Thursday, February 28, 2013

A Friendly Letter for Julie Girl


28 February 2013

To my dearest kapatid Julie Girl,

                          Greetings!

                          How are you na, kapatid? Long time no hear ha! Kapag nagkikita tayo sa loob ng ating institution, lagi kang nakasimangot, nakanganga, saka aligaga. Paano ba yan, next year yata magkasama na tayo (sure na ba talaga) sa iisang level. I know it's going to be very happy! Kamusta si Summerita, ang aking magandang inaanak? Naglalakad na diba? Makulit na ba? Nagsasalita na ba? Madaldal na ba parang si Ninong Zieggy niya? Hay! This letter is not only about asking how are you, but a lot of things to be thankful to you! At alam mo yan!

                           First thing I would like to thank you sa pagiging shock absorber ko, especially last year. SUPER DOOPER ALAM MO NA YUN at ayaw ko nang i-broadcast dito sa letter ko kung ano man yun. Salamat dahil pinagalitan mo ako and at the same time, you made yourself an eye-opener to me. Alam mo kapatid, kahit alam kong puwede pa, or kaya pa, I would always think of what you told me. Ayun, in fairness naman sa akin, naka-move on na ako. Of course you would remember ang mga katagang "at least alam ko na madali akong maka-move on." Naku, nakita mo na rin akong umiyak dahil sa pesteng alam mo na rin. If you can still remember noong hindi ako napag-bigyan sa gusto kong mangyari sa akin for this year pero as usual, waley nga. And another thing sa isang recent issue sa akin na hindi naman dapat maging issue. I just became too emotional and too intimidated kasi pero you made my hopes too near. Ipinakita mo sa akin na dapat realistic din ako, and now kung hindi man or kung oo man, why not! Basta go for green pa rin, pero why not for yellow pero green pa rin at alam mo yan! I just don't know pero every time na may problem ko, you are one of the first people I can go to without hesitation. Siguro kasi sa sobrang pagka-straightforward mo kaya tuloy pakiramdam ko, refreshed and replenished ako kapag pinagsasabihan mo ako na parang subordinate, anak or someone na maliit na hindi alam ang ginagawa. Ganoon ang peg nating dalawa and I'm so thankful for that!

                           I am also thankful dahil finally magsasama na tayo sa iisang bubong. I don't want to bring out more dahil magkaka-idea ang ilan pero good thing na rin dahil ba-bonding tayo ng bonggang-bongga. But now, I'm already apologizing na baka mabagalan ka or mapikon ka sa akin dahil hindi ko alam kung professional ako or what. Basta Julie Girl, sabihan mo lang ako kung nawawala ako sa circulation dahil para akong minsang NGA NGA... At huwag ka ring mabahala sa akin kung nakikita mo akong nagsasalita mag-isa sa loob ng classroom dahil iyan ang aking de-stressing technique. Ang sarap mag-vent out sa hangin lalo na kapag hindi ko kailangan ng opinion.

                          I can't wait for our travels, gala and all. Sana payagan ka ni Pareng Onin na makapag-Thailand tayo. I always wanted to go to other places or other countries together with you guys. I can't wait for our very first Visita Iglesia 2013 this March 25th at alam mo na kung paano ang hatian natin sa food at sa parking fee. Alam mo na rin kung saan-saan tayo pupunta at kung paano ang sunduan at hatiran ng mga batang katulad niyo. Tama nga, travels could be our most luxurious treat in our friendship and mangyayari yan the soonest. Saan ba ang gusto natin? Sabi ni Tarrosing sa London raw. Sabi ni Ms. A sa Thailand or sa Singapore. Ah basta, gusto kong mag-Hong Kong. Basta may pera.

                          Marami ring salamat dahil parang nagmumukha kang sunud-sunuran sa mga damit na gusto kong isuot mo if there's a formal gathering that you'll attend to. For two years, Theres and yourself are two of my trusted clienteles on how you will look good in any aspect. Hindi ko makakalimutan ang unang beses na nagpakitang gilas akong damitan kayo a la Liz Uy. Sinugod natin ang bawat sulok ng 168 Shopping Mall ng Divisoria just to get what I wanted for you. Ang galing lang ng utak ko dahil alam ko na kung anong gusto kong masuot mo. 




                          Chu-choosy ka pa ba ba Julie Girl ng iba pang mga stylist mo. Hayaan mo kapatid, nagsisimula pa lang ako pero kahit pa, maraming maraming salamat na rin dahil pinapaubaya mo sa akin ang iyong sarili on how to look good. Well, I am just suggesting but the thing is, you're taking my suggestions too seriously. Hahahaha! Looking forward for the next royal gala or royal gathering.

                          And siyempre, thank you for bringing us Julli Summer to our lives. Bilang pang-limang bata sa ating samahan (so far siya ang bunso, unless may sumunod agad-agad), alam na kung anong magiging attitude niyan. Isama mo pa ang mga ninong at ninang niya sa iba mo pang circle of friends, alam na alam na talaga. Hindi ko makakalimutan noong nalaman ko ang napakagandang balita with matching pagsita mo sa aking makapal na balbas at bigote. Sinabihan mo ako noon na i-shave ko ang buhok ko sa mukha dahil baka mapaglihian mo ako. Ang ganda-ganda lang ng reaksyon ko noong araw na yun dahil dinadala mo na pala for about a few months si Julli Summer na ipinangalan mo from our most favorite film, 500 Days of Summer. I can't wait for her 500 days. Salamat dahil isa ako sa kinuha mong emcee noong nag 1st birthday si Summerita and of course kinuha mo akong Ninong ni Summerita na mahal na mahal ko ng sobra. 

                          Nawa'y lumaki siya na katulad mo, masyadong matapang at masyadong matatag. Hindi rin naman kasi halata na ang dami-daming mong iniisip kaya tuloy sa paminsan-minsang labas natin, minsan aayaw ka, minsan ooo ka. Masaya pa naman kapag nasa loob tayo ng tricycle; tayong apat at ako ang nasa may pintuan at ikaw ang tagahawak ng bag ko. Maging matapang pa lalo dahil alam naman natin na ang buhay natin, may mga nakapilang mga problema. May mga pagkakataong hindi natin inaasahan na puwedeng mangyari. Good thing, you're taking it seriously but sunny. Magpakatatag pa lalo. Alam naman natin na hindi mo alam kung kailan ang uwi ni Pareng Onin pero kayanin mo pa, kapatid. Babalik naman si pare (sure na sure ako diyan!). 

                          Julie Girl, happy happy birthday sa iyo. 27 ka na at 3 years na lang kailangan college professor ka na! Nakikita ko how much your kids love you, by simply calling you Mommy J or Nay J. Kahit si Summerita, alam ko na mamahalin ka niyan. Maraming salamat sa pagkakaibigan natin, na hindi na natin kailangan pang sukatin kung ilang taon na. Hanggang sa dulo ng walang hanggan, our friendship will surely stay forever! Thank you for accepting me as your weird, crazy and truest friend!

                          O siya, hanggang dito na lang ang aking friendly letter to you! I love you so much friend! And keep styling!!!

                          Toodles!!!

Respectfully yours,

Zieggy
 (balotabrouhahas.blogspot.com)

No comments:

Post a Comment