Dahil ikaw ay isang sugo ng ating wikang pambansa, hayaan mo na ako na gumamit ng pinaghalong Filipino at Ingles dahil dude, mahirap, in fairness! Tutal naman ginusto mo rin na magturo ng English so I guess, you would love this. Ang hirap dude, mahirap! Here are the ten or more things that I love about this boy named Juanito Nunez Anot at akalain niyong may Junior ito o Yuan for short.
|
Ang Tondo Church |
HARI NG TONDO (?) - Natanong ko siya habang kami ay nagkukuwentuhan, "
ever since the world begun ba, Manila Boy ka na?" Simula't sapul ng siya ay ipinanganak sa mundong walang kasiguruhan ay matatawag na siyang "produkto ng Maynila." Terey! Kahit may mga pagkakataong naiisip niya na umalis sa kanilang lugar sa Tondo ay proud pa rin siya dahil galing siya sa lugar ng mga matatapang at maaangas. Kung iisipin mong manggagaling siya sa kanilang bahay sa Tondo hanggang sa aming institusyon sa Paranaque ay tiyak na nakakapagod. Pero sa kanya, na halos magsa-sampung taon na niyang ginagawa ito ay parang wala na lang sa kanya. Hindi niya ikinakahiya na siya ay galing sa Tondo, bagkus tuwang-tuwa pa siya rito. Of course, naroon ang kanyang pamilya, ang kanyang mga kaibigan at higit sa lahat, ang kanyang kamusmusan. Gusto niya rin yatang mapasama sa mga kilalang taong nanggaling sa Tondo tulad nina Manny Villar, Dolphy, Amado V. Hernandez, Isko Moreno, Jose Manalo, Arnold Clavio, Joseph Estrada, Angelica Panganiban (?), at si Andres Bonifacio (atapang a tao!). Kapag siguro sinabi mong Yuan Anot, maiisip mong "ah! taga-Tondo yun! Maano yun! Basta, maano yun!" Hahaha. Walang sabi-sabi at walang pag-aalinlangan, hindi natin alam na baka siya mabansagan na Hari ng Tondo! Di ba!
|
Juma-Justin Bieber |
THE ULTIMATE JUSTIN BIEBER FAN - Isa siyang matatawag na dedicated music lover na minsan, naging parte ng buhay niya ang pagkakaroon ng career sa music industry. Napasama siya sa isang indie band na ang tawag sa kanila'y Toothbrush. Pero sa isang hindi pagkakaintindihan sa kanilang grupo ay bigla na lamang siyang inalis. Marahil ay hindi para sa kaniya ang industriya ng musika, bagkus napunta siya sa ibang larangan, ang pagtuturo. Nakalikot ko minsan ang kanyang iPod at puros mga kantang pang-banda ang mga nakapaloob dito, mayroon siyang Dashboard Confessional, Fall Out Boy, Up Dharma Down, The Script, Paramore, Maroon 5 at marami pang iba. Mahilig na rin siya sa Hillsong Music na Christian band, at sa mga ballads mapa-OPM man or foreign. Pero ang hindi ko matanggap sa simula, at okay na rin naman sa huli ay paboritong-paborito niya si Justin Bieber. Hindi pa man malaki ang boses niya at hindi pa man din sila ni Selena Gomez ay hangang-hanga ang lolo mo dito. Sa larawang nakikita ninyo, ninais niyang maging isang Justin Bieber sa loob ng isang araw. In fairness naman sa kanya ay kuhang-kuha naman ngunit katulad na lamang ng sinabi ko sa kanya, "okay naman na maging idol mo si Justin Bieber pero dapat talaga according sa age." Hahahaha. Ngayon, siya ay malapit na sa katapusan ng kalendaryo (clue, nearing 30s na siya!) pero mayroon pa rin siyang magandang taste sa music. Hindi porke't isa siyang tunay na lalake ay hindi niya rin magugustuhan ang mga female singers tulad ni Rihanna, Nicki Minaj at Taylor Swift (may natatandaan ka ba sa kanta ni Taylor Swift?) Hahahaha! Indeed, isa siyang certified na music lover at dahil sa music, naipapakita niya ang kanyang galing sa lahat ng bagay. Kung mayroon siyang nararamdaman, makikinig lamang siya ng kanta at iche-tiyempo niya ang mga lyrics sa kung anong nararamdaman niya, masaya man siya o hindi. Hindi ko lang alam kung hanggang sa mga oras na ito ay Ultimate Justin Bieber Fan pa rin siya?
BOOKWORM - Bukod sa mahilig siyang magsulat ay mahilig rin siyang magbasa. English man o Filipino, babasahin niya yan pero ang napapansin ko lang sa kanya, hindi niya natatapos ito. Sa ngayon, mayroon siyang dalawang libro na pagmamay-ari ko, ang By The River Piedra I Sat Down and Wept ng aming paboritong author na si Paulo Coelho at The Best of The Morning Rush nina Chico at Delamar. Sa kanyang desk, makikita mo ang isang pile ng mga librong kanyang pagmamay-ari. Kung hindi rin naman dahil sa pagkahilig niya sa pagsulat ay hindi rin naman nalalayo ang kanyang hilig sa pagbabasa. Pero sa mga binasa niyang mga libro ay hindi matatawaran ang kanyang pagkagusto sa kanyang iniidolo na writer na itinago sa pangalang Bob Ong. Sa pagkakaalam ko ay kumpleto na niya ang lahat ng libro ni Bob Ong (ang recent buy niya ay ang Lumayo Ka Nga Sa Akin na ang sabi niya, hindi niya masyadong gusto). Mula sa pinakauna niya na Bakit Baligtad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino? to ABNKBBSNPLAKO? to Alamat ng Gubat (his most favorite, I guess?), to Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, ay tiyak na nabasa na niya yan. Lagi niyang binibida sa amin ang mga gawa ni Bob Ong na mismong si Bob Ong ay hindi niya alam kung tunay nga ba siyang tao o isang imagination lang. Favorite din niya si Eros S. Atalia, famous for his works Ligo Na U, Lapit Na Me at It's Not That Complicated. Wala akong kaide-idea sa mga gawa ni Eros pero favorite niya raw yun. Isa pa sa mga paborito niyang Filipino author ay si Abdon Balde (na hehehe, sa kanya ko lang din nakilala). Noong naghahanap ako ng magandang libro ay tiyempong natigilan ako sa mga libro ni Balde, at in fairness nga, magaling siyang magsulat. Sa mga foreign writers, gusto niya of course si Paulo Coelho (wala naman sigurong hindi magkakagusto sa kanya!) at ang sumulat ng The Little Prince na si Antoine de Saint Exupery. So far, yan lang ang alam kong nabasa niya from the foreign writers. Pero siyempre, hindi mawawala sa kanyang mga paboritong manunulat ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Nakuwento niya sa akin na nabanggit niya sa mga mag-aaral niya sa SPED na best friend niya di umano si Dr. Jose Rizal. Malamang, paniwalang-paniwala ang mga bata sa kanya. According din sa kanya, kaya niyang ituro ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na hindi sumasangguni sa libro. Sa dalawang nobela, mas gusto niya ang kuwento ng El Filibusterismo. Ipina-explain ko sa kanya ang nangyari pero wala pa rin akong naintindihan. Sa sobrang gusto niyang magbasa, isa sa pinakamagandang impluwensiya niya sa akin ay ang pagmamahal sa pagbabasa.
SIR YUAN OR PROFESSOR YUAN - Kapag kami ay nasa labas na ng aming institusyon, ang tawag ko sa kanya ay "dude," minsan naman ay "tol." Worst na ang "girl!" Pero sa loob ng school, of course ang tawag ko na sa kanya ay Sir Yuan. Bukod sa pagiging isang napakagaling na guro sa Filipino ay isa rin siyang mahusay na coordinator ng Grade School Department. Walang halong eklat at boom boom ito pero in fairness sa kanya masipag siya. Kahit sandamakmak na mga papeles ang nakapatong sa mesa niya, kaya niya itong tapusin in just one seating. Siyempre, bukod sa inspired ang lolo niyo, kailangan rin niya talagang kumayod for his future. Siya na rin ang mismong nagsabi na "hindi na tayo bumabata" kaya't kinakailangan niya ring gawin ang mga bagay na ito: pagche-check ng mga lesson plans, class records, grading sheets, summary sheets at cards, pago-observe, pagpirma sa mga documents, pag-resolve sa mga problema ng department at sa pagkamay sa mga mag-aaral na nanalo at nagtagumpay sa mga pa-contest ng school. Kung ako ay magiging isang mag-aaral muli, mas nanaisin kong pumasok sa kanyang silid at makinig sa kanya. Bukod sa kaaya-aya niyang mukha (gosh!) ay masarap makinig sa kanya dahil sa sobrang dami niyang alam sa panitikan. Ayaw niya ng wika, at hindi niya masyadong gusto iyun dahil nakakalito at nakakabaliw. Noong pareho pa kaming nasa SPED, sobrang nakakatuwa ang mga bata ng Intermediate Group dahil nahati ang aming grupo sa dalawa. May Team Sir Andrew at Team Sir Yuan. Hindi ko lang alam kung paano nagsimula ang ganoong klaseng grupo, basta't ang importante, walang nagkakasakitan at naglalamangan pagdating sa papogian at pagalingan sa pagtuturo. Another thing, siguro fixated lang ang mga bata sa kanila kaya ganoon. Ngayon, suma-side line ang lolo niyo sa Far Eastern University bilang isang instructor. Noon pa man ay gusto na niyang makatungtong sa kolehiyo bilang propesor at ngayon, nasa kamay na niya. Inaamin niya sa amin na medyo nahihirapan siya pero kung iisipin niya pa rin na para ito sa kanya at sa kanyang future, umo-okay din ang lahat. Basta Sir Yuan, galingan mo lang. Alam namin na magaling ka na, so ang dapat mo lang gawin ay galingan mo pa! Kudos!
|
Pumoprof! |
YUANOTATIONS -
Kung si babe mo ay may Lyrizesms, ikaw naman ay may Yuanotations. Ito ang mga
salitang sa kanya ko lang narinig o naririnig kapag nagna-non-stop kuwentuhan
kami. Dahil na rin siguro sa pagkakaroon niya ng malikhaing utak ay nababanggit
niya ang mga salitang ito ng walang kamalay-malay. Narito ang ilan sa kanyang
mga Yuanotations:
sumisipat - from the root word sipat meaning
tinitingnan ng mabilisan. Halimbawa: Nasipat
ko ang ginawang maikling kuwento ni Andrew.
nagtitipa - from the root word tipa meaning
nagsusulat. Halimbawa: Habang
umuulan ay tinitipa ko ang tula para sa aking kasintahan.
mga naghaharing-uri - meaning mayayaman, may pera o puwede ring may
kapangyarihan. Halimbawa: Ang
mga naghaharing-uri ay dapat nang pabagsakin.
sabaw - hindi isang uri ng pagkaing malabnaw at hinihigop gamit ang
kutsara kung hindi mababaw, walang kuwenta, walang halong sahog. Halimbawa: Nanood ako ng pelikula kanina at
nasayang lang ang bili ko sa ticket. Ang sabaw ng kuwento noong pelikula, eh!
terey - ang kanyang version sa taray. Nagawa niya itong expression
na ito habang ano pa nga ba, nagkukuwentuhan kami. Halimbawa: Ang terey mo! Yun lang ang
terey-terey mo!
bagirl - pinaghalong bakla at girl. Babaeng mukhang bakla o
nagmimistulang bakla. Nagawa niya rin ito habang nagkukuwentuhan kami.
Halimbawa: Grabe yung bagirl
noh! Akala niya ang ganda niya.
nyek - ang kanyang paunang salita sa text kapag nagugulat
siya. Halimbawa: Nyek! Wala pa
nga akong nagagawa sa mga grades ko eh!
In fairness,
mas marami pa rin ang Lyrizesms kaysa sa Yuanotations. Wala na akong maisip
pero ganyan siya kapag nagkukuwento siya sa amin tungkol sa kanyang buhay. Ibig
sabihin lang din noon, masyado siyang madaldal hehehe, pero sa amin lang namang
mga kaibigan niya.
SMILING FACE - Noong mga unang panahon ko siyang nakikita sa mga pictures niya sa Facebook, may napapansin ako na siguro hindi lang naman ako ngunit marami rin kami. Kapag picturan na, hindi siya ngumingiti. Sa halos lahat ng mga picture na nakita ko, kung hindi parang wala lang, nakaismid o naka-smile na parang wala lang talaga. Inamin naman niya sa amin na hindi siya ganoong ka-confident maipakita ang kanyang killer smile. It took him years at mabuti na lamang ay may isang taong naglagay ng ngiti sa kanyang labi na kapag magpapa-picture ay kailangan na kailangan siyang nakangiti. Wala naman problema sa kanyang ngipin. In fairness naman sa iyo dude, maganda naman ang ngipin mo dahil maya't maya ka nagtu-toothbrush. Pero sadyang hindi lang siya mahilig ngumiti noon. Ngayon, kung makangiti na si kuya, wagas na wagas. Parang wala ng bukas. Parang hindi na siya makakangiti the next day. Kuwento sa akin ni Lyrize before na may isang araw na sinabihan ka niya na ang guwapo-guwapo mo, ang tanging reaksyon mo lang ay "weh!" Sa bagay, mas gugustuhin mo pa rin ang isang tunay na lalaki na hindi ina-acknowledge sa kanyang utak, puso at buhay na siya ay guwapo. Mas lalaki kasi ang utak ng isang lalaki kung isinasapuso niya at isinasaisip na siya ay guwapo. In fairness naman itong kaibigan ko, guwapo naman talaga pero kulang ang pagiging guwapo kung hindi mo hahaluan ng ngiti, di ba? Magmula noong may nakapuna na sa kanyang hindi pag-ngiti sa ngayong hanggang tainga ang ngiti kapag nagpapalitrato, masasabi ko ngang ang guwapo-guwapo mo Juanito! Ikaw na ang may million-dollar smile! Ikaw na ang may perfect set of teeth! At ikaw na ang may incomparable smiling face!
Dahil hindi kinakaya ng captions ang ngiti ni Juanito, mapapansin ninyo na sa unang litrato (kasama niya ang aming kapatid na si Julie Girl) na hindi talaga siya nakangiti sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pupuwede rin kasing noong mga panahon na iyan ay mayroon siyang isang matinding pagsubok na kinakaharap at hindi niya ito kayang takpan ng kanyang ngiti kaya't kailangan niya itong ipakita sa lente ng camera. Pagkatapos ng lahat ng mga pangyayari, heto na siya't sa pangalawang litrato ang masayahing Juanito. Nakikita na natin ang kanyang magagandang ngipin at in fairness talaga sa kanya, gumaguwapo siya kapag ngumingiti. So ang unang larawan ay before at ang pangalawang litrato ay after.
|
Diyan siya masaya, sa pagte-text! |
TUME-TECHIE SI KUYA - Sabi ng ilan, ang tunay na lalaki ay mahilig sa mga gadgets at para sa kanya, isa itong matatawag na investment. Nasa isang mall kami noon at sinamahan ko siyang bumili ng kanyang bagong telepono. Habang naghahanap ng murang mabibilhan ay napag-usapan namin ang importance ng pambili ng mga mamahaling gadgets tulad ng iPad at iPhone 4S. Para sa akin, anong silbi ng pagbili ng iPhone 4S kung may makikita ka pang mas mura pa sa kanya at katulad rin naman nito. At isa pa ay hindi kakayanin ng aking bulsa dahil ito ay sobrang mahal. Para naman sa kanya, mas okay na rin siguro na maglabas ka ng malaking pera kung iisipin mo ito bilang isang investment. Maaari naman ngunit paano kung mawala ito sa iyong mga kamay. Isa sa mga madilim na bahagi ng kanyang buhay ang minsang pagtangkaan ang kanyang buhay noong isang taon. Pauwi siya galing La Salle at siya ay kinuhanan ng mga di nakikilalang mga lalaki ng kanyang mga gamit. Para sa kanya, sa akin at sa lahat na rin siguro, mahirap ibigay ang bagay na pinaghirapan mo, lalo na siguro kung galing ito sa sarili mong wallet o bulsa. Mas madaling makatakas pero hindi mo rin yun maiisip dahil ang buhay mo naman ang kapalit. Ngayon, dapat lang din naman na maging maingat siya sa mga dinadala niyang bagay at talagang natuto na siya sa nangyari. May mga balak pa rin siyang bilhin tulad ng camera at kung anu-ano pa. Para sa kanya, fulfillment na niya ang magkaroon ng mga ganoong bagay lalo na't alam niya na galing ito sa kanyang mga pagsisikap. Kaya naman ang lolo mo, ang daming side line. Puwede nang tawagin na "Side Line King," sa sobrang daming raket. Go lang ng go, dude! Basta alam mo na sa susunod kung ano ang gagawin mo, okay!
|
Ikaw na ang naka-black sando! |
GYM BUFF? - Kailan lang din siya nagsimulang mag-gym sa kanila. At in fairness naman sa kanya (in fairness, nakakailang in fairness na ako sa iyo, dude!), may nangyayari sa katawan niya thanks to his good friend, na tropa rin niyang si Sir Royce. Ewan ko lang din kung paano din siya nag-start mag-gym; kung may nanghikayat ba sa kanya na magsimula or sa sarili niyang diskarte na kailangan na rin niya siguro. Noon, parang wala lang sa kanya ang paggi-gym. Napansin ko din na parang mas lalo siyang lumiliit kaysa nagkakaroon ng muscles ang kanyang katawan. Mas nagkakaroon pa siya ng curves kaysa sa abs (joke!). Dahil na rin dedicated na rin siya sa kung ano na ang ginagawa niya, nagkakaroon na rin ng magandang results ang kanyang paggi-gym. Minsan na rin niya akong nayayang mag-gym pero wala talaga akong kaamor-amor sa ganyan dahil hindi ako disiplinado sa pagkain at sa lifestyle at nakakatamad din pumunta ng gym. Kung hindi siya busy sa trabaho o gumagala, ay nagpupunta yan sa gym para lamang mag-relax at of course, maging perfectly healthy. Hayaan mo, kapag tinopak ako, maggi-gym ako pero ewan ko lang hanggang kailan. Basta ang promise mo sa akin ha, alam mo na yun! Hahahaha!
|
Emotista |
EMOTIONAL - Sabi ng ilan, kapag ipinanganak ka daw ng August, it's either too emotional ka or too moody ka. Admittedly ganoon nga ako, at maski siya rin ay masyado ring emotional. Moody, may mga symptoms siya pero the emotions, haaay grabe yan! Hinding-hindi ko makakalimutan noong nagkuwento siya sa akin tungkol sa kanyang mga heartbreaks noon (take note noon!). Iba talaga siya kapag nagmahal, ibibigay niya lahat na halos wala na yatang matitira para sa sarili niya. In return, when the time comes that is not expected, sobra siyang nalulumbay at nasasaktan. Sa sobra niyang emosyonal, all he has to do is to cry. Ganoon siya ka-emosyonal lalo na sa mga taong minahal niya ng lubusan. Mga senyales din na umi-emo yan ay ang mga posts niya sa Twitter (@yusclusive), Facebook (/yuanskywalker) at Blogger (talaarajuuan.blogspot.com). Talo niya pa ang mga writers ng mga teleserye at mga romantic drama movies kung luminya yan. At ang pinakanagulantang ako sa lahat noong magkasabay kami niyan sa tricycle papasok na ng aming institusyon. Nagulat na lamang ako at wala man lang pasabi itong si kuya na siya pala'y paiyak na. Doon ko siya unang nakitang umiyak at hindi naman iyun kabawasan sa kanya bilang isang tunay na lalaki. Kung baga sa isang basong tubig na napuno na ang kanyang puso at kailangan na niyang itong ilabas sa pamamagitan ng pag-iyak. Nangyari kasi ito noong unti-unti na niyang nararamdaman na paalis na si Lyrize. Kaya ako, hindi ako totally naniniwala na hindi dapat idinadaan sa luha kung may problema ka. Oo, kailangan mong harapin ngunit kailangan mo ring ilabas ang mabigat na nararamdaman mo sa pamamagitan ng pag-iyak dahil iyun lang ang tamang paraan. Aminado rin siguro siyang iyakin siya pero hindi naman masama iyun. So siguro, pareho nga kami nito, dahil pareho kaming August, pareho kaming iyakin? Ah basta, mas lalong titibay ang isang tao kung hindi dahil sa pagpatak ng isang luha.
|
Isa sa aming mga makukulit na moments! |
ANG AMING MGA KULITAN MOMENTS - Hay naku, iba talaga ang samahan namin niyan ni dude kapag nagkukulitan na. Parang Dolphy at Panchito. Puwede ring Vhong Navarro at Billy Crawford. At puwede rin namang Jhong Hilario at Vice Ganda. May mga hirit ako sa kanya at may mga hirit din siya sa akin. Ang pinakagustong ginagawa niyan sa akin ay kung lait-laitin ako parang siya na ang perfect example ni God sa ating lahat. Ang gagawin niyan, pipindutin ang mga taba ng aking katawan sabay magsasabi ng "ang jubis!" Ang gagawin din niyan ay may ipagagawa siya sa akin na mga bagay na magmumukha akong tanga lang. Sasabihin niyan sa akin, "gayahin mo nga ito!" Of course, ako naman si tanga, gagawin naman! Ako naman bilang ganti, sasabihin ko sa kanya na "once na ulitin mo payun, hahalikan kita!" In fairness, nagbe-behave na siya at hindi na nangungulit pa. Hindi lang yan, umaabot din sa mga texts
ang kulitan namin. Pero hindi lang kami laging kulitan at good vibes; may mga panahon din na nagkakatampuhan kami. At kung nagtatampo ako sa kanya, hindi ko siya pinapansin at darating na lang ang panahon na mag-uusap kaming dalawa na kailangang i-patch up! After naman noon ay okay na ulit at balik na sa dating kulitan at asaran! I could say that we have a unique kind of friendship na maipagmamalaki ko. Sana lang din kung darating ang mga panahong lalagay na kami sa tahimik (hehehe may ganoon), sila ni Lyrize at kami ni (uh-hum), alam niyo yung, pareho kaming kasali sa mga entourages namin. Ewan ko lang dude, pero minsan naiisip ko talaga na sana ako kunin mo bilang iyong best man (kung puwede lang naman?) sa kasal niyo. Ikaw naman sa kasal ko, puwedeng ikaw ang officiating priest, o puwede ring commentator o mas maganda siguro kung ikaw ang wedding coordinator ko. Partner kayo ni babe para mas madali ang work (hahaha!). Seriously, naniniwala akong hanggang sa huli, magiging sandigan natin ang isa't isa. Basta dude kung may problema ka, financial (ikaw na nagsabi na mayaman ako!), relationship (ako na bahala kay kapsalung!), career (hmmm, magpapaka-HR ako!), at kahit ano pang klaseng problema yan, when you need that you can depend, you can count me and I will be there for you!
THE CUTEST BOYFRIEND - Hindi ko makakalimutan ang unang beses na nagkuwento siya sa akin kung paano siya bilang isang boyfriend. Siguro the basics of being a boyfriend, maghahatid, magsusundo, hahawakan ang kamay, tatabihan sa pagkain, magaalala, magsasabi ng "I love you," sasamahan kang mag-isip ng future niyo, titigan ka sa mata at sasabihan ka ng "you're so beautiful," at higit sa lahat, mamahalin ka ng lubus-lubusan. Ganoon siya sa mga past relationships niya and of course, sa kanyang one and only ngayon na si Babe! Kung ikaw siguro ang babae, sa tingin mo ba pakakawalan mo pa siya? Malamang hindi na di ba. Yan ang upside niya bilang boyfriend, pero minsan din kasi itong si pogi sumasablay. Siguro din kasi sa sobra niyang mahal ang taong mahal na mahal niya, nakakapag-decide siya in accordance sa taong mahal niya. Kailangan niya yatang matutunan na kahit may katuwang na siya, ay kailangan niya pa ring magdesisyon sa kung anong isinasapuso niya. In fairness naman sa kanya, hindi na siya ganoon dahil na rin sa convincing powers ni girlfriend. Nasulat ko na dito kung paano silang dalawa at nawa'y magtutuloy-tuloy na hanggang sa huli. Ikaw na talaga ang cutest boyfriend. Mahalin niyo ang isa't isa at as what they always say sa mga mag-asawa, put God in the center of your relationship. Kaya niyo yan! Hold on tight and keep love burning! God is always with you, mga kapatid!
Hindi naman halata sa mga pinagsusulat ko dito sa blogpost ko tungkol sa iyo na kilalang-kilala na kita. Ikaw kasi, dude, ang tipong kapag napagkatiwalaan mo ay sinasabi mo ang lahat, kahit siguro hindi halos lahat ay alam ko. Hindi naman nararapat rin na kahit matalik pa kayong magkaibigan ay kailangan alam mo kung ano ang mga sikreto niya at vice versa. Sa amin ni Juanito, hindi na dapat binibigyan ng kung ano pang label ang aming pagkakaibigan; katulad din naman kami ng iba sa aming circle of friends. Tiyempong may pagkakapareho kami sa iba't ibang aspeto ng buhay.
Dude, ang tanging dasal ko lamang sa iyo ay maging maligaya ka sa iyong kaarawan, sa iyong tatahaking landas at sa mga darating pang pagkakataon sa iyong buhay. Katulad ng sinasabi namin sa iyo, maging masaya ka at maging masaya pa lalo, lalo na't na sa iyo na ang lahat. Nandito kaming lahat para sa iyo at nasa likod mo kami kung saka-sakali lang may madaanan kang lubak o harang o babagsak ka. Hindi lang ako ang nandito kung hindi sila rin...
|
Naks... Sila ang Treze Guwapitos!!! |
|
Your high school friends |
And of course...
|
At kami... The Teacherrifics!!! |
Maligayang kaarawan, Ginoong Juanito N. Anot, Jr.!!!
Toodles para sa iyo!!! :)
note: kasagabay - (Cebuano) kaibigan
ReplyDeletelet your dating partner know about you very well then she/he will be more comfortable while dating. Tinder Openers