Saturday, April 30, 2011

Bo-Ro-Ha-Ha (Tagalog Version)

My first post here in my blog using the vernacular language of ours. At hindi biro ang magsulat sa hindi ko masyadong nakasanayang wika. There could be some people who might say wrong, but I don't care. Mas importante sa akin kung ano ang nasa puso't damdamin ng isang manunulat kaya ka nakakapagsulat. Am I right, ladies and gentlemen? Here are some of the nerve-wracking occasions that happened this week na siguradong ikaloloka ng lahat, lalo na ako!

BREAK IT DOWN, YO! - Hindi ako marunong mag-rap, at kahit kailan hindi ko pinangarap ang maging the next Andrew E. or Eminem or even Francis M. This week, nag-break down ako dahil sa mga bagay na hanggang sa mga oras, at araw na ito, ay nalilito pa rin ako. Noong una, tuwang tuwa ako sa isang bagay na ni minsan, hindi ko man lang naisip na mangyayari sa akin, pero noong nasa harap na siya, may puntong gusto ko ng umatras. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat? Minsan, naisip ko rin kung tama ba ang desisyon ko? Marahil mali, siguro tama, wala ring magsasabi kung tama nga ba o mali! Pare called me last Tuesday at doon ko sinabi kung anong nararamdaman ko. Sa sobrang galing niyang magpaikot-ikot kung para malaman ko lang kung ano ba talaga, napaisip ako. Mali nga ba ang sinasabi kong "tamang panahon?" O tama talaga ang desisyon kong sumuong sa isang bagay na wala pa akong kaalam-alam. Aaminin kong ito talaga ang aking "passion," pero sa tingin ko, hindi pa ngayon ang tamang panahon! Tama rin si pare, naniniwala siyang magiging masaya ako sa "career" na napili ko, pero may malaking pagkakamali, ang tungkol sa tamang panahon kung kailan ko siya dapat abutin. Nandiyan na, wala ng bawian! Susubukan ko ang isang taon? Ewan ko lang kung may magandang mangyayari ba sa akin doon, sana maraming magaganda at kaunti lang ang panget. Eh paano kung baligtad? Kinabukasan, nag-text ako kay pare, sinabi ko ang totoong dahilan kung bakit ako nag-break down... Salamat sa iyo, pare, sa napakahabang reply. Wala akong natanggap na tawag, ni text message from you! Simula sa Lunes, May 2 (parang teleserye lang), ang bagong kabanata sa aking buhay na bilang isang guro ay magsisimulang muli. Paano kaya ang magiging ending nito? Abangan...

BIGOTILYO - Sa buong buwan ng Abril, naisip kong may gawin sa aking buhay na hindi ko pa nagagawa maski pa noon. Noong isang taon, ginusto kong magpakalbo, at natupad naman! Ngayong taon na ito, sinubukan kong magpahaba ng bigote at balbas. Balak ko nga sana, until May or June at gusto kong makita kung ano ba talaga ang magiging hitsura ko. Naisip ko ang isang artista na may ganito ring hitsura, pero siyempre, mas angat siya, si Dingdong Dantes (you might say, ang kapal ng mukha!). Oo, makapal na sa makapal, pero siya lang ang naisip ko. Maraming natuwa, maraming nairita, maraming narumihan sa hitsura ko, pero kibit-balikat lang ako! Pero may napapansin na rin ako, nagmumukha na akong "goons" sa mata ng ilan! May nagsabi na ring kamukha ko na ang nasirang Paquito Diaz. Kaya ngayon, Abril 30, 2011, tinapos ko na ang maliligayang araw ng aking bigote at balbas. Pagkatapos ng lahat ng pagse-shave, in fairness naman, mas okay pala talaga ang hitsura ko kapag walang balbas at bigote! Pakiramdam ko tuloy, bagong Ziegrey Balota ang nakikita ko sa salamin! May ganoon?

AJ PEREZ'S LAST PERFORMANCE - Ngayong oras na ito, nanonood ako ng isang pagtatanghal ng Maalaala Mo Kaya, at sobra akong kinikilabutan dahil ito na ang pinakahuling pagtatanghal ni AJ Perez. Kung iisipin mo, halos dalawang linggo na siyang wala sa ating piling pero ramdam na ramdam pa rin ang kanyang "presence." At the early age of 18, hindi mo lubusang maiisip na wala na siya! Sobrang nakakalungkot. At dahil drama ang MMK, naghahalo ang lahat ng emosyon: galit, lungkot, panghihinayang, at higit sa lahat, pag-asa. Pag-asa na sana'y hindi malimutan ninuman si AJ.

THE ROYAL WEDDING - Naisulat ko na dito sa aking blog ang tungkol sa The Royal Wedding nina Prince William at Kate Middleton (na ngayo'y Duke and Duchess of Cambridge). Napanood ko ito kahapon sa bahay ng aking mahal na kaibigan (pero natigil din dahil mas ginusto pa nilang kumanta sa videoke, wala namang may gustong kumanta!) at sobrang nakakakilabot din! Parang isang "fairy tale done in real life" ang kasalan nila! Simple lang ang "wedding gown" ni Kate, hindi tulad ng ibang mga "bride" na may magandang disenyo at sobrang "lavish!" Iba ang seremonya ng kasalan nilang dalawa, hindi tulad sa nakasanayang kasalan sa mga Katoliko. May pagbabasbas pa rin, tulad ng sa Katoliko pero punum-puno ng mga pagbabasa mula sa "Holy Bible." Walang singsing na isinuot kay Prince William, sa kadahilanang hindi ko alam. Napakasimple, ngunit napakamakasaysayan! Ako kaya, kailan makakaranas ng ganyang klaseng kasalan...

ANNE CURTIS KAPAG OFFCAM SA ASAP - Napanood ko sa Youtube ang isang pagtatanghal na ginawa ng aking pinakamamahal na si Anne Curtis! Habang offcam (ito yung time na kapag commercial sa ASAP), kumakanta ng mga matataas na kanta si Anne. Kilala kasi siya sa pagiging "frustrated singer," at medyo "off-tone" o sintunado ang boses. Nakakahiya man, pero totoo! Ang mga kantang kanyang laging kinakanta ay ang "Total Eclipse of the Heart," na may aria pa sa huli, "Alone" at "It's All Coming Back To Me Now!" At aakalain niyo bang magkakaroon na siya ng sarili niyang album soon! Ewan ko kung bibilhin ko ito, hindi ko alam at baka hindi ako matuwa! Sa bagay kung ang iba nga hindi masyadong marunong kumanta o hindi talaga nakakakanta, ay may album, siya pa! Hihintayin ko rin ang kanyang "concert" sa taong 2020.

Ito lang naman ang mga nangyari ngayong linggong ito. Hopefully ang susunod na linggo ay mas maganda pa at talagang ikalu-look forward ng lahat, at isa na ako doon!

Toodles!!!

Hello, School Year 2011-2012 (last year na ba, hindi ko alam???)

No comments:

Post a Comment