Saturday, May 26, 2012

Best Friend Forever

You know naman how much I love you BFF!!!
Nearly ten years of great friendship, yan ang mayroon kami nitong babaeng ito!

I am so proud to say that she is considering me as her best friend forever (well, huwag akong masyadong sugapa, madami kami!). Hindi man kami usual na nagkikita at nagkakausap but I know in my heart that we are all in this together. Through ups and downs of our own lives, nandiyan siya to listen, to give advice and to give me warm embrace after the storm. I can't imagine myself kung wala sa akin itong babaeng ito; hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko kapag wala siya.

Yesterday was her birthday and since she is drastically part of my life, I'll be presenting to you the things that made me realize that she is my best friend forever! Ladies and gentlemen, may I present to you Miss Imelyn Surio Blanco (a round of applause, please!)

The first time we met was in 2004, both of us were freshmen in the world-renowned (?) Pamantasan ng Lungsod ng Maynila in Intramuros. Hindi pa ako ganoong ka-loud unlike the succeeding days dahil bagong environment and full of adjustments ang kailangan gawin ng isang freshman sa isang university. It was our second subject, Sociology and dahil first day, kailangan naming magpakilala. I remember her seat, nasa bandang unahan pa siya katabi niya ang mga friends naming si Melanie Sumaria, Llewelyn Marasigan and my best buddy na itago na lang natin sa pangalang Kenneth. It was her turn to introduce: "Good afternoon, classmates (in her signature kolehiyala/conotic tone)! My name is Imelyn S. Blanco. I live in San Pedro, Laguna. I graduated from Araullo High School..." Ako coming from the Emerald City of Muntinlupa of course nagulat kasi may malapit lang sa akin na puwede kong makasabay. I remember sa Park N'Ride sa may Lawton, nakita ko siya sa bus na sasakyan ko rin. Nasa unahan, at napaka-meek niya sa sobrang tahimik. Then one time, nagkataong nagkausap na kami about anything and everything under the sun. Nagsabay kaming umuwi from pagkalabas sa PLM then through Park N'Ride where we usually take the bus going to our own homes. And then napag-usapan na namin kung sino siya at kung sino ako. Although there's a bit of okrayan moments (ganyan yan!), I already knew that we were destined to become very good or even best of friends. The moment na bababa na ako sa amin, sinabihan niya ako ng "Thank you sa pagsabay ha!" Hindi ko na-gets at first on why did she thanked me, yun pala for accompanying me. And I guessed it right, we became best of friends!

Kapag may problema ako if not about love life or career at kahit ano pa, hindi mawawala sa isip ko to talk to her. She has the best mind of giving advice to my crazy life. Tanggap niya ang pagiging overly-rated romantic side ko na kapag ako nagmahal, I'm giving my all (though hindi ko pa talaga ito nagagawa). Tanggap niya ang pagiging magulo ko on deciding which one will I choose. At higit sa lahat, tanggap niya ang mali sa akin. She will tell in front of my face what's wrong about me and I need to change it for good. Basta habang nandiyan si BFF, I have a wall to lean on and she will never ever let me fall back. Like the recent na meet-up namin, kinulang ang apat na oras for bringing out some problems and sad features of my life (as of this moment hehehe). I know in my heart that she would help me cleaning up the mess I've made and she gave me the best ideas on what to do with it. Sa mga ganoong pagkakataon, I would know that she will make the best, instant answer for my queries in life. At ganoon siya, kaya mahal na mahal ko yan!!!

I will never, ever forget the kulitan moments we had when we were college. Every time na kapag tinatanong ako kung ano ang mas memorable sa akin, elementary, high school or college, I always say my college life was the best! Bukod sa madami akong naging experiences (not like that, okay!) about being independent, gaining new friends and discovering new talents, isa si BFF kung bakit memorable siya sa akin. Nakita niya ako how I suffered from having a very low grades. Nakita rin niya ako kung paano ako nasaktan dahil sa pag-ibig na yan! Nakita rin niya ako kung paano ako nag-bloom. Nakita niya sa akin ang lahat, except my body hahaha! The moments na umuuwi na kami ng super late (like 12:00 mn) dahil sa gala namin hanggang sa mga chikahan moments sa SM City Manila. May mga kulitan moments rin sa Avancena at sa main campus ng PLM sa Intramuros. Sa bahay ng kanyang auntie sa Caloocan, hanggang sa kanilang bahay sa Sta. Rosa. Aside from my best buddy Kenneth, hindi akong nagsasawang makita siya, makausap siya and all. If only we could have our classes again in PLM-Avancena campus, na ang laging ginagawa lang namin ay magkuwentuhan habang tinitingnan ko siyang nagme-make-up. If only I could turn back time na habang naglalakad kami sa Luneta together with our friends ay parang wala kiyemeng may tao kung maglampungan kaming dalawa. I remember the time we were in Manila City Hall at may inaasikaso akong mga papeles. Lagi kasi siyang nakasukbit sa akin na parang mayroon akong dalang dextrose. Pagdaan namin sa floor na puros mga nagpapa-notaryo, may nagtanong sa amin ng: "Hi! Marriage contract?" Siyempre kami na ang nagulat and all! Ganyan kami magmahalan niyan! Nothing can withstand that!

At this moment, I need you! I really, really need you! Sorry if I wasn't able to come on your birthday. Special pa naman because you already reached the last year of your quarter life! 25 ka na! Pero siyempre, I can't face you if I'm having too much pain. Anyways, I just miss you a lot! I miss everything in both of us! Sobrang nakakatuwa dahil minsan lang tayong magkita pero we know in our hearts that you're always there. You know in your heart that I'm always there. Minsan nga nakakainis dahil laging ang ating mga work ang dahilan kung bakit hindi tayo nagkikita. Kaya siguro napapansin na natin na okay lang kahit hindi tayo magkita because we have Facebook, we have Twitter and others. But the importance of our friendship is we seeing each other! And alam mo na kung ano ang puwedeng mangyari sa atin kapag nagkita tayo! Kuwentuhan to the max! And for this moment, I would like to apologize for sometimes forgetting you! Hindi naman sa kinalimutan kita, it just so happened na busy lang talaga tayong dalawa! I am so happy for you and Geraldows Mallows (ako lang ang tumatawag sa kanya ng ganyan!). I remember the days both of you were starting. And yes, umabot sa point na nagtampo ako sa iyo dahil you never had much time with me (oo, ako na ang selfish!). I just don't understand that pero I realized that you're happy and so I should! Tingnan niyo naman, hindi na biro ang limang taon at malayo pa kayo sa isa't isa. I think that love is only at the beginning, what's important for the both of you is trust! And I can see you have that until now!

If only we can turn back time chasing all the good memories together. From day one of our friendship right until now, as of this writing. Kaya kong pumunta ng Sta. Rosa, sa inyo and we could have everything. Magkakasama tayong pito (how I wish we could bond again and again and again!) and all we have to do is to do crazy stuffs just like before (let's kick our problems!). Ang tradition na kapag last week of January ay magkikita-kita tayo sa MOA to celebrate the birthday of Kenneth. Or we will have so much fun laughing inside a comedy bar (remember The Library!). At noong poordoy na poordoy (read mahirap) tayo dahil wala pa tayong work eh kuntento na tayo sa window shopping sa SM City Manila or sa Robinsons Place Manila! At siyempre, hindi ko makakalimutan ang pagiging baliw natin sa Hale noon! Remember the time we went to SM City San Lazaro just to watch the mall tour nila Champ Lui-Pio. Sobrang patay na patay ka doon at in fairness nga talaga guwapo si Champ! Hanggang sa pumunta tayo sa Starmall (formerly Metropolis) at nasa unahan pa tayo with Cacai! And sa Pavilion Mall sa Binan just to again watch them live! Ang kulit lang; suddenly nag-iba kayo ng gusto at naging fanatic kayo ng Orange & Lemons (na disbanded na!) at ang mga gawain ninyong pagsunod sa kanila and all! Whenever I think of music, it reminds me of you! Ikaw na talaga ang rakista na naging follower ng mga emo rock bands at pati na rin mga metal rock bands that makes me a bit sick! At hindi ko rin makakalimutan ang mga tag names ko sa iyo na mga artista na sabi raw ng iba (including me hehehe) na kamukha mo like Kris Aquino (?), Regine Velasquez (?) at ang malupit sa lahat, Judy Ann Santos (!). Hahahaha!

Imelyn Surio Blanco. The name I will never ever forget! I don't know until when are we going stay here in this unpredictable world but whatever the conditions, catastrophes and all that, I will and will always be your best friend forever! Alam mo yan sobra! Words cannot describe our partnership together, basta ang importante kasama ako sa entourage mo sa kasal. I was thinking of that before na hindi pala ako puwede maging "maid of honor" mo dahil lalaki ako. Kahit ako pa ang maging pari sa kasal mo, okay lang what's important is I'm there in your most unforgettable day of your life. Let's pray to our dear Lord that our friendship, amidst the temptation of anger and guilt, we're still together. I can't hug you or embrace you or even kiss you, dito na lang sa blog ko!

Happy Happy Happy Happy Birthday Imee!!! Alam mo na ang dapat mong gawin, we're no longer getting younger but we're getting older! Alam mo na yun!!!

Wait, our most beautiful portrait together as best friends forever (may pimples pa ako diyan! Hahaha!).

My best friend forever and ever and ever and ever!!!
Toodles!!! Mwah mwah!!!

See you on June 2!!!

Sunday, May 20, 2012

As A Driver...

This month, I'll be celebrating my five years of being my family's own driver. Five years na rin sa amin si Mitsubishi Lancer GL model 1999. He doesn't have a name but this car gave us so many memories, pangit man or napakaganda. Through thick and thin, nakasama ko itong sasakyan na ito. Nakita niya ako how I started to be a driver. Nakita niya na rin kung paano kami mag-away ng tatay ko the way I drive. Nakita na rin niya ang mga taong isinakay ko dito: mga mahal kong mga kaibigan at ang pinakamamahal kong mga kapamilya. At nakita na rin niya kung sino ang nakadanggi sa kanya before.

Ang aming pinakamamahal na si Lancer
How did it start? After my father's retirement sa MERALCO, naririnig-rinig ko na gusto na nilang bumili ng sasakyan, kahit pre-owned. Sa una ayaw pa ng tatay ko sa hindi ko alam na dahilan. At ang nakakabaliw lang, ako ang gusto nilang pag-araling mag-drive. Ako pa naman na super takot sa malalaking kalsada like EDSA at SLEX, ako pa talaga ang kailangang mag-aral mag-drive. They already bought Lancer and they needed to go all the way to Cabanatuan just to buy. After few weeks, they enrolled me sa isang hindi kilalang driving school na malapit lang sa amin. Isang sedan si Lancer pero habang nagda-driving lesson ako, ang ginagamit ko ay Mitsubishi Adventure. Isang linggo lang ang pag-aaral ko and for each day, good for two hours. Para sa akin siyempre, kulang. Pero the time that I started the engine and doing the reverse and all sorts, doon ko na-realize na ang sarap palang mag-drive. I tried National Highway, mga maliliit na daan sa San Pedro and my last try was in Daang Hari. Ang sarap palang mag-drive pero kailangan mo ring intindihin ang mga bagay-bagay about driving.


Kung manual driving, start the engine and then apak sa clutch then move to the first gear (read "primera") then slowly release the clutch and slowly step on the accelerator (read "gas"). Kung bumilis ka na, apak sa clutch and move to the second gear, going up. The faster you're going, the higher gear you should use. Kung automatic driving, wala ka ng problema dahil brake at gas lang ang nasa pedals mo at hindi mo na kailangang mag-clutch. Iba rin ang gear ng automatic, may "parking," "stop," "reverse," at "drive." When I started trying to drive our car, ilang beses din akong namatayan, may nadanggi and all. Pero ang sabi ng ilan, hindi ka pa considered as "professional" driver kung hindi ka pa nababangga.

Ilang beses din kaming nag-away ng father ko just on how I am driving. Umabot pa sa point na magkakasakitan kami dahil na rin siguro sa ego ng father ko na gusto rin niyang mag-drive pero hindi na niya kaya. On my part (I mean, my own ego), proud ako sa sarili ko dahil kinaya ko at ngayon akala ko na kung sino ako sa daan (hehehe!). Naging problema ko yan na every time we will go, I am thinking what my father would criticize the way I drive. Nakakainis at nakakapikon dahil hindi naman siya ang nagturo sa akin. Sinasabi ko nga sa kanila ng aking mother na pakialaman niyo na lahat sa akin, huwag lang istilo ko sa pagmamaneho. 

Totoo nga ang sabi ng aking brother-in-law about driving na magiging parte na siya ng sistema mo dahil masasanay ka. Kaya ko ng kumain ng hamburger habang nagda-drive. Kahit bawal, kaya ko na ring mag-text (kahit QWERTY pa ang keypad) habang nagda-drive. At kaya ko ring makipag-daldalan with my family and friends habang nagda-drive. Aabot siguro sa panahong titigil kang mag-drive dahil wala ka sa bansa mo or na-trauma ka dahil sa isang aksidente or kahit ano pang puwede mangyari sa iyo, but it will still haunt you.

My dream cars (Hummer H3 and Mitsubishi Montero Sport)
I also dreaming of owning a car, yung tipong sa akin talaga and I don't need to ask my parents if they will allow me to drive their car. Sa sobrang pangarap, I was thinking of owning a HUMMER!!! Yes, magpaka-Piolo Pascual na tayo or Angel Locsin or Manny Pacquiao but I wanted a HUMMER!!! I prefer the H3 because it is classy and sophisticated, though known ang HUMMER to be a large-sized vehicle. Pero, pangarap nga lang yun at kung saka-sakaling magkapera ng malaki, why not to buy it! For a normal day, pangarap kong magkaroon ng Mitsubishi Montero Sport. Gusto ko malaking sasakyan, yung tipong kasya ang mga mahal ko sa buhay. It could carry 5 to 6 persons, depende sa laki ng makakasama ko. Puwede rin siyang umabot ng 7 persons because the back part of the vehicle can have seats also, though originally compartment siya. Kung sakaling manalo ako sa lotto or sa kahit ano pang pa-contest diyan, if I won a million bucks, I'll definitely head to the nearest Mitsubishi dealer! Hahaha.

Kasama ang aking kapatid pero aking sasakyan yan hehe
Driving is like our own lives, you'll never know where are you going but feels proud if you've reached your destination. I don't know where will I lead with my own way of driving. Mabilis-bilis na rin akong mag-drive at para sa akin, effective driver na ako kapag ang parents ko, nakakatulog na habang nagmamaneho ako. Yun na siguro ang pamantayan ko sa pagiging magaling na driver at sa tingin ko narating ko na rin kung nasaan na ako ngayon; pagdating sa pagdadala ng sasakyan at pagpunta sa destinasyong aking pupuntahan. Masarap pa rin ang pakiramdam na sa iyo nakasalalay ang buhay ng mga kasama mo sa loob ng sasakyan and definitely, buhay mo as a person. Masarap sa pakiramdam kapag nakakasama mo ang iyong mga mahal sa buhay, kapamilya mo man, kaibigan o kasintahan. You can start something inside of your vehicle, from chit-chats to rounds of life stories to wacky episodes of your lives! At sa puntong iyan, I think I already reached my destination.

Ako na siguro ang pinaka-weird na taong nagse-celebrate ng anniversary sa pagiging driver. But come to think of it, ako itong tipong hindi ko inaasahan na magiging driver ako dahil sa takot ako at ngayo'y malakas na malakas na ang loob kong sumuong kahit saan, mahuli man ako ng mga MMDA or ng mga gutom na traffic enforcer, masiraan man ako sa daan (sa gitna pa, can you imagine), or ma-flat-an ng gulong, or madanggi man ng ibang sasakyan o maging biktima ng mga carnapper diyan, I could say that yes, I am already a professional driver.

Balang araw mararanasan ko rin ang road trips with family or friends. Masaya yun, for sure!

And balang araw, I will have my own car! Guaranteed!

Congratulations to me!!!

Toodles!!!

Saturday, May 12, 2012

Payphone (Timely Song)

Wala ako sa mood magsulat ngayong buwan na ito dahil sa sobrang daming iniisip. So to make my blog more worthwhile, I'll be sharing to you my favorite song for this very timely day, Payphone by Maroon 5...

I turned some lyrics to bold because it is very nice and there's something in that line that reminds me... Hehehehe...


I'm at a payphone trying to call home
All of my change I spent on you
Where have the times gone, baby it's all wrong
Where are the plans we made for two?


Yeah, I, I know it's hard to remember,
The people we used to be...
It's even harder to picture,
That you're not here next to me.


You say it's too late to make it,
But is it too late to try?
And in our time that you wasted
All of our bridges burned down

I've wasted my nights,
You turned out the lights

Now I'm paralyzed,
Still stuck in that time,
When we called it love,
But even the sun sets in paradise

I'm at a payphone trying to call home
All of my change I spent on you
Where have the times gone, baby it's all wrong
Where are the plans we made for two?

If happy ever afters did exist,
I would still be holding you like this

All those fairy tales are full of shit
[Video:] One more fucking love song, I'll be sick.
[Album:] One more stupid love song, I'll be sick

Oh, you turned your back on tomorrow
'Cause you forgot yesterday.
I gave you my love to borrow,
But you just gave it away.


You can't expect me to be fine,
I don't expect you to care

I know I've said it before,
But all of our bridges burned down

I've wasted my nights,
You turned out the lights
Now I'm paralyzed,
Still stuck in that time,
When we called it love,
But even the sun sets in paradise

I'm at a payphone trying to call home
All of my change I spent on you
Where have the times gone, baby it's all wrong
Where are the plans we made for two?

If happy ever afters did exist,
I would still be holding you like this
All those fairy tales are full of shit
[Video:] One more fucking love song, I'll be sick.
[Album:] One more stupid love song, I'll be sick
Now I'm at a payphone

[Wiz Khalifa]
Man, fuck that shit
I'll be out spending all this money
While you're sitting round wondering
Why it wasn't you who came up from nothing,
Made it from the bottom
Now when you see me I'm stunting,
And all of my cars start with a push of a button

Telling me the chances I blew up
Or whatever you call it,
Switch the number to my phone
So you never could call it,
Don't need my name on my show,
You can tell it I'm ballin.

Swish, what a shame could have got picked
Had a really good game but you missed your last shot
So you talk about who you see at the top
Or what you could have saw but sad to say it's over for.

Phantom pulled up valet open doors
Wiz like go away, got what you was looking for
Now it's me who they want, so you can go and take
that little piece of shit with you.

I'm at a payphone trying to call home
All of my change I spent on you
Where have the times gone, baby it's all wrong
Where are the plans we made for two?

If happy ever after did exist,
I would still be holding you like this
All those fairy tales are full of shit
[Video:] One more fucking love song, I'll be sick.
[Album:] One more stupid love song, I'll be sick
Now I'm at a payphone...





Toodles :(((

Tuesday, May 01, 2012

The Gentleman With Many Faces

Halos lahat sa atin, gustong magkaroon ng magandang mukha, makinis na balat, maputi ang kutis, tamang ahit sa mga kilay, walang buhok or kahit balahibo, matangos ang ilong, maganda ang hugis ng mata, mapanga at kung ano-ano pang puwedeng gustong mangyari sa ating mga mukha. Ako, naging biktima ng mga germs at bacteria na nagiging sanhi ng mga pesteng pimples at acne. Noong una, hindi ako nababahala dahil normal lamang sa mga kabataan ang tubuan ng tigyawat pero nagugulantang na ako dahil tapos na ako sa pagiging teenager ko ay tinutubuan pa rin ako. May nagsasabing hereditary ang pagkakaroon ng mga tigyawat; ang aking ina at mga tiyuhin ay laging tinutubuan ng tigyawat kaya siguro nagkaroon din ako. May nagsasabi rin na madumi raw ang dugo ko. Hindi ko naman masyado matanggap ang katotohanan pero sumagi rin sa isip ko na baka nga. May nagsasabing nasa personal hygiene iyan. Well, maaaring totoo dahil may mga pagkakataon na kapag pagod na pagod ako, hindi na ako naglilinis ng mukha at tuloy tulog na. May nagsasabi rin na dahil sa pagkamalangis or pagka-oily ng mukha ko. Ika nga ng aking mahal na kaibigan, oiliness is next to ugliness. Hindi nga talaga maganda ang pagkakaroon ng mga tigyawat o kahit butlig-butlig at kung ano pa ang nasa mukha.

Sa aking problema, halos lahat ay nagamit ko na. Pinagpahid ako ng toothpaste, pinagpahid ako ng virgin coconut oil, bumili na ako ng kung anu-anong brand ng pamahid (hindi ko na babanggitin dahil hindi ako bayad, hehehe!), pumunta na ako sa mga dermatologists pero wala pa ring nangyayari. Umabot na sa puntong sinasampal-sampal ko na ang mukha dahil sa sobrang daming mga tigyawat at wala na akong pakialam kung dumugo man yan or pumutok. Nakakainis at talagang nakakababa ng dignidad at self-confidence. Kapag naglalakad ka sa mga malls or kahit saan, kapag napapatingin ang mga tao sa iyo ewan ko kung napopogian ba or nagagandahan ba sila or nandidiri sila sa mukha mo. Iba pa rin kasi ang may magandang mukha; iba pa rin kapag napapansin nila na maaliwalas ang mukha mo at hindi dahil ang pangit mo (no offense pero totoo!).

Last week, nagkaroon kami ng isang katuwaan dahil sa isang application na napakialaman ng aking mahal na kapatid. Ang tawag sa application na ito sa iPod ay Photo Swap na kung saan, pipili ang mismong application ng isang litrato na may dalawang tao at ipagpapalit ito. Sobrang lakas ng aming mga tawa dahil sa mga naging hitsura naming lahat. Naisip ko na lang na puwede ko itong gawing isang project dito sa aking blog. Ipapakita ko ang tunay na litrato at ipapakita ko rin ang ipinagpalit na mukha na litrato. Nakakatuwa na sa napakainit na panahon tulad ngayon ay nagawa pa naming tumawa ng tumawa!

PAALALA: Ang mga sumusunod na litrato ay ginamitan ng isang application sa iPod na ang tawag ay Photo Swap. Ipinagbigay-alam ko rin sa aking mga kaibigan na gagamitin ko ang mga litrato sa aking blog post. Hindi po totoo ang lahat ng makikita ninyong "pangalawang" litrato.

Unang Litrato: 
Ako (nasa kanan) at ang aking best buddy - normal photo
Ipinalit ang mga mukha naming dalawa at ito ang naging kinalabasan.
Pangalawang Litrato: (sa pagkakataong ito, ay sinubukan ko ang maging isang babae)

Kasama ang aking mahal na kaibigan na aking kapatid.
Napansin kong maganda pala ang aking hitsura kapag mahaba at maitim ang buhok.
Pagdating nga lang sa akin, talagang lumaki ang mukha niya. Ika nga niya, "nakakapangit!"
Pangatlong Litrato:
Kasama ang aking napakagandang kaibigan
Naging kamukha ni Aiza Seguerra ang aking kapatid sa aking mukha at ako naman
ay parang isang madre na masayang-masaya (hindi naman halata!)
Pang-apat na Litrato:
Kasama ang aking napakagandang kumare na tinatago ko sa pangalang
Julia Roberts.
Isipin niyo na ang gusto niyong isipin. Pero sa litratong ito ko napatunayan
na hindi sa lahat puwedeng pilitin ang gustong ipilit!
Eto pa!

Upong parang magkapatid o mag-asawa
Isipin niyo na ang gusto ninyong isipin. O mas maganda
kung tawanan niyo na ang dapat tawanan!
Panlimang Litrato:
Dahil bagay sa aking mahal na kapatid ang maging bata
ay sinubukan ko rin na maging mukhang batang babae.
Bumagay sa aking kapatid ang aking mukha pero sa akin, nagmukha
akong may sakit.
Isa pang malupit:
Mistulang kinukuhanan kami ng I.D. picture
Napakataas ng aking hair line at in fairness ang cute
namin dito!
Huling Litrato:
Kasama ko ang napaka-lovely na aking kaibigan.
Napansin ko na medyo bumagay sa akin ang headband ng aking kaibigan.
At ang pinaka sa pinaka:

Gamit ang kanyang purple-bow headband
Wala akong masabi... As in hmmm...
Akala niyo seryoso noh! Ganyan ako kamahal ng mga kaibigan dahil for the shortest time, pinagbigyan nila ang gusto ko na mailipat ang mukha ko sa mga mukha nila. Aminin na ninyo na hindi naman naging masama ang hitsura ko at hitsura nila; sadyang lumaki lang ang mga mukha nila dahil malaki nga ang mukha ko. Naiisip ko na ano kaya ang puwedeng maging hitsura ko kung tunay nga akong babae, o kung talagang payat ako. Base sa mga hitsura ko, puwede naman, pero depende pa rin.

At yan ang aking mga mukha. Nakakatuwa, nakakatawa pero magaganda! Hope you liked it!

Toodles!