Tuesday, May 01, 2012

The Gentleman With Many Faces

Halos lahat sa atin, gustong magkaroon ng magandang mukha, makinis na balat, maputi ang kutis, tamang ahit sa mga kilay, walang buhok or kahit balahibo, matangos ang ilong, maganda ang hugis ng mata, mapanga at kung ano-ano pang puwedeng gustong mangyari sa ating mga mukha. Ako, naging biktima ng mga germs at bacteria na nagiging sanhi ng mga pesteng pimples at acne. Noong una, hindi ako nababahala dahil normal lamang sa mga kabataan ang tubuan ng tigyawat pero nagugulantang na ako dahil tapos na ako sa pagiging teenager ko ay tinutubuan pa rin ako. May nagsasabing hereditary ang pagkakaroon ng mga tigyawat; ang aking ina at mga tiyuhin ay laging tinutubuan ng tigyawat kaya siguro nagkaroon din ako. May nagsasabi rin na madumi raw ang dugo ko. Hindi ko naman masyado matanggap ang katotohanan pero sumagi rin sa isip ko na baka nga. May nagsasabing nasa personal hygiene iyan. Well, maaaring totoo dahil may mga pagkakataon na kapag pagod na pagod ako, hindi na ako naglilinis ng mukha at tuloy tulog na. May nagsasabi rin na dahil sa pagkamalangis or pagka-oily ng mukha ko. Ika nga ng aking mahal na kaibigan, oiliness is next to ugliness. Hindi nga talaga maganda ang pagkakaroon ng mga tigyawat o kahit butlig-butlig at kung ano pa ang nasa mukha.

Sa aking problema, halos lahat ay nagamit ko na. Pinagpahid ako ng toothpaste, pinagpahid ako ng virgin coconut oil, bumili na ako ng kung anu-anong brand ng pamahid (hindi ko na babanggitin dahil hindi ako bayad, hehehe!), pumunta na ako sa mga dermatologists pero wala pa ring nangyayari. Umabot na sa puntong sinasampal-sampal ko na ang mukha dahil sa sobrang daming mga tigyawat at wala na akong pakialam kung dumugo man yan or pumutok. Nakakainis at talagang nakakababa ng dignidad at self-confidence. Kapag naglalakad ka sa mga malls or kahit saan, kapag napapatingin ang mga tao sa iyo ewan ko kung napopogian ba or nagagandahan ba sila or nandidiri sila sa mukha mo. Iba pa rin kasi ang may magandang mukha; iba pa rin kapag napapansin nila na maaliwalas ang mukha mo at hindi dahil ang pangit mo (no offense pero totoo!).

Last week, nagkaroon kami ng isang katuwaan dahil sa isang application na napakialaman ng aking mahal na kapatid. Ang tawag sa application na ito sa iPod ay Photo Swap na kung saan, pipili ang mismong application ng isang litrato na may dalawang tao at ipagpapalit ito. Sobrang lakas ng aming mga tawa dahil sa mga naging hitsura naming lahat. Naisip ko na lang na puwede ko itong gawing isang project dito sa aking blog. Ipapakita ko ang tunay na litrato at ipapakita ko rin ang ipinagpalit na mukha na litrato. Nakakatuwa na sa napakainit na panahon tulad ngayon ay nagawa pa naming tumawa ng tumawa!

PAALALA: Ang mga sumusunod na litrato ay ginamitan ng isang application sa iPod na ang tawag ay Photo Swap. Ipinagbigay-alam ko rin sa aking mga kaibigan na gagamitin ko ang mga litrato sa aking blog post. Hindi po totoo ang lahat ng makikita ninyong "pangalawang" litrato.

Unang Litrato: 
Ako (nasa kanan) at ang aking best buddy - normal photo
Ipinalit ang mga mukha naming dalawa at ito ang naging kinalabasan.
Pangalawang Litrato: (sa pagkakataong ito, ay sinubukan ko ang maging isang babae)

Kasama ang aking mahal na kaibigan na aking kapatid.
Napansin kong maganda pala ang aking hitsura kapag mahaba at maitim ang buhok.
Pagdating nga lang sa akin, talagang lumaki ang mukha niya. Ika nga niya, "nakakapangit!"
Pangatlong Litrato:
Kasama ang aking napakagandang kaibigan
Naging kamukha ni Aiza Seguerra ang aking kapatid sa aking mukha at ako naman
ay parang isang madre na masayang-masaya (hindi naman halata!)
Pang-apat na Litrato:
Kasama ang aking napakagandang kumare na tinatago ko sa pangalang
Julia Roberts.
Isipin niyo na ang gusto niyong isipin. Pero sa litratong ito ko napatunayan
na hindi sa lahat puwedeng pilitin ang gustong ipilit!
Eto pa!

Upong parang magkapatid o mag-asawa
Isipin niyo na ang gusto ninyong isipin. O mas maganda
kung tawanan niyo na ang dapat tawanan!
Panlimang Litrato:
Dahil bagay sa aking mahal na kapatid ang maging bata
ay sinubukan ko rin na maging mukhang batang babae.
Bumagay sa aking kapatid ang aking mukha pero sa akin, nagmukha
akong may sakit.
Isa pang malupit:
Mistulang kinukuhanan kami ng I.D. picture
Napakataas ng aking hair line at in fairness ang cute
namin dito!
Huling Litrato:
Kasama ko ang napaka-lovely na aking kaibigan.
Napansin ko na medyo bumagay sa akin ang headband ng aking kaibigan.
At ang pinaka sa pinaka:

Gamit ang kanyang purple-bow headband
Wala akong masabi... As in hmmm...
Akala niyo seryoso noh! Ganyan ako kamahal ng mga kaibigan dahil for the shortest time, pinagbigyan nila ang gusto ko na mailipat ang mukha ko sa mga mukha nila. Aminin na ninyo na hindi naman naging masama ang hitsura ko at hitsura nila; sadyang lumaki lang ang mga mukha nila dahil malaki nga ang mukha ko. Naiisip ko na ano kaya ang puwedeng maging hitsura ko kung tunay nga akong babae, o kung talagang payat ako. Base sa mga hitsura ko, puwede naman, pero depende pa rin.

At yan ang aking mga mukha. Nakakatuwa, nakakatawa pero magaganda! Hope you liked it!

Toodles!

No comments:

Post a Comment