Parang sa mga oras na ito, masarap gumawa ng parang reaction paper or term paper or whatever paper not because may dapat gawan ng reaction, but because may mga bagay na nangyayari sa ngayon na hindi ko maintindihan...
The Crisis: I was very vocal to myself, to my friends, to my colleagues and to our administrators na willing akong magpabalik sa regular school to teach regular kids. Nasabi ko na rin sa iba ang plight ko about it. In my own part, pakiramdam ko na wala akong na-achieve na professional growth sa department na kinabibilangan ko ngayon (no offense). Umaabot sa point na pumapasok na lamang ako for the sake of the kids, not because I have a lesson to teach. Others might see na parang petiks ang kalakaran sa department na kinabibilangan ko, meaning madali ang trabaho. May mga oras na wala akong ginagawa; pinapanood ko lang ang mga anak kong naglalaro, nagkukuwentuhan at naghahabulan. Nagagawa ko yun because it was my part of my job. Mayroon din akong mga paperworks na ginagawa at pinapasa, pero iyun lang. Namimiss ko yung linggo-linggong paggawa ng lesson plan, pagkumpleto ng mga scores at grades ng mga bata, pagsulat ng pagkarami-raming mga documents from banig to Form 137 to dummy sheet at kung anu-ano pa. Namimiss ko yung may mga nakakaintindi sa mga lessons na inihanda ko sa mga bata. Namimiss ko yung mga outputs na ginagawa ng mga regular students ko sa seatwork na inihanda ko sa mga bata.
Last year, nagprisinta akong magpalipat sa department na kinabibilangan ko for two reasons. One is to stay away from danger. I had a previous problem about my discipline, medyo hindi applicable sa mga grade school students. I was about to fall dahil hindi ko nagawa ang promise ko to do what is right. Pero ang nakakatuwa ay pinagbigyan pa rin ako pero to make it better, nagpalipat ako sa bagong department. Another one is to try my luck. Aminado akong naging maganda ang mga opportunities ng mga teachers sa ibang bansa, at ang department na kinabibilangan ko, masyadong malaki ang kita. I was tempted by money kaya rin ako naging pushy to be part of the department. Medyo nakarinig din ako ng mga issues about my sudden arrival to the department. Nakalimutan ko na rin iyun at hindi na rin dapat pag-usapan dahil it was only a mere issue, at hindi na dapat palakihin pa. Naging maganda ang simula pero as the day goes by, nananaig pa rin sa akin ang isang bagay na hinahanap-hanap ko; ang magturo sa regular school. Regardless of level, basta namimiss ko ang magturo sa regular. Nalulungkot ako sa sinapit ng career ko mula noong napalipat ako. Naramdaman ko na para akong nakalimutan, nawala sa circulation at pakiramdam ko, hindi ako teacher.
I made so many decisions last year. Umabot pa sa point na magreresign ako dahil hindi ko na kaya. Pero hindi ako nagpadaig sa emotions ko, tinuloy ko pa rin at nag-isip ng mga bagay na maaari kong gawin. Hindi ko na tinuloy na mag-aral dahil wala rin namang mangyayari. Mag-aaral ako pero sa subject or course na talagang mahal ko, which is English. Pagdating naman sa bagay na iyun, puwede ko namang idaan sa pagsama or pag-attend ng mga seminars. In-insist ko rin sa sarili ko na sa susunod na school year ay magpapabalik na ako and this time, sa high school na. Matagal-tagal na rin akong nagtuturo sa aming eskuwelahan at pakiramdam ko, ito na siguro ang pagkakataong ipakita ang galing ko sa pagtuturo sa high school. Pinalasap nila sa akin sa loob ng isang buwan ang makapagturo muli sa regular school. Nagkaroon ako ng pagkakataon na muli kong magawa ang mga nagawa ko noon. Pero umabot ako muli sa isang desisyon, if I will stay or I will return. Kung stay ako, paano naman ang mga iniwan kong trabaho sa department na kinabibilangan ko? Kung return, hindi ko alam kung makakabalik pa kaya ako for regular school? Mas pinili ko ang pangalawa kaysa sa una, dahil mayroon akong tinatawag na "word of honor."
Pero mukhang nabago ang lahat in a snap. Nitong mga huling linggo na nagdaan ay nagkaroon ako ng isang matinding pagsubok pagdating sa aking career. Sa pangalawang pagkakataon, ganito muli ngunit ibang sitwasyon. Ngayon ay gusto ko namang bumalik sa regular school pero nasaraduhan ako. Sa una, sinabi kong vocal ako sa pagbalik ngunit napansin kong may nakalimutan silang isang tao at ako yun. Para saan pa ang pinasang "letter of intent" kung wala rin pala itong saysay. Para saan pa ang pagsasabi ko na "magpapasundo ako ulit," kung makakalimutan rin pala. Ngayon, para akong batang naghihintay sa terminal ng bus, para akong nag-take ng exam sa UPCAT na kung saan, isa akong pending. Hindi ko pa rin alam kung saan ako. Ang dami kong wino-worry; ang mga taong maapektuhan, ang sarili kong pride at ang career na gusto kong mangyari sa akin. Pinapipili ako sa dalawa: ang ipagpatuloy ko ang stay sa department na kinabibilangan ko or magtuturo ako sa subject ko pero sa lower level (grades 3 at 4).
According to my friends: Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang saloobin ko. At gusto ko ang kanilang sinabi sa akin sa paraang hindi nila ako pinagtatakpan or pinaghihigantian or kinakampihan sa gusto ko but they said their pieces very well in a way na para sa ikabubuti ko. Mas mabuti pang piliin ko ang pagtuturo sa grades 3 and 4 kaysa magtuturo ako sa department na kinabibilangan ko na sa halatang napipilitan ako. Sa mga bagay na ito, hindi dapat pairalin ang pride or ang ego, dahil trabaho pa rin ang pinag-uusapan dito. Kung aalis man ako, saan ako pupunta? May nasimulan na ba ako? May mapupuntahan ba ang pagiging rebelde ko? Marahil mapapahiya lang ako dahil sa kagustuhan kong umalis pero wala pa akong back-up plan na matatawag. Considered siya as a gateway for my future plans of teaching in high school, kung sakaling doon pa rin ako. At ang mali rin sa akin ay ang page-expect sa mga bagay na wala pa sa kamay ko. Isang halimbawa na lang ang nangyari sa akin sa graduation na halos kinuha ko na ang idea sa pagiging emcee sa graduation. Alam ko na na hindi sa lahat ng bagay nakukuha mo ang gusto mo. Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo sa madaling paraan. Darating din siguro ang pagkakataon na maganda sa iyo, according to His own time.
Gusto ko rin ang sinabi ng kaibigan ko sa akin, medyo gasgas na pero tamang-tama sa nararamdaman ko ngayon, "When God closes the door, He opens a window!" Sinara man sa akin ang pagkakataong makapagturo sa high school, binuksan naman ang isa pang pagkakataong makapagturo sa grade school, ngunit sa lower level lamang. Kailangan ko na ring babaan ang pride ko dahil wala rin akong makukuha rito. Hindi rin ako mapapakain nito, at pakiramdam ko, mapapahiya lamang ako lalo. Ang importante, kung anong nangyayari ngayon.
Enumeration: Ito ang mga bagay na puwede kong makita kung sakaling tanggapin ko ang pagtuturo ng English sa grades 3 and 4:
PROS/ADVANTAGES/POSITIVES: 1. Nasa regular school ako. 2. Natuturo ko ang subject na inaral ko. 3. Marami akong estudyante at alam ko na may matutunan sila sa akin. 4. Alam ko sa sarili ko na isa akong ganap na guro. 5. Makakasama ko ang mga kaibigan ko. 6. Maipapakita ko na rin ang galing ko na pupuwedeng maging edge ko sa mga darating na panahon. 7. Marami akong matatanggap na regalo sa Pasko (hehehehe) 8. May dahilan na ako para pumasok at maging masaya.
CONS/DISADVANTAGES/NEGATIVES: 1. Hindi ko nakuha ang gusto kong level. 2. Baka maging dahilan ko ng pagkatanggal dahil sa pagiging disciplinary actions ko. 3. Maraming trabaho. 4. Magiging problema ko ang kakulitan ng mga bata. 5. Makakatanggap ako ng reklamo from the parents.
Siguro nga, may pros or cons man or wala, magiging masaya ako sa mangyayari sa akin. Gagayahin ko ang mga kaibigan kong wholeheartedly, tinatanggap nila kung ano ang binibigay sa kanila. At sa susunod na taon, tatanggalin ko na sa sistema ko ang pala-asa, expectant at kung ano man tungkol sa "future." Hindi na ako aasa, kung ano ang ngayon, doon na lang ako magpo-focus, wala ng iba!
I just realized that everything happens for a reason. I will try and take it as a challenge. If it turned out good, I know that I did all of my best! If not, at least I've given my all to do the task.
"Life's challenges are not supposed to paralyze you, they're supposed to help you discover who you are." - Bernice Johnson Reagon
Yes, I'm taking the challenge! Good luck to me!
Maraming salamat mga kapatid!!! Go TEACHERRIFICS!!!
Toodles!!!
i think you won't regret your decision. i'm always praying for your happiness and keep your passion burning. good luck sir ziggy!
ReplyDeletethanks!!!
ReplyDelete