Sunday, May 20, 2012

As A Driver...

This month, I'll be celebrating my five years of being my family's own driver. Five years na rin sa amin si Mitsubishi Lancer GL model 1999. He doesn't have a name but this car gave us so many memories, pangit man or napakaganda. Through thick and thin, nakasama ko itong sasakyan na ito. Nakita niya ako how I started to be a driver. Nakita niya na rin kung paano kami mag-away ng tatay ko the way I drive. Nakita na rin niya ang mga taong isinakay ko dito: mga mahal kong mga kaibigan at ang pinakamamahal kong mga kapamilya. At nakita na rin niya kung sino ang nakadanggi sa kanya before.

Ang aming pinakamamahal na si Lancer
How did it start? After my father's retirement sa MERALCO, naririnig-rinig ko na gusto na nilang bumili ng sasakyan, kahit pre-owned. Sa una ayaw pa ng tatay ko sa hindi ko alam na dahilan. At ang nakakabaliw lang, ako ang gusto nilang pag-araling mag-drive. Ako pa naman na super takot sa malalaking kalsada like EDSA at SLEX, ako pa talaga ang kailangang mag-aral mag-drive. They already bought Lancer and they needed to go all the way to Cabanatuan just to buy. After few weeks, they enrolled me sa isang hindi kilalang driving school na malapit lang sa amin. Isang sedan si Lancer pero habang nagda-driving lesson ako, ang ginagamit ko ay Mitsubishi Adventure. Isang linggo lang ang pag-aaral ko and for each day, good for two hours. Para sa akin siyempre, kulang. Pero the time that I started the engine and doing the reverse and all sorts, doon ko na-realize na ang sarap palang mag-drive. I tried National Highway, mga maliliit na daan sa San Pedro and my last try was in Daang Hari. Ang sarap palang mag-drive pero kailangan mo ring intindihin ang mga bagay-bagay about driving.


Kung manual driving, start the engine and then apak sa clutch then move to the first gear (read "primera") then slowly release the clutch and slowly step on the accelerator (read "gas"). Kung bumilis ka na, apak sa clutch and move to the second gear, going up. The faster you're going, the higher gear you should use. Kung automatic driving, wala ka ng problema dahil brake at gas lang ang nasa pedals mo at hindi mo na kailangang mag-clutch. Iba rin ang gear ng automatic, may "parking," "stop," "reverse," at "drive." When I started trying to drive our car, ilang beses din akong namatayan, may nadanggi and all. Pero ang sabi ng ilan, hindi ka pa considered as "professional" driver kung hindi ka pa nababangga.

Ilang beses din kaming nag-away ng father ko just on how I am driving. Umabot pa sa point na magkakasakitan kami dahil na rin siguro sa ego ng father ko na gusto rin niyang mag-drive pero hindi na niya kaya. On my part (I mean, my own ego), proud ako sa sarili ko dahil kinaya ko at ngayon akala ko na kung sino ako sa daan (hehehe!). Naging problema ko yan na every time we will go, I am thinking what my father would criticize the way I drive. Nakakainis at nakakapikon dahil hindi naman siya ang nagturo sa akin. Sinasabi ko nga sa kanila ng aking mother na pakialaman niyo na lahat sa akin, huwag lang istilo ko sa pagmamaneho. 

Totoo nga ang sabi ng aking brother-in-law about driving na magiging parte na siya ng sistema mo dahil masasanay ka. Kaya ko ng kumain ng hamburger habang nagda-drive. Kahit bawal, kaya ko na ring mag-text (kahit QWERTY pa ang keypad) habang nagda-drive. At kaya ko ring makipag-daldalan with my family and friends habang nagda-drive. Aabot siguro sa panahong titigil kang mag-drive dahil wala ka sa bansa mo or na-trauma ka dahil sa isang aksidente or kahit ano pang puwede mangyari sa iyo, but it will still haunt you.

My dream cars (Hummer H3 and Mitsubishi Montero Sport)
I also dreaming of owning a car, yung tipong sa akin talaga and I don't need to ask my parents if they will allow me to drive their car. Sa sobrang pangarap, I was thinking of owning a HUMMER!!! Yes, magpaka-Piolo Pascual na tayo or Angel Locsin or Manny Pacquiao but I wanted a HUMMER!!! I prefer the H3 because it is classy and sophisticated, though known ang HUMMER to be a large-sized vehicle. Pero, pangarap nga lang yun at kung saka-sakaling magkapera ng malaki, why not to buy it! For a normal day, pangarap kong magkaroon ng Mitsubishi Montero Sport. Gusto ko malaking sasakyan, yung tipong kasya ang mga mahal ko sa buhay. It could carry 5 to 6 persons, depende sa laki ng makakasama ko. Puwede rin siyang umabot ng 7 persons because the back part of the vehicle can have seats also, though originally compartment siya. Kung sakaling manalo ako sa lotto or sa kahit ano pang pa-contest diyan, if I won a million bucks, I'll definitely head to the nearest Mitsubishi dealer! Hahaha.

Kasama ang aking kapatid pero aking sasakyan yan hehe
Driving is like our own lives, you'll never know where are you going but feels proud if you've reached your destination. I don't know where will I lead with my own way of driving. Mabilis-bilis na rin akong mag-drive at para sa akin, effective driver na ako kapag ang parents ko, nakakatulog na habang nagmamaneho ako. Yun na siguro ang pamantayan ko sa pagiging magaling na driver at sa tingin ko narating ko na rin kung nasaan na ako ngayon; pagdating sa pagdadala ng sasakyan at pagpunta sa destinasyong aking pupuntahan. Masarap pa rin ang pakiramdam na sa iyo nakasalalay ang buhay ng mga kasama mo sa loob ng sasakyan and definitely, buhay mo as a person. Masarap sa pakiramdam kapag nakakasama mo ang iyong mga mahal sa buhay, kapamilya mo man, kaibigan o kasintahan. You can start something inside of your vehicle, from chit-chats to rounds of life stories to wacky episodes of your lives! At sa puntong iyan, I think I already reached my destination.

Ako na siguro ang pinaka-weird na taong nagse-celebrate ng anniversary sa pagiging driver. But come to think of it, ako itong tipong hindi ko inaasahan na magiging driver ako dahil sa takot ako at ngayo'y malakas na malakas na ang loob kong sumuong kahit saan, mahuli man ako ng mga MMDA or ng mga gutom na traffic enforcer, masiraan man ako sa daan (sa gitna pa, can you imagine), or ma-flat-an ng gulong, or madanggi man ng ibang sasakyan o maging biktima ng mga carnapper diyan, I could say that yes, I am already a professional driver.

Balang araw mararanasan ko rin ang road trips with family or friends. Masaya yun, for sure!

And balang araw, I will have my own car! Guaranteed!

Congratulations to me!!!

Toodles!!!

No comments:

Post a Comment