Tuesday, August 21, 2012

Para Sa Isang Kasagabay Na Ang Tawag Ko'y Si DUDE

Sa dako pa roon...
Ito na siguro ang pinakahihintay mo, ang aking paglalaan ng isang pahina para sa iyo, aking mahal na kaibigan. Nasimulan ko na ito sa ating mga kaibigan at ipinagpapatuloy ko sa iyo. Ngayon ang iyong masayang kaarawan at kaisa ako sa mga taong lubos na nagmamahal sa iyo: kapamilya, kaibigan at marami pa. Hindi ko alam kung papaano ko ilalagay sa pamamagitan ng mga salita kung paano tayong dalawa bilang magkaibigan na nagsimula lamang sa isang bagay na pagkakapareho natin. Simula noon, nag-iba na ang lahat, hanggang sa mga oras na ito ay kung ang turingan natin ay isang magkababata, matalik na magkaibigan, o kung maaari lamang, tunay na magkapatid na galing sa magkaibang sinapupunan ng ating mga ina. Sa iyong ispesyal na araw, ang iyong kaarawan, hayaan mo't aliwin kita sa pamamagitan ng mga bagay na napuna ko, nakita ko at nasubaybayan ko sa iyong napakagandang buhay.

Dahil ikaw ay isang sugo ng ating wikang pambansa, hayaan mo na ako na gumamit ng pinaghalong Filipino at Ingles dahil dude, mahirap, in fairness! Tutal naman ginusto mo rin na magturo ng English so I guess, you would love this. Ang hirap dude, mahirap! Here are the ten or more things that I love about this boy named Juanito Nunez Anot at akalain niyong may Junior ito o Yuan for short.

Writing is the best medicine when you're happy or sad.
MANUNULAT O WRITER - According to sa iyong blogsite (talaarajuuan.blogspot.com), "writing is the best medicine when you're happy or sad." At sa palagay ko, sa halos sandaang entries mo sa iyong blog (nasabi pa niya sa akin na bukod sa Blogspot ay mayroon pa siyang Tumblr at Live Journal at may entries pa siyang nasa draft), lahat ng iyon ay naisulat mo kung masaya ka o kung malungkot ka. Ang masasabi ko lamang ay kulang na lang ay mai-publish na niya ang mga naisulat niya, from his own imagination and interpretation to his own thesis paper. Saksi ako sa mga pangyayaring naganap sa iyo noong tinatapos mo ang iyong thesis na stressed na stressed ka na at hindi mo na alam kung makakapasa ka ba o hindi. Nakita ko ang iyong pagpupursigi na ang tanging kagustuhan mo lang ay mai-defend mo sa harap ng panel ang iyong likha na pinamagatang "Ang Imahen ng Tondo sa mga Nobelang, Ang Tundo Man May Langit Din, Canal Dela Reina at Sa Mga Kuko Ng Liwanag" (hindi ko alam kung paano siya isulat using APA or MLA or whatever). Mayroon rin siyang naisulat na mga maiikling kuwento hango sa mga pangyayaring kanyang naranasan, sa mga pang-araw-araw na buhay niya o ang kanyang buhay pag-ibig (may kailangan ba akong i-share?). Wala pang kasiguruhan pero nagbabalak na siyang kumuha ng kanyang pang-Ed.D o pang-Ph.D pero ang isang pinapangarap niyang makamit habang siya'y bata pa ay makapag-publish ng kanyang obra. Alam ko naman na kaya niya at siguradong maaabot niya ito agad-agad! Di ba!



Ang Tondo Church
HARI NG TONDO (?) - Natanong ko siya habang kami ay nagkukuwentuhan, "ever since the world begun ba, Manila Boy ka na?" Simula't sapul ng siya ay ipinanganak sa mundong walang kasiguruhan ay matatawag na siyang "produkto ng Maynila." Terey! Kahit may mga pagkakataong naiisip niya na umalis sa kanilang lugar sa Tondo ay proud pa rin siya dahil galing siya sa lugar ng mga matatapang at maaangas. Kung iisipin mong manggagaling siya sa kanilang bahay sa Tondo hanggang sa aming institusyon sa Paranaque ay tiyak na nakakapagod. Pero sa kanya, na halos magsa-sampung taon na niyang ginagawa ito ay parang wala na lang sa kanya. Hindi niya ikinakahiya na siya ay galing sa Tondo, bagkus tuwang-tuwa pa siya rito. Of course, naroon ang kanyang pamilya, ang kanyang mga kaibigan at higit sa lahat, ang kanyang kamusmusan. Gusto niya rin yatang mapasama sa mga kilalang taong nanggaling sa Tondo tulad nina Manny Villar, Dolphy, Amado V. Hernandez, Isko Moreno, Jose Manalo, Arnold Clavio, Joseph Estrada, Angelica Panganiban (?), at si Andres Bonifacio (atapang a tao!). Kapag siguro sinabi mong Yuan Anot, maiisip mong "ah! taga-Tondo yun! Maano yun! Basta, maano yun!" Hahaha. Walang sabi-sabi at walang pag-aalinlangan, hindi natin alam na baka siya mabansagan na Hari ng Tondo! Di ba!

Juma-Justin Bieber
THE ULTIMATE JUSTIN BIEBER FAN - Isa siyang matatawag na dedicated music lover na minsan, naging parte ng buhay niya ang pagkakaroon ng career sa music industry. Napasama siya sa isang indie band na ang tawag sa kanila'y Toothbrush. Pero sa isang hindi pagkakaintindihan sa kanilang grupo ay bigla na lamang siyang inalis. Marahil ay hindi para sa kaniya ang industriya ng musika, bagkus napunta siya sa ibang larangan, ang pagtuturo. Nakalikot ko minsan ang kanyang iPod at puros mga kantang pang-banda ang mga nakapaloob dito, mayroon siyang Dashboard Confessional, Fall Out Boy, Up Dharma Down, The Script, Paramore, Maroon 5 at marami pang iba. Mahilig na rin siya sa Hillsong Music na Christian band, at sa mga ballads mapa-OPM man or foreign. Pero ang hindi ko matanggap sa simula, at okay na rin naman sa huli ay paboritong-paborito niya si Justin Bieber. Hindi pa man malaki ang boses niya at hindi pa man din sila ni Selena Gomez ay hangang-hanga ang lolo mo dito. Sa larawang nakikita ninyo, ninais niyang maging isang Justin Bieber sa loob ng isang araw. In fairness naman sa kanya ay kuhang-kuha naman ngunit katulad na lamang ng sinabi ko sa kanya, "okay naman na maging idol mo si Justin Bieber pero dapat talaga according sa age." Hahahaha. Ngayon, siya ay malapit na sa katapusan ng kalendaryo (clue, nearing 30s na siya!) pero mayroon pa rin siyang magandang taste sa music. Hindi porke't isa siyang tunay na lalake ay hindi niya rin magugustuhan ang mga female singers tulad ni Rihanna, Nicki Minaj at Taylor Swift (may natatandaan ka ba sa kanta ni Taylor Swift?) Hahahaha! Indeed, isa siyang certified na music lover at dahil sa music, naipapakita niya ang kanyang galing sa lahat ng bagay. Kung mayroon siyang nararamdaman, makikinig lamang siya ng kanta at iche-tiyempo niya ang mga lyrics sa kung anong nararamdaman niya, masaya man siya o hindi. Hindi ko lang alam kung hanggang sa mga oras na ito ay Ultimate Justin Bieber Fan pa rin siya?

BOOKWORM - Bukod sa mahilig siyang magsulat ay mahilig rin siyang magbasa. English man o Filipino, babasahin niya yan pero ang napapansin ko lang sa kanya, hindi niya natatapos ito. Sa ngayon, mayroon siyang dalawang libro na pagmamay-ari ko, ang By The River Piedra I Sat Down and Wept ng aming paboritong author na si Paulo Coelho at The Best of The Morning Rush nina Chico at Delamar. Sa kanyang desk, makikita mo ang isang pile ng mga librong kanyang pagmamay-ari. Kung hindi rin naman dahil sa pagkahilig niya sa pagsulat ay hindi rin naman nalalayo ang kanyang hilig sa pagbabasa. Pero sa mga binasa niyang mga libro ay hindi matatawaran ang kanyang pagkagusto sa kanyang iniidolo na writer na itinago sa pangalang Bob Ong. Sa pagkakaalam ko ay kumpleto na niya ang lahat ng libro ni Bob Ong (ang recent buy niya ay ang Lumayo Ka Nga Sa Akin na ang sabi niya, hindi niya masyadong gusto). Mula sa pinakauna niya na Bakit Baligtad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino? to ABNKBBSNPLAKO? to Alamat ng Gubat (his most favorite, I guess?), to Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, ay tiyak na nabasa na niya yan. Lagi niyang binibida sa amin ang mga gawa ni Bob Ong na mismong si Bob Ong ay hindi niya alam kung tunay nga ba siyang tao o isang imagination lang. Favorite din niya si Eros S. Atalia, famous for his works Ligo Na U, Lapit Na Me at It's Not That Complicated. Wala akong kaide-idea sa mga gawa ni Eros pero favorite niya raw yun. Isa pa sa mga paborito niyang Filipino author ay si Abdon Balde (na hehehe, sa kanya ko lang din nakilala). Noong naghahanap ako ng magandang libro ay tiyempong natigilan ako sa mga libro ni Balde, at in fairness nga, magaling siyang magsulat. Sa mga foreign writers, gusto niya of course si Paulo Coelho (wala naman sigurong hindi magkakagusto sa kanya!) at ang sumulat ng The Little Prince na si Antoine de Saint Exupery. So far, yan lang ang alam kong nabasa niya from the foreign writers. Pero siyempre, hindi mawawala sa kanyang mga paboritong manunulat ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Nakuwento niya sa akin na nabanggit niya sa mga mag-aaral niya sa SPED na best friend niya di umano si Dr. Jose Rizal. Malamang, paniwalang-paniwala ang mga bata sa kanya. According din sa kanya, kaya niyang ituro ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na hindi sumasangguni sa libro. Sa dalawang nobela, mas gusto niya ang kuwento ng El Filibusterismo. Ipina-explain ko sa kanya ang nangyari pero wala pa rin akong naintindihan. Sa sobrang gusto niyang magbasa, isa sa pinakamagandang impluwensiya niya sa akin ay ang pagmamahal sa pagbabasa.

Sir Yuan! Sir Yuan! Sir Yuan! (naalala mo sa SPED!)

SIR YUAN OR PROFESSOR YUAN - Kapag kami ay nasa labas na ng aming institusyon, ang tawag ko sa kanya ay "dude," minsan naman ay "tol." Worst na ang "girl!" Pero sa loob ng school, of course ang tawag ko na sa kanya ay Sir Yuan. Bukod sa pagiging isang napakagaling na guro sa Filipino ay isa rin siyang mahusay na coordinator ng Grade School Department. Walang halong eklat at boom boom ito pero in fairness sa kanya masipag siya. Kahit sandamakmak na mga papeles ang nakapatong sa mesa niya, kaya niya itong tapusin in just one seating. Siyempre, bukod sa inspired ang lolo niyo, kailangan rin niya talagang kumayod for his future. Siya na rin ang mismong nagsabi na "hindi na tayo bumabata" kaya't kinakailangan niya ring gawin ang mga bagay na ito: pagche-check ng mga lesson plans, class records, grading sheets, summary sheets at cards, pago-observe, pagpirma sa mga documents, pag-resolve sa mga problema ng department at sa pagkamay sa mga mag-aaral na nanalo at nagtagumpay sa mga pa-contest ng school. Kung ako ay magiging isang mag-aaral muli, mas nanaisin kong pumasok sa kanyang silid at makinig sa kanya. Bukod sa kaaya-aya niyang mukha (gosh!) ay masarap makinig sa kanya dahil sa sobrang dami niyang alam sa panitikan. Ayaw niya ng wika, at hindi niya masyadong gusto iyun dahil nakakalito at nakakabaliw. Noong pareho pa kaming nasa SPED, sobrang nakakatuwa ang mga bata ng Intermediate Group dahil nahati ang aming grupo sa dalawa. May Team Sir Andrew at Team Sir Yuan. Hindi ko lang alam kung paano nagsimula ang ganoong klaseng grupo, basta't ang importante, walang nagkakasakitan at naglalamangan pagdating sa papogian at pagalingan sa pagtuturo. Another thing, siguro fixated lang ang mga bata sa kanila kaya ganoon. Ngayon, suma-side line ang lolo niyo sa Far Eastern University bilang isang instructor. Noon pa man ay gusto na niyang makatungtong sa kolehiyo bilang propesor at ngayon, nasa kamay na niya. Inaamin niya sa amin na medyo nahihirapan siya pero kung iisipin niya pa rin na para ito sa kanya at sa kanyang future, umo-okay din ang lahat. Basta Sir Yuan, galingan mo lang. Alam namin na magaling ka na, so ang dapat mo lang gawin ay galingan mo pa! Kudos!


Pumoprof!
YUANOTATIONS - Kung si babe mo ay may Lyrizesms, ikaw naman ay may Yuanotations. Ito ang mga salitang sa kanya ko lang narinig o naririnig kapag nagna-non-stop kuwentuhan kami. Dahil na rin siguro sa pagkakaroon niya ng malikhaing utak ay nababanggit niya ang mga salitang ito ng walang kamalay-malay. Narito ang ilan sa kanyang mga Yuanotations:

sumisipat - from the root word sipat meaning tinitingnan ng mabilisan. Halimbawa: Nasipat ko ang ginawang maikling kuwento ni Andrew.
nagtitipa - from the root word tipa meaning nagsusulat. Halimbawa: Habang umuulan ay tinitipa ko ang tula para sa aking kasintahan.
mga naghaharing-uri - meaning mayayaman, may pera o puwede ring may kapangyarihan. Halimbawa: Ang mga naghaharing-uri ay dapat nang pabagsakin.
sabaw - hindi isang uri ng pagkaing malabnaw at hinihigop gamit ang kutsara kung hindi mababaw, walang kuwenta, walang halong sahog. Halimbawa: Nanood ako ng pelikula kanina at nasayang lang ang bili ko sa ticket. Ang sabaw ng kuwento noong pelikula, eh!
terey - ang kanyang version sa taray. Nagawa niya itong expression na ito habang ano pa nga ba, nagkukuwentuhan kami. Halimbawa: Ang terey mo! Yun lang ang terey-terey mo!
bagirl - pinaghalong bakla at girl. Babaeng mukhang bakla o nagmimistulang bakla. Nagawa niya rin ito habang nagkukuwentuhan kami. Halimbawa: Grabe yung bagirl noh! Akala niya ang ganda niya.
nyek - ang kanyang paunang salita sa text kapag nagugulat siya. Halimbawa: Nyek! Wala pa nga akong nagagawa sa mga grades ko eh!

In fairness, mas marami pa rin ang Lyrizesms kaysa sa Yuanotations. Wala na akong maisip pero ganyan siya kapag nagkukuwento siya sa amin tungkol sa kanyang buhay. Ibig sabihin lang din noon, masyado siyang madaldal hehehe, pero sa amin lang namang mga kaibigan niya.

SMILING FACE - Noong mga unang panahon ko siyang nakikita sa mga pictures niya sa Facebook, may napapansin ako na siguro hindi lang naman ako ngunit marami rin kami. Kapag picturan na, hindi siya ngumingiti. Sa halos lahat ng mga picture na nakita ko, kung hindi parang wala lang, nakaismid o naka-smile na parang wala lang talaga. Inamin naman niya sa amin na hindi siya ganoong ka-confident maipakita ang kanyang killer smile. It took him years at mabuti na lamang ay may isang taong naglagay ng ngiti sa kanyang labi na kapag magpapa-picture ay kailangan na kailangan siyang nakangiti. Wala naman problema sa kanyang ngipin. In fairness naman sa iyo dude, maganda naman ang ngipin mo dahil maya't maya ka nagtu-toothbrush. Pero sadyang hindi lang siya mahilig ngumiti noon. Ngayon, kung makangiti na si kuya, wagas na wagas. Parang wala ng bukas. Parang hindi na siya makakangiti the next day. Kuwento sa akin ni Lyrize before na may isang araw na sinabihan ka niya na ang guwapo-guwapo mo, ang tanging reaksyon mo lang ay "weh!" Sa bagay, mas gugustuhin mo pa rin ang isang tunay na lalaki na hindi ina-acknowledge sa kanyang utak, puso at buhay na siya ay guwapo. Mas lalaki kasi ang utak ng isang lalaki kung isinasapuso niya at isinasaisip na siya ay guwapo. In fairness naman itong kaibigan ko, guwapo naman talaga pero kulang ang pagiging guwapo kung hindi mo hahaluan ng ngiti, di ba? Magmula noong may nakapuna na sa kanyang hindi pag-ngiti sa ngayong hanggang tainga ang ngiti kapag nagpapalitrato, masasabi ko ngang ang guwapo-guwapo mo Juanito! Ikaw na ang may million-dollar smile! Ikaw na ang may perfect set of teeth! At ikaw na ang may incomparable smiling face!

Dahil hindi kinakaya ng captions ang ngiti ni Juanito, mapapansin ninyo na sa unang litrato (kasama niya ang aming kapatid na si Julie Girl) na hindi talaga siya nakangiti sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pupuwede rin kasing noong mga panahon na iyan ay mayroon siyang isang matinding pagsubok na kinakaharap at hindi niya ito kayang takpan ng kanyang ngiti kaya't kailangan niya itong ipakita sa lente ng camera. Pagkatapos ng lahat ng mga pangyayari, heto na siya't sa pangalawang litrato ang masayahing Juanito. Nakikita na natin ang kanyang magagandang ngipin at in fairness talaga sa kanya, gumaguwapo siya kapag ngumingiti. So ang unang larawan ay before at ang pangalawang litrato ay after

Diyan siya masaya, sa pagte-text!
TUME-TECHIE SI KUYA - Sabi ng ilan, ang tunay na lalaki ay mahilig sa mga gadgets at para sa kanya, isa itong matatawag na investment. Nasa isang mall kami noon at sinamahan ko siyang bumili ng kanyang bagong telepono. Habang naghahanap ng murang mabibilhan ay napag-usapan namin ang importance ng pambili ng mga mamahaling gadgets tulad ng iPad at iPhone 4S. Para sa akin, anong silbi ng pagbili ng iPhone 4S kung may makikita ka pang mas mura pa sa kanya at katulad rin naman nito. At isa pa ay hindi kakayanin ng aking bulsa dahil ito ay sobrang mahal. Para naman sa kanya, mas okay na rin siguro na maglabas ka ng malaking pera kung iisipin mo ito bilang isang investment. Maaari naman ngunit paano kung mawala ito sa iyong mga kamay. Isa sa mga madilim na bahagi ng kanyang buhay ang minsang pagtangkaan ang kanyang buhay noong isang taon. Pauwi siya galing La Salle at siya ay kinuhanan ng mga di nakikilalang mga lalaki ng kanyang mga gamit. Para sa kanya, sa akin at sa lahat na rin siguro, mahirap ibigay ang bagay na pinaghirapan mo, lalo na siguro kung galing ito sa sarili mong wallet o bulsa. Mas madaling makatakas pero hindi mo rin yun maiisip dahil ang buhay mo naman ang kapalit. Ngayon, dapat lang din naman na maging maingat siya sa mga dinadala niyang bagay at talagang natuto na siya sa nangyari. May mga balak pa rin siyang bilhin tulad ng camera at kung anu-ano pa. Para sa kanya, fulfillment na niya ang magkaroon ng mga ganoong bagay lalo na't alam niya na galing ito sa kanyang mga pagsisikap. Kaya naman ang lolo mo, ang daming side line. Puwede nang tawagin na "Side Line King," sa sobrang daming raket. Go lang ng go, dude! Basta alam mo na sa susunod kung ano ang gagawin mo, okay!

Ikaw na ang naka-black sando!
GYM BUFF? - Kailan lang din siya nagsimulang mag-gym sa kanila. At in fairness naman sa kanya (in fairness, nakakailang in fairness na ako sa iyo, dude!), may nangyayari sa katawan niya thanks to his good friend, na tropa rin niyang si Sir Royce. Ewan ko lang din kung paano din siya nag-start mag-gym; kung may nanghikayat ba sa kanya na magsimula or sa sarili niyang diskarte na kailangan na rin niya siguro. Noon, parang wala lang sa kanya ang paggi-gym. Napansin ko din na parang mas lalo siyang lumiliit kaysa nagkakaroon ng muscles ang kanyang katawan. Mas nagkakaroon pa siya ng curves kaysa sa abs (joke!). Dahil na rin dedicated na rin siya sa kung ano na ang ginagawa niya, nagkakaroon na rin ng magandang results ang kanyang paggi-gym. Minsan na rin niya akong nayayang mag-gym pero wala talaga akong kaamor-amor sa ganyan dahil hindi ako disiplinado sa pagkain at sa lifestyle at nakakatamad din pumunta ng gym. Kung hindi siya busy sa trabaho o gumagala, ay nagpupunta yan sa gym para lamang mag-relax at of course, maging perfectly healthy. Hayaan mo, kapag tinopak ako, maggi-gym ako pero ewan ko lang hanggang kailan. Basta ang promise mo sa akin ha, alam mo na yun! Hahahaha!

Emotista
EMOTIONAL - Sabi ng ilan, kapag ipinanganak ka daw ng August, it's either too emotional ka or too moody ka. Admittedly ganoon nga ako, at maski siya rin ay masyado ring emotional. Moody, may mga symptoms siya pero the emotions, haaay grabe yan! Hinding-hindi ko makakalimutan noong nagkuwento siya sa akin tungkol sa kanyang mga heartbreaks noon (take note noon!). Iba talaga siya kapag nagmahal, ibibigay niya lahat na halos wala na yatang matitira para sa sarili niya. In return, when the time comes that is not expected, sobra siyang nalulumbay at nasasaktan. Sa sobra niyang emosyonal, all he has to do is to cry. Ganoon siya ka-emosyonal lalo na sa mga taong minahal niya ng lubusan. Mga senyales din na umi-emo yan ay ang mga posts niya sa Twitter (@yusclusive), Facebook (/yuanskywalker) at Blogger (talaarajuuan.blogspot.com). Talo niya pa ang mga writers ng mga teleserye at mga romantic drama movies kung luminya yan. At ang pinakanagulantang ako sa lahat noong magkasabay kami niyan sa tricycle papasok na ng aming institusyon. Nagulat na lamang ako at wala man lang pasabi itong si kuya na siya pala'y paiyak na. Doon ko siya unang nakitang umiyak at hindi naman iyun kabawasan sa kanya bilang isang tunay na lalaki. Kung baga sa isang basong tubig na napuno na ang kanyang puso at kailangan na niyang itong ilabas sa pamamagitan ng pag-iyak. Nangyari kasi ito noong unti-unti na niyang nararamdaman na paalis na si Lyrize. Kaya ako, hindi ako totally naniniwala na hindi dapat idinadaan sa luha kung may problema ka. Oo, kailangan mong harapin ngunit kailangan mo ring ilabas ang mabigat na nararamdaman mo sa pamamagitan ng pag-iyak dahil iyun lang ang tamang paraan. Aminado rin siguro siyang iyakin siya pero hindi naman masama iyun. So siguro, pareho nga kami nito, dahil pareho kaming August, pareho kaming iyakin? Ah basta, mas lalong titibay ang isang tao kung hindi dahil sa pagpatak ng isang luha. 

Isa sa aming mga makukulit na moments!
ANG AMING MGA KULITAN MOMENTS - Hay naku, iba talaga ang samahan namin niyan ni dude kapag nagkukulitan na. Parang Dolphy at Panchito. Puwede ring Vhong Navarro at Billy Crawford. At puwede rin namang Jhong Hilario at Vice Ganda. May mga hirit ako sa kanya at may mga hirit din siya sa akin. Ang pinakagustong ginagawa niyan sa akin ay kung lait-laitin ako parang siya na ang perfect example ni God sa ating lahat. Ang gagawin niyan, pipindutin ang mga taba ng aking katawan sabay magsasabi ng "ang jubis!" Ang gagawin din niyan ay may ipagagawa siya sa akin na mga bagay na magmumukha akong tanga lang. Sasabihin niyan sa akin, "gayahin mo nga ito!" Of course, ako naman si tanga, gagawin naman! Ako naman bilang ganti, sasabihin ko sa kanya na "once na ulitin mo payun, hahalikan kita!" In fairness, nagbe-behave na siya at hindi na nangungulit pa. Hindi lang yan, umaabot din sa mga texts 
ang kulitan namin. Pero hindi lang kami laging kulitan at good vibes; may mga panahon din na nagkakatampuhan kami. At kung nagtatampo ako sa kanya, hindi ko siya pinapansin at darating na lang ang panahon na mag-uusap kaming dalawa na kailangang i-patch up! After naman noon ay okay na ulit at balik na sa dating kulitan at asaran! I could say that we have a unique kind of friendship na maipagmamalaki ko. Sana lang din kung darating ang mga panahong lalagay na kami sa tahimik (hehehe may ganoon), sila ni Lyrize at kami ni (uh-hum), alam niyo yung, pareho kaming kasali sa mga entourages namin. Ewan ko lang dude, pero minsan naiisip ko talaga na sana ako kunin mo bilang iyong best man (kung puwede lang naman?) sa kasal niyo. Ikaw naman sa kasal ko, puwedeng ikaw ang officiating priest, o puwede ring commentator o mas maganda siguro kung ikaw ang wedding coordinator ko. Partner kayo ni babe para mas madali ang work (hahaha!). Seriously, naniniwala akong hanggang sa huli, magiging sandigan natin ang isa't isa. Basta dude kung may problema ka, financial (ikaw na nagsabi na mayaman ako!), relationship (ako na bahala kay kapsalung!), career (hmmm, magpapaka-HR ako!), at kahit ano pang klaseng problema yan, when you need that you can depend, you can count me and I will be there for you!

THE CUTEST BOYFRIEND - Hindi ko makakalimutan ang unang beses na nagkuwento siya sa akin kung paano siya bilang isang boyfriend. Siguro the basics of being a boyfriend, maghahatid, magsusundo, hahawakan ang kamay, tatabihan sa pagkain, magaalala, magsasabi ng "I love you," sasamahan kang mag-isip ng future niyo, titigan ka sa mata at sasabihan ka ng "you're so beautiful," at higit sa lahat, mamahalin ka ng lubus-lubusan. Ganoon siya sa mga past relationships niya and of course, sa kanyang one and only ngayon na si Babe! Kung ikaw siguro ang babae, sa tingin mo ba pakakawalan mo pa siya? Malamang hindi na di ba. Yan ang upside niya bilang boyfriend, pero minsan din kasi itong si pogi sumasablay. Siguro din kasi sa sobra niyang mahal ang taong mahal na mahal niya, nakakapag-decide siya in accordance sa taong mahal niya. Kailangan niya yatang matutunan na kahit may katuwang na siya, ay kailangan niya pa ring magdesisyon sa kung anong isinasapuso niya. In fairness naman sa kanya, hindi na siya ganoon dahil na rin sa convincing powers ni girlfriend. Nasulat ko na dito kung paano silang dalawa at nawa'y magtutuloy-tuloy na hanggang sa huli. Ikaw na talaga ang cutest boyfriend. Mahalin niyo ang isa't isa at as what they always say sa mga mag-asawa, put God in the center of your relationship. Kaya niyo yan! Hold on tight and keep love burning! God is always with you, mga kapatid!

Hindi naman halata sa mga pinagsusulat ko dito sa blogpost ko tungkol sa iyo na kilalang-kilala na kita. Ikaw kasi, dude, ang tipong kapag napagkatiwalaan mo ay sinasabi mo ang lahat, kahit siguro hindi halos lahat ay alam ko. Hindi naman nararapat rin na kahit matalik pa kayong magkaibigan ay kailangan alam mo kung ano ang mga sikreto niya at vice versa. Sa amin ni Juanito, hindi na dapat binibigyan ng kung ano pang label ang aming pagkakaibigan; katulad din naman kami ng iba sa aming circle of friends. Tiyempong may pagkakapareho kami sa iba't ibang aspeto ng buhay. 

Dude, ang tanging dasal ko lamang sa iyo ay maging maligaya ka sa iyong kaarawan, sa iyong tatahaking landas at sa mga darating pang pagkakataon sa iyong buhay. Katulad ng sinasabi namin sa iyo, maging masaya ka at maging masaya pa lalo, lalo na't na sa iyo na ang lahat. Nandito kaming lahat para sa iyo at nasa likod mo kami kung saka-sakali lang may madaanan kang lubak o harang o babagsak ka. Hindi lang ako ang nandito kung hindi sila rin...

Naks... Sila ang Treze Guwapitos!!!
Your high school friends


And of course...

At kami... The Teacherrifics!!!
Maligayang kaarawan, Ginoong Juanito N. Anot, Jr.!!!

Toodles para sa iyo!!! :)


note: kasagabay - (Cebuano) kaibigan

Saturday, August 18, 2012

25 Years of Ziegrey Oris Balota: Ten Thousand Fourteen

Hindi sa pagmamayabang pero nakaabot na po tayo ng 10,014 views (as of today).

I never imagined that my blogsite would have this number of views from the people I haven't seen nor touched nor talked to. Ang gusto ko lang naman ay magsulat ng kung anong maisip ko, at hindi ko lubusan maisip na it would reach in this kind of number. A very good birthday gift for me.

Few days from now, malapit na ako sa tinatawag kong "marrying age" na 25. Of course, I shouldn't brand the number to be the most fitted age for marrying. A friend of mine have told me that I shouldn't be very excited and pushy. Tama ka, huwag masyadong magmadali at kung sakaling magkamali, mahirap ng magsisihan sa huli.

Alam mo yung pagod na pagod ka dahil sa sobrang ka-busy-han sa trabaho. Napapansin ko na halos lahat ng mga kaibigan ko, hindi nagpaparamdam through text. I need to understand because just like me, they are also as busy as a bee. I firmly believe that after these all, we will go back to our normal ways of chatting and saying "hi" and "hellos." Wala lang, minsan nakakamiss din ang mga bonding moments naming magkakaibigan.

For the next two weeks, we will have long weekends. Beginning today, August 18 up to August 21 and again on August 25 to August 27. Siyempre ang dami diyang magbabakasyon, maga-unwind at matutulog ng mahabang-mahaba at isa na ako doon sa puwedeng gumawa noon. Noon, lagi kong sinasabi at iniisip na ayaw kong mag-weekend dahil walang allowance at hindi ko makikita ang mga kaklase ko (mayroon pang isa, at alam niyo na yun!). But since I started working and feeling all of the hardships and stress, I truly say that kapag Friday, talagang T.G.I.F. at excited na kaming mag-Sabado. Hindi na ako nalulungkot kapag weekend, lalo akong natutuwa dahil makakapagpahinga!

Ngayong birthday month ko, nagkaroon ng isang malungkot na pangyayari sa ating bansa, and that is the non-stop rains courtesy of the hanging habagat. May nakita akong isang post sa Facebook during the times of the monsoon rains na mahiya naman raw siya kay Ondoy dahil si Ondoy ay bagyo, siya habagat lang kung makapagpaulan! Pero ang pinakagusto kong post na nakita ko ay yung mga artworks ng ilang mga Filipino artists like this one in picture. And yes, it's really true. The Filipino spirit is waterproof, whether it's a typhoon or just a simple torrential rain, you're just water, we are Filipinos. There are so many people; those who are in great finances helped those who are in great need. Isa lang ang masasabi ko, wala pa rin tatalo sa bayanihan ng mga Filipino that even the English language doesn't have the direct translation for it!

The London 2012 is already finished, sadly. Pinagkahintay-hintay ko talaga ito dahil for the third time, the city of London will host the grandest sporting event in the world. Last July 27, gumising talaga ako ng pagkaaga-aga (2:30 am) para lamang hintayin ang opening ceremonies (8 hours ang interval between the local time of London and Manila, so 7:00 pm ang start nila doon). Yun pala hindi 7:00 pm but 9:00 pm ang simula so I needed to wait for one hour. For the opening ceremonies, it was way too simple than with Beijing. Yes, they've gathered some important British personalities like David Beckham, Rowan Atkinson, J.K. Rowling, Daniel Craig and Sir Paul McCartney. For the closing ceremonies, sila na ang nagpa-concert ng libre (yata) together with One Direction, Spice Girls, Oasis (?), Take That, Jessie J. and the Queen (band!). But the whole sporting event is really fantastic, hats off kaming lahat. Sadly, no Filipino athlete was able to bring home even a single bronze medal. Tsk...

That's it brouhaha fans (may ganoon?). I may not have the best and even the most famous blogsite but in my heart, everything is okay here!

Thank you for making the views in my blogpost more than 10,000. I guarantee you to have many more writings and interesting stories here. See you in my 25th on the 31st!

Toodles!!!

Friday, August 03, 2012

25 Years of Ziegrey Oris Balota: 25 Things to be Thankful For

This year and this month, I will be celebrating my 25 years of existence in this world. I don't know what's wrong with me or who pushed me to do this project, in line with the celebration of my life. It just so happened that apart from my favorite gerund, which is writing (hehehehe), I want to show myself how thankful I am for all the people that surrounds me, the things that I had loved for the past years and the reasons that made and make me smile.

And for this day, my first blog post for my special project for this month, simply entitled 25 Years of Ziegrey Oris Balota, I will be listing down 25 things that I am so thankful for. I think that this is the right vehicle to say "thank you" and show my appreciation to almost all of the things that I had, I have and I will have soon!

1. I am thankful for living in this beautiful planet.

Maybe I am the first person who would be very thankful for being a human. Plus, living in this beautiful planet in which most of the people are not looking beyond our planet. Yes, our planet is really beautiful and thinking that we're the only planet in the entire solar system or probably in the entire galaxy that has life. The only thing that lacks in this appreciation is to see its beauty by visiting the places I've never, and I really mean I've never been to. That's going to happen soon...

2. I am thankful for being a Filipino.


For the past 25 years, it is only the Philippines is my place, my community and my country! Not all nationalities might be perfect and as a Filipino, we're not always be perfect but proudly to say that we excel too much to almost everything! Filipinos are the best comedians in the world. Filipinos are the most talented in the world. Filipinos are the most creative. Filipinos are unique in personality than the other nationalities. And I am unique, I am proud to be a Filipino! I don't honor the term "Pinoy," instead, I am proud to say, I am a Filipino!

3. I am thankful for having this beautiful career called education.


Because of our neighborhood game "teacher-teacheran," it opened my mind that my career would probably be touching lives of young minds and that's being a teacher. I used to dream of becoming a chef, an engineer, and even an athlete, but it was my dream of being a teacher pushed me to where I am right now. Here in our country, teachers might known to be "low-salaried" workers but we have the noblest job of all. And when the days end, I always have a smile in my lips because another day of lessons and wisdom to my kids. Till the end of my life, I would be so proud and so uplifted to say that I am an educator.

4. I am thankful for being funny.


I may always ask for the center of affection because of my funny antics but thank you if you've laughed so hard. Because of my mom, I think I inherited her funny antics and that's why I became very funny too to my friends and colleagues. Maybe because of so many things that I've already experienced, all I have to do is to use as my source of funny moments and make it as the source of laughter. To put the stress away from almost everything, a dosage of laughter is needed and I think I can give it to them, and even to myself (hehehehe).

5. I am thankful for putting a smile on my face.


Aside from being funny, a smile is also noticeable to me. I may not have the perfect smile but a contagious smile is what I have. There are numerous reasons why I am so happy and I can't put it here. From the simple things to big ideas, I can't stop smiling.

6. I am thankful for having a healthy disposition.


Having a healthy disposition for me doesn't count having 180 pounds as my weight and my body mass index is indeed higher than expected. The only part of my body, which is not perfectly healthy is my eyes due to prolong use of computer and way too near watching TV. But the rest of my body, they are all okay. I do not feel anything bad inside of me and even outside of me. Now, I only eat less because I don't need to eat too much (well, unless if there's a celebration!). I am perfectly healthy, and still way to go for becoming a more healthy one.

7. I am thankful for making my friends feel secured through me.


Whenever they are in trouble, I am always there to rescue. Whenever they need someone to talk to, I am just a text or phone call or a Facebook chat away. Whenever they need company, I always say yes, but it depends on the place we'll go. I am so proud to be part of my circle of friends because I love them so much. I always think that I am their superhero because in they dire moments, they need me. I love it!

8. I am thankful for having an ability to listen and to love music.


As I write my latest masterpiece, I am listening to Vanessa Carlton's monstrous hit A Thousand Miles. My life has been a thousand-mile journey and while having that, music goes along with my journey. I am very vocal when it comes to loving music and hating for me it's noise. I am not particular with the singer but I began liking the singer because of his/her rendition of the song and at the same time, the message of it. Yes, most of the songs are about love but not too entirely about it. It has message, that's it and it keeps on playing and playing on my music player. Thank God for music!

9. I am thankful for being knowledgeable.


I thank my parents for being too pushy for me to finish my studies. I may not able to finish that if I am not willing to be knowledgeable. I can't be who I am right now if I am not insisting myself to study things about my career. I may not be an effective teacher if I am not too knowledgeable reading and studying the lessons for my students. And I can't be a writer, just like what I am doing now, if I am not knowledgeable enough to think some topics and even titling my article. Thank God for a virtue called "knowledge!"

10. I am thankful for the ability to touch lives.


Everyday as I go out from our home, I encounter hundreds or even thousands of lives. And those lives have different kinds of stories; some of them might be interesting to know and some of them might not be able to share what they have with them because it was not too okay. I am so thankful because even in a small way or maybe in a large amount, I can touch the lives of other people. One example would be by simply answering the question of a certain individual looking for direction. And of course, touching the lives of my students inquiring me on what to do in their exercises. Simple yet astonishing not only from me but to a life that needs an answer. That's the true essence of touching lives.

11. I am thankful for appreciating art.


I am so much appreciating this simple kind of artwork I only got from a blog. Indeed, it was full of vibrancy and life! And with my statement about the artwork, I could say that I have a taste in it. Whether it is known to be a natural art or an abstract one, it is still a talent, a skill, an exemplary work of art. If I became a rich man and I would have my mansion elsewhere in the Philippines, I would surely put it with lots of arts representing my gratitude on appreciating the works of art.

12. I am thankful for the books that I've read and gained so much from them.


I remember my grade school days getting so excited opening all of my textbooks and having an advanced reading for the lessons. I still remember the smell of a new textbook and looking for some new ideas (though most of them still the same). Right now, I love reading novels, encyclopedias, coffeetable books and so much more. And while reading, I am gaining so much just like some vitamins for my mind, my body and my soul. I can't stop reading, though right now we have interactive ways of holding a book. I still basing my reading in what we know to be classic and traditional, books! Nothing beats a person holding a book in his or her hands or keeping a book in his or her bag! Nothing beats!

13. I am thankful for Facebook, Twitter and the Internet.


This is I think the greatest invention of any intelligent person in the planet today and still be in the next generation. Facebook for having friends and Twitter for having the latest trends. These two kinds of social networking sites bring so much joy to us. Their aim is one thing, communication. If you still don't have these two sites, you're life is naturally boring and incomplete. Of course, these two giants will never be generated without the Internet. Aside from them, the Internet brought so many people into a much better life, especially in deals, transactions, knowledge, and other sorts. I really can't imagine our lives right now if we don't have these!

14. I am thankful for fashion.


Because of my non-stop reading of fashion magazines, I had already had in my veins about fashion. My good friends consulting on what to wear and what not to wear. For myself, I could say that I am also following the latest trends but I still insist that classics are the best. Fashion makes my life happy because I want almost everything to be look good and decent. My friends are so-called "fashionistas" and so am I!

15. I am thankful for the gift of tongue.


I may not be one of the most-favored hosts in our institution but whenever a hosting job is landed on my lap, I always take it as an opportunity. I don't know when would I be hosting an event in which I really dream of but I know it will come soon. Why not for a corporate one? Indeed, I would be really bring out the best in me if they could consider me. Hosting is a difficult task but an exciting job, I guess?

16. I am thankful for the best foods I had eaten.


This is what I want, a buffet table in front of me showering different kinds of table. From Asian fusion, to contemporary American, to luxurious European and our own Filipino, it's got to be a great appetite if you have them to your stomach. I admit I eat large amounts of food, but why resist. I take them as a blessing, it gives me so many nutrients and it brings me into a paradise of not thinking any stressful ideas and work. For my birthday treat, I'll go to a buffet restaurant and dive myself in heaven's glory of food!

17. I am thankful for appreciating even the simple and little things.


Since I started earning money and buying all of the things I wanted, I did forget how to appreciate the simple things or gestures. But when I started looking the other way, having a small amount of effort by a student or a little piece of letter from someone makes me smile all day. A simple pat on my shoulder from a friend brings my weary life into full motion. Let's all appreciate life from the simplest to the biggest and then pay it back with a big hug and smile from your heart! I would surely do it again and again!

18. I am thankful for being an intelligent televiewer.


Let's be honest; one way of releasing stress is turning on your television and browsing the channels over and over again just to reach your most interested program. Good thing MTRCB already committed to make the Filipino viewers more intelligent than before. I do watch programs that can give me quality entertainment and at the same time, fruits of wisdom on what to do and what not to do. I hate bad news like murders, corruption and all those nasty things. What I watch are the programs that makes me laugh, makes me think about a certain situation twice and makes me stronger to understand about the world.

19. I am thankful for the people making me laugh so hard.


My best buddies, my dudes, my brothers and sisters, my colleagues, my favorite comedians and my mother, they are the people who make me laugh so hard that my tummy really aches and my eyes becomes watery. When a storm comes to my life, what I do is I go to them and ask them to make me laugh so hard. In that way, temporarily I forget what I am thinking and I keep on laughing and laughing.

20. I am thankful for loving English and back.


I really made a good choice choosing English as my major. Right now, I don't know if I really mastered the language but based on my previous works, I think I did. It makes me a better English teacher whenever my colleagues ask me how to pronounce, what's the correct usage of the word, what's wrong with their sentence, what possible words to be used and so much more. And because I have the job of perfecting and editing their work, I also need to perfect and edit myself in using the English language. I truly believe that English is hard to utilize and understand; it's a matter of loving it. I might say it also to Mathematics since it's considered my waterloo.

21. I am thankful for the gift of understanding.


One gift of the Holy Spirit to us is the gift of understanding. If you don't have this gift, how can you understand the things happening around you. Good thing I have this, though some things might be really hard to understand but you have to courage to do it. I understand what's going on with my life and if I still persist it, nothing would surely happen in my life. I understand why is our country like this. Maybe some thing or someone is doing a mishap so it is still like this. We don't know how come we understand such things but I can say that the gift of understanding sees it all.

22. I am thankful for my alma maters.


Three institutions that nurtured my ten years of basic education and four years of higher education. My childhood days are from Saint Francis School (now San Francisco de Sales School). In this institution, I was the victim of bullies, and I am also became a bully. It was only about playing, trembling because of some teachers and learning. My transition from a kid to a teenager are from Liceo de San Pedro. I thank them for making me a devout Catholic because of so many prayers. And my fruitful years of college are from Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Here, I experienced a lot and I mean a lot. How to be okay if you failed, how to finish a project in just a snap (read cramming) and how to become an independent person by just doing your school works alone. Now, I am getting prepped up for my master's degree and I'm still considering De La Salle University or Philippine Normal University. I can't wait for it!

23. I am thankful for my dearest friends.


No words to describe my friendship to them and their friendship to me. I can't imagine my life without them. No words and I love them so much!

24. I am thankful for my family.
A family of six, that's us. We may not be as perfect as it may seems but I could say that my family is really perfect in His eyes. My two older sisters already have their own set. And now, we're only four being left in our home sweet home. Still, we're so happy and blissful every time my sisters, together with my nieces and nephews, having so much fun and bringing back the glory days of our family. Good thing our family are still intact, healthy and can withstand almost all of the problem (which is a normal thing to a certain family!). Thank God for giving me a very warm, quite serious and absolutely and nerve-wracking family!

25. I am thankful to You!


You are the reason why I am existing in Your beautiful creation called Earth. You are the reason why I have hands to write loving posts like this. You are the reason why I have a mind to think of fruitful words to be written here in my blog. You are the reason why I have a very beautiful family and friends. You are the reason why I became a teacher. You are the reason why I keep on laughing, smiling, crying and appreciating life. You are the reason why I have 25 things to be thankful for. All of these are for You!

"If the only prayer you ever say in your entire life is 'thank you,' it will be enough."

This is more than enough "thank yous" that I need to say. For the past twenty five years of my life, I only said thank you that is like this. I am so gratified with what happened to my life, to my career, to my family and friends and to our planet. After twenty five years, so many things might happened, either good or bad. What's important is that you should be thankful because you experienced it, you overcame it and you're happy about it.

I will never ever forget to say "thank you!"

I'll start today!

Thank you!

Toodles!!!