Ang sarap talagang tumawa! Lalo na kapag may nagbibigay sa iyo ng mga jokes na talagang hindi nakaka-offend o nakakapagbigay ng atraso. Yung tipong birong nagawa ng isang matalinong tao. Dati, nakapagsulat na ako ng mga jokes dito sa aking blog, at ngayon uulitin ko. Nawa'y matawa kayong lahat!
From Pinoy Fail Blog
INAY: Bakit ka umiiyak?
BERTING: Si kuya po, sinabihan ako ng PANGIT!
INAY: Totoo ba sumbong ng kapatid mo?
JUAN: Huwag po kayong maniwala sa sinasabi ng PANGIT na yan!
GURO: Imagin-in ninyo na kayo ay MILYONARYO! Isulat ang inyong mga activities.
ALL: Yes, ma'am!
GURO: Juan, bakit hindi ka nagsusulat?
JUAN: Hinihintay ko po yung SECRETARY ko!
From Tumawa
MAX: Pare, bakit may tali ka sa paa?
JUAN: MAGBIBIGTI ako, eh!
MAX: Eh bakit sa paa? Dapat sa LEEG!
JUAN: Sinubukan ko na kanina, hindi ako MAKAHINGA, eh!
JUAN: Kahit tindero ako ng fishball, may anak ako sa Ateneo, UP at La Salle!
PEDRO: Wow, ano'ng course?
JUAN: Wala, nagtitinda din ng fishball!
JUAN: Pare, nasaksak ako! Mauubusan na ako ng dugo! Call me a doctor! Call me a doctor!
PEDRO: Okay! YOU'RE A DOCTOR! DOKTOR KA JUAN!
From Funny Pinoy Jokes
PEDRO: Pare, akyat ka ng puno! Pisilin mo yung bunga, tingnan mo kung hinog na.
JUAN: (dali-daling umakyat ng puno) Hinog na, pare!
PEDRO: Sige, bumaba ka na at tulungan mo ako! Sungkitin na natin!
AMO: Inday! Bakit mabilis maubos yung toothpick natin?
INDAY: Hindi ko po alam, Ma'am! Kapag gumagamit naman po ako, binabalik ko!
BOY: Di ba ngayon ang heart surgery mo?
GIRL: Yeah!
BOY: Just remember that I LOVE YOU so much!
GIRL: I LOVE YOU more! Thank you!
(After ng heart surgery, nagtaka yung girl kung bakit tatay lang niya ang nasa tabi niya)
GIRL: Dad, nasaan siya?
DAD: Hindi mo ba kilala kung sino ang nagbigay sa'yo ng puso mo?
GIRL: Oh my God!
(And the girl started to cry)
DAD: JOKE LANG! Tumae lang! Eto naman!
TEACHER: Ano ang sagot sa bugtong na ito, "Ayan na, ayan na, hindi mo pa nakikita?"
JUAN: Ma'am, "Tanga?!"
Sa isang ilog...
BALONG: Bata! Mababaw ba yung ilog?
BATA: Opo!
BALONG: (tumalon) SAKLOLO! SAKLOLO! LOKO KANG BATA KA! Sabi mo mababaw, ang lalim pala!
BATA: Mababaw lang po talaga! Kasi po kanina, tumawid pa nga po yung bibe diyan eh! Cool na cool lang!
From Jokes Tagalog
Job interview for abroad...
HR: Ano'ng pangalan mo?
JUAN: Juan Kampupot po.
HR: Ilang taon?
JUAN: Disi-otso po!
HR: May trabaho?
JUAN: Tricycle driver po.
HR: Single?
JUAN: May sidecar ho! Tricycle driver nga, eh!
BOY: Nay, birthday ko po ngayon!
NANAY: Ano'ng gusto mong gift ko?
BOY: Kahit huwag na gift, kahit sentence na lang po. Yung tipong maiiyak ako, ha!
NANAY: Anak, ampon ka!
STUDENT: Ma'am, pagagalitan niyo po ba ako sa bagay na hindi ko naman ginawa?
TEACHER: Natural, hindi!
STUDENT: Good! Hindi ko po ginawa assignment ko!
From Pinoy Tagalog Jokes
RICH VAMPIRE: Oorder ako ng fresh blood.
ORDINARY VAMPIRE: Sa akin isang order ng dinuguan.
POOR VAMPIRE: Hot water lang sa akin!
WAITER: Bakit hot water lang po?
POOR VAMPIRE: Nakapulot kasi ako ng napkin sa kanto. Magcha-tsaa na lang ako!
PEDRO: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon ng eroplano nang walang parachute!
JUAN: Oh! Totoo? Saan mo naman nabalitaan yan?
PEDRO: Doon sa burol niya!
JUAN: Tanungin mo ako ng English, sasagutin kita ng Spanish!
PEDRO: Which is more important, heart or mind?
JUAN: Spanish!
From Patawa.org
MISIS: Hello! Please send a MAINTENANCE personnel! Ang mister ko, tatalon sa bintana! Bilis!
ADMINISTRATOR: Ma'am bakit po maintenance?
MISIS: Eh, ayaw MABUKSAN ng bintana!
Sumulat si Inday sa kanyang ina...
"Dear Mom, Had it not been for the smelling salt, I would have collapsed a moment ago. Junior has become an uncontrollable little monster! Remember when he accidentally fell and hit his head on the marble floor at home last week? A bloody mess that was!
This week, he summoned by the principal of that shabbily run academy for smacking a classmate's face! And the academe--what a pretentious bunch of baboons!
Oh dear, I never imagined being a governess can be such an unbearable source of torturous aggravation.
Your daughter, Inday.
Kinabukasan, sumagot ang tatay ni Inday...
"Dear Inday, WALANGHIYA KA! MAGPADALA KA NG PERA! NASA OSPITAL ANG NANAY MO! DUMUGO ANG ILONG SA KAKABASA NG PESTENG SULAT MO!
Nagmamahal, Itay!
Overnight inaral ng amo ni Inday ang buong diksyunaryo para may pantapat na siya kay Inday na Inglesera...
DONYA: So Inday, tell me, how do you come to terms and accept the inescapable fact that you are just a mere chambermaid in his, my extravagant mansion?
INDAY: Una camarera? Eres tan pathetico. La unican razon que inscribi tu casa es porque nada esta sucendiendo dentro de tu casa cuasi-agradable. Quisiera traer una poce clase en este hogar pero conjeturo que no puedo porque esta casa es fea...
DONYA: GRRRR! (inatake ng epilepsy)
ANAK: Tay, totoo po bang may multo?
TATAY: Anak, walang multo! Bakit mo naitanong?
ANAK: Sabi kasi ni yaya, mayroong multo!
TATAY: Anak naman! Wala tayong yaya!
Battle of the Brains...
May tatlong lalake ang nasa jeep, yung driver, isang guro at si Juan. Nawalan ng kontrol ang sinasakyan nila kaya nahulog sila sa bangin. Noong nagkamalay silang tatlo, nakatayo na si San Pedro at si Satanas sa gilid sa harap nila.
SATANAS: Dahil napupuno na ang langit, napagkasunduan namin ni San Pedro na limitahan na lang ang pagpasok dito. Kung sino man sa inyo ang makapagtatanong na hindi ko masagutan ng tama ay yun ang karapat-dapat makapasok sa langit. Kung masagot ko, diretso kayo sa impiyerno! Sino'ng gustong mauna?
DRIVER: Ako! Ako muna!
SATANAS: Anong tanong mo?
DRIVER: Anong araw ako unang nag-drive?
SATANAS: (nag-isip sandali) August 2, 1991
(Boom! Nagliyab at biglang nawala ang driver. Sumunod ang guro)
GURO: Ako naman! (nagbigay ng isang napakahabang Math problem, ngunit nasagutan din ito ng tama ni Satanas kaya napunta rin siya sa impiyerno)
SATANAS: Ikaw naman, Juan!
JUAN: Hmmmm... Sige, kumuha ka ng upuan at butasan mo ng pitong butas!
SATANAS: Aba, inutusan pa ako! Pero sige, dahil naiintriga ako sa pinapagawa mo!
(Kumuha si Satanas ng upuan at nilagyan ng pitong butas. Umupo si Juan at umutot sa upuan...)
JUAN: Ang tanong ko sa'yo! Saang butas ako umutot?
SATANAS: (pinagpawisan) Hmmmm... Sa ika-anim na butas?
JUAN: MALI!!! Sa butas ng puwet ko, tanga! GO TO YOUR OWN HELL! HAHAHA!
SAN PEDRO: Welcome to heaven, Juan!
From Pinoy Jokes Hub
MAX: Pare, mahilig pala ang pamilyo mo sa music! Kasi kapag naliligo kayo, lahat kumakanta!
JUAN: Anong mahilig? Kailangan lang kumanta kasi walang lock ang banyo!
PEDRO: Ano ang tawag sa uod na nasa gitna ng kalsada?
JUAN: (nag-iisip) Hindi ko alam eh! Ano nga ba?
PEDRO: Eh hindi uod pa rin! Nasa gitna lang naman ng kalsada eh!
Laughter is still the best medicine!
Toodles!!!
special thanks to Pinoy Fail Blog, Tumawa, Funny Pinoy Jokes, Jokes Tagalog, Pinoy Tagalog Jokes, Patawa.org, and Pinoy Jokes Hub :)
No comments:
Post a Comment