Saturday, January 26, 2013

Eurika!

Napapakinggan ko lang ang mga kanta niya noon sa mga pang-masang radio stations like 103.5 WOW FM, 91.5 Big Radio and 107.5 Win Radio. At in fairness naman sa batang ito, wala man akong idea how old is she, ay napakaganda ng boses. I only know three of her songs and this is not probably based from her life, dahil puros tungkol sa love ang theme ng kanyang mga mata.

Dahil tatlo sa mga kanta niya ay favorite ko na at kasama na rin siya sa MP3 player ko, considered ko na siya as one of my favorite OPM singers of this year. Two hits were being released last year and the third one is just only recently. Dahil diyan, I'll put the three songs here in my baby.


Kung Puwede Lang

Nang ikaw ay makilala, laging habol ng kaba
'Di malaman kung ano ang gagawin 'pag nand'yan ka
Lagi kang naiisip 'pag hindi ka nakikita
Pero natatahimik 'pag ika'y malapit na

Kung puwede lang sumigaw ang puso kong ito
Sasabihin ang pangalan mo, ito ay totoo
Kung puwede lang sumigaw ang puso kong ito
Mapagod man ay gagawin pa rin, basta mapansin mo
Alam ko na ito ay hindi isang laro
Kung puwede lang naman, marinig mo ang aking puso

Dati ay walang gumugulo sa isip ko
Bakit ba ngayon ikaw na lagi ang laman nito?
'Di ko naman sinasadyang maramdaman ito
Kahit sinasabi nila na bata pa ako

Kung puwede lang sumigaw ang puso kong ito
Sasabihin ang pangalan mo, ito ay totoo
Kung puwede lang sumigaw ang puso kong ito
Mapagod man ay gagawin pa rin, basta mapansin mo
Alam ko na ito ay hindi isang laro
Kung puwede lang naman, marinig mo ang aking puso

'Di ko alam kung hanggang kailan ganito
Sana lang malaman mo ang lihim kong ito

Kung puwede lang sumigaw ang puso kong ito
Sasabihin ang pangalan mo, ito ay totoo
Kung puwede lang sumigaw ang puso kong ito
Mapagod man ay gagawin pa rin, basta mapansin mo
Alam ko na ito ay hindi isang laro
Kung puwede lang naman, marinig mo ang aking puso...

Basta Alam Ko Lang

Oooh...

'Di ko maalis sa aking isip
Mula nang makilala ka, may bagong nadama
Kapag kausap ka, damdamin ay sumasaya
Bakit ba naiinis kapag may kasama kang iba

Sabi raw nila ganito 'pag umiibig na
Pero 'di pa ako sigurado sa nadarama

Basta alam ko lang, ako ay masaya sa piling mo
'Pag 'di ka natatanaw, nalulungkot ang puso ko
Basta alam ko lang, ikaw ang hanap ng aking mata
Kahit 'di sinasadya, laging naiisip ka
Pag-ibig ba ito o humahanga lang sa'yo
Basta alam ko lang, ako ay masaya sa piling mo

Hmmm...

Ako'y nalilito kapag katabi ka
Ang iyong ngiti sa akin ay nagpapakaba

Sabi raw nila ganito 'pag umiibig na
Pero 'di pa ako sigurado sa nadarama

Basta alam ko lang, ako ay masaya sa piling mo
'Pag 'di ka natatanaw, nalulungkot ang puso ko
Basta alam ko lang, ikaw ang hanap ng aking mata
Kahit 'di sinasadya, laging naiisip ka
Pag-ibig ba ito o humahanga lang sa'yo
Basta alam ko lang, ako ay masaya sa piling mo

Pag-ibig nga kaya ang nadarama ngayon
Sana'y malinawan din sa tamang panahon

Basta alam ko lang, ako ay masaya sa piling mo
'Pag 'di ka natatanaw, nalulungkot ang puso ko
Basta alam ko lang, ikaw ang hanap ng aking mata
Kahit 'di sinasadya, laging naiisip ka
Pag-ibig ba ito o humahanga lang sa'yo
Basta alam ko lang, ako ay masaya sa piling mo

Basta alam ko lang, ako ay masaya sa piling mo...


Basta't Kasama Ko'y Ikaw

Minsan ang buhay, parang isang laro
Minsan panalo ka, minsan ay kay bigo
Buti na lamang, mayroon akong kakampi
Nandiyan ka palagi sa aking tabi

Kay laking pasasalamat at may isang ikaw
Handang umalalay sa bawat kong galaw

Hindi matatakot, anuman ang dumating
Basta't kasama ko'y ikaw, lahat ay kaya kong gawin
Hindi mangangamba kung may pagsubok man
Basta't kasama ko'y ikaw, ang lahat malalampasan
Ikaw ang sandalan at ang aking tanglaw
Ang buhay ko'y puno ng saya
Basta't kasama, basta't kasama ko'y ikaw

Minsan ang buhay, parang nagbibiro
Minsan ayaw ibigay ang nais ng puso
Buti na lamang, mayroon akong gabay
Nagsisilbing lakas ko at karamay

Kay laking pasasalamat at may isang ikaw
Handang umalalay sa bawat kong galaw

Hindi matatakot, anuman ang dumating
Basta't kasama ko'y ikaw, lahat ay kaya kong gawin
Hindi mangangamba kung may pagsubok man
Basta't kasama ko'y ikaw, ang lahat malalampasan
Ikaw ang sandalan at ang aking tanglaw
Ang buhay ko'y puno ng saya
Basta't kasama, basta't kasama ko'y ikaw

Ang buhay ko'y puno ng saya
Basta't kasama, basta't kasama ko'y ikaw

Hmmm...
Kasama ko'y ikaw...

What's your pick??? Ang gaganda lahat ano! For me, she's the best and she may be the next idol waiting to be discovered more!!! More beautiful songs, Eurika!!!

Toodles!!!

No comments:

Post a Comment