reward for himself. Pero napakasimpleng tao, sobrang simple. Simple lang naman ang gusto niya sa buhay niya, magkaroon ng family, at magkaroon ng mas magandang buhay na mas maganda pa sa buhay niya ngayon (well, maybe?).
Isa sa pinakagusto ko dito sa kaibigang kong ito ay ang paglalaro niya ng badminton. Hardcore badminton player siya ng University of Santo Tomas and dahil na rin sa paglalaro niya, siya ay naging scholar (wow!). Pangarap ko siyang makalaro at sabi ko nga sa kanya, okay lang kung matalo ako. Proud and honorable ang magiging pakiramdam ko once na makalaro or even makalaban ko siya. Sana naman Prof! Kahit once lang, hehehe!
Last year ay natapos na niya ang kanyang Master's Degree in Mathematics sa University of Santo Tomas at saksi kami sa kanyang pagtatapos. Pagdating sa pagiging masipag, siya na ang first honors, valedictorian at summa cum laude ng kasipagan sa buong mundo siguro. Umabot na sa point na sa sobrang kasipagan niya, nahimatay na siya. Pero all of his diligence in studies and work, paid off naman. Look at this picture, he finished his degree with flying colors!
He's a proud Aurora native and proud din siya sa kanyang probinsiya. Hindi ito sa Aurora pero as early as today, nag-aaya na siya sa kanila para naman makita namin ang ganda ng Aurora. No doubt, Aurora is one of the leading destinations of tourist because of their beaches and wonderful scenery. Hayaan mo, after Catanduanes and Baguio and Thailand and bago tayo mag-London, pupunta ang buong Teacherrifics diyan sa Aurora at tayo'y magaala-Jericho Rosales sa surfing!
Makulit yang si Prof. Kapag yan bumanat na ng mga jokes, ewan na lang kung matatawa ka ng sobra o mamimilipit ang tiyan mo sa sobrang tawa (parang pareho lang naman!). Siya ang nagbinyag sa akin ng "Tito Boy" at ewan ko naman kung ano ang nakita niya sa akin na hawig ko raw si Tito Boy. Siguro dahil lagi akong nakasalamin at madaldal ako kaya nga siguro, Tito Boy ako. Si Andrewkells, tawag naman niya si... Huwag na baka magalit sa akin ang Andrewkellya.
Ikaw na ang driver na marunong sa sasakyan. Hindi ko makakalimutan noong hinatid natin sa airport si Lyrize at nahuli tayong dalawa dahil walang maparkan sa Terminal 1 ng pinaka-not-so-beautiful airport ng Pilipinas. Lagi mong nababanggit ang mga katagang "haaay salamat!" lalo na noong time na nakalampas tayo sa traffic light sa intersection ng MIA Road at Sucat Road. Sa pagkakatanda ko, limang beses mo siyang nabanggit (di ba, tanda ko!) at haaay salamat, naabutan pa natin si Lyrize noon! Sana kapag may lakad tayong magkakapatid, madala mo na sasakyan mo para hindi na tayo sardinas sa sasakyan ko, hehehe!
Bukod sa pagbabadminton, tumatakbo rin sa mga marathons itong si Prof. Pangarap namin nila Rachel at Theresa na makatakbo ng bonggang-bongga sa napakasosyal na Bonifacio Global City. Naikuwento mo sa amin na umabot ka sa 15K run na hindi mo namamalayan. Ikaw na. Kung ako, baka hanggang 1.5K lang ang kayanin ko hehehehe! Pero sana magawa natin yan sa 2013, huwag na 2012. Hehehe.
Yan silang dalawa ni Julie noong nag-Hong Kong sila recently. I didn't know how they started their relationship basta noong nakilala ko yang si Prof, sila ni ng diyosa. Ngayon, sadly nasa London na si Julie to have work and sabi niya sa amin, susunod siya doon. I'm so happy for the both of them dahil sila ay engaged na and ready to begin their lives together. As long as masaya sila (obvious and evidently naman), we're all happy for you, guys! And hopefully you could have the family that you wanted, bigyan agad si Prof ng Christopher Tarroza, Jr. hehehe!
This is for you, Prof! Sana'y matuwa ka at hindi magulantang sa mga pinagsusulat ko dito. Hopefully you achieve even more in your life though I know you already achieved what you really wanted. God bless you, Merry Christmas and Happy New Year sa iyo!
Toodles, Prof!!!
No comments:
Post a Comment