Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. May mga nakikita akong pictures, posts at kung anuman sa Facebook and then bigla akong nakaramdam ng inggit sa kanila. Buti pa sila masaya, buti pa sila okay, buti pa sila magkabati, buti pa sila nag-uusap, buti pa sila importante sa isa't isa. Buti pa sila, nakukuha nilang ngumiti pero may mga taong katulad siguro mo, or puwede ring katulad ko na parang hindi kumpleto, hindi masaya, hindi okay at may hindi pagkakaintindihan. Walang pansinang nagaganap, walang imikang nagaganap at may mga pagkakataong isnaban, at iwasan na rin. Now, do you still think that you have a good time?
Minsan rin talaga kailangan mong bumaba sa pedestal mo, meaning kailangan mong magpakumbaba at babaan pa lalo ang pride. Pero minsan, kailangan mo ring lumaban. Kapag mahina ka, of course talo ka! Kung lagi mo na lang pababayaan ang mga pangyayaring sa totoo lang ay ayaw mo, talong-talo ka! Pero bakit nga ba nangyayari ang mga ganitong bagay. Totoo nga bang dahil lang hindi mo maintindihan ang isa, or hindi kayo magkaintindihang dalawa kaya kayo magkaaway at hindi magkabati? Now, do you still think that you have a good time?
Sa ngayon, may nararamdaman ako sa aking katawan. Nakakatakot man pero hindi ko alam kung ano ito. Natatakot din ako na baka kung ano na pala ito, hindi ko pa alam pero malala na. Huwag naman sana. Pero kung may sakit kaya ako, may makakaalala kaya sa akin? May magte-text kaya sa akin ng "pagaling ka?" "Kamusta ka na?" "Ayos ka lang ba?" "Okay ka lang ba?" "Pasok ka na bukas ha! Pagaling ka na!" Eh paano kung wala. Yung tipong pinababayaan ka at hindi ka na lang din iniinda kasi nga naman, sino ka sa buhay nila di ba? Now, do you still think that you have a good time?
Ayaw ko sa mga taong hindi tinutupad ang mga ipinangako nila. Ayoko rin sa mga taong nagpapaasa, yung mga taong papangakuan ka ng ganito, ng ganyan pero at the end of the day, wala naman talaga. Yung alam mong may ine-expect ka na isang bagay pagkatapos wala. May mga pagkakataon rin naman ako na mahilig din akong mangako pero hindi ko natutupad at masakit pala yun. Nangako ako sa mga students ko ng prize para sa kanilang English Campaign, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin natutupad. Ano kayang nararamdaman nila, katulad rin kaya ng nararamdaman ko ngayon? Yung parang neglected ka, unimportant ka at higit sa lahat, "who are you?" ang drama sa iyo. Now, do you still think that you have a good time?
Naisulat ko na ito sa aking mahal na mahal na purple notebook, at hanggang doon na lang yun. Ayaw ko rin naman itong ginagawa ko dahil puro ka-bitter-an itong lahat. Kumbaga, naglalabas lang ng sama ng loob at init na rin ng ulo. Pero hindi ako galit, ayaw kong magalit dahil madadalian ang buhay ko, at tatanda ako agad-agad. Ang gusto ko lang ay magkaroon ng masayang pamumuhay. Sana lahat na lang masaya! Sana lahat na lang nakukuha agad-agad na hindi na dapat nahihirapan. Yung tipong nandiyan na lang, wala ng kailangan pang gawin: pipila pa ng pagkahaba-haba, maghihintay ng napakatagal, magsusulat ng pagkadami-dami ng mga pangalan, address, signature at kung ano-ano pa.
Kung alam niyo lang kung paano ko pahalagahan ang lahat ng mga taong nakapalibot sa akin at ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Ganoon ko ito kamahal pero minsan rin may mga pagkakataong nakakaramdam ka ng parang tine-take advantage ka na. Yung tipong ginagamit ka na, yung nandiyan sa tabi mo pero may kailangan pala. Nandiyan sa tabi mo kasi kailangan pala ng kausap. Hindi naman ako bagay para gamitin pero nakakaramdam ka ng ganoong klase. Dahil ba dito, kailangan ko ng magbago? Kailangan kong baguhin ang pakikitungo ko sa lahat ng tao? Kailangan ko bang magpakabait just to please everyone? Kailangan ko bang ngumiti lagi kahit deep inside nasasaktan ka na? Kailangan ba "always a good time?"
I just wanted one day to wake up on a right side of the bed, yung umaga pa lang masaya ka na. Inspired kang pumasok sa trabaho o sa school. Masaya kang nagtatrabaho o nag-aaral. Okay ang pakikisama mo sa mga katrabaho mo, kaibigan mo at mga kaklase mo. At higit sa lahat, wala kang inaapakang emotions ng mga tao, yung walang taong nag-iisip sa iyo, o pinag-iisip mo. Sana lahat okay na, ayoko na ng ganito kasi nakakawala ng gana, nakaka-stress at nakakasira ng bangs. Sana wala ng pataasan ng ihi, pataasan ng pride, sana lahat maging humble at maging giving sa lahat ng bagay. Sana lahat bati-bati na para wala ng problema!
Ayoko na ng gulo. Gusto ko sana okay na lahat. Pero hindi rin natin masasabi kasi baka ikaw lang ang may gusto, ang kabilang kampo ang may ayaw. Bakit mo pipilitin ang isang bagay na hindi naman pala bukal sa loob ang peace-making.
Just a little prayer for this predicament is what I want to share:
God, grant me some strength to face all the challenges You're presenting to me. I cannot face these without Your mighty gift of courage. Let me pass all of Your test by doing all of the necessary things in a slow pace, little by little and step by step. And God, after all of these, let me have the best time for my life because I know that this is the only life I have. Every time I have this kind of feeling, shower me with Your love and Your grace. I will always lift your Most Holy Name to all! And I will always love You for the rest of my beautiful life. In Jesus Name, Your Son! Amen!
Sana matapos na ito. Ayoko na, promise! Puwede bati-bati na lahat kasi masaya talaga kapag okay na ang lahat, right?
Toodles!
Napakahusay.. :)
ReplyDelete