In two days time, aalis na siya because she will work out of the country. Magiging mahirap sa akin, lalong-lalo na sa aking kaibigan na makita niya ang kanyang kasintahang aalis ng bansa na hindi siya kasama. Try to imagine, you're just only handling a two-month-old relationship and then the next thing that will happen was a long journey of long distance relationship. Tama, may Facebook, Twitter, Yahoo! Messenger, Skype, Viber at kung anumang mga social networking sites ang nauuso ngayon para magamit for constant communication. Pero, iba pa rin ang feeling kapag nandiyan lang sa tabi mo ang taong minamahal mo. Iba pa rin yung feeling na kapag may problema ka, all you have to do is to tell it to him or her. Iba pa rin yung feeling na magkasama kayo, holding hands at sasamahan mo pa ng matamis na halik sa noo o sa pisngi. After Monday, panibagong yugto sa kanilang dalawa, ang mamuhay ng mag-isa. Though they continue to love each other, sadly speaking, the absence is still there.
Huwag muna tayong magkaroon ng mga "bad vibes," and let's look back how they started to become one. Noong mga panahong magkasama pa sila sa isang department sa aming institution, they became an item of being an instant loveteam. Sabi nila, marami raw silang pagkakapareho. Sa kanilang course na lang, nandoon na, bachelor's degree ang kay girl, master's degree naman ang kay boy. Umabot din sa point na naging mag-terno sila ng damit unintentionally. Marahil, puwede naman pero hindi puwede. Si babae, may kasintahan. Si lalaki, kakagaling lang sa isang matinding problema at sakripisyo sa buhay. It seems that they were bounded but they chose to use the other path. Umabot din ng maraming araw, linggo, buwan at taon at talagang hindi na nangyari ang akala nilang tamang pagkakataon. The relationship of the girl has been great since then and the boy already fell in love with another. Kumbaga sa dalawang kotseng tiyempong nagkasabay sa kalye, lumiko sa kanan ang isa, lumiko sa kaliwa rin ang isa. They don't know if they will meet again soon in that road.
There were so many instances na nangyari sa buhay nila then on. Si babae, hindi na nag-work out ang akala niyang "till forever" na relationship. Si lalaki, naging achiever in his own right, pero hindi siya naging matagumpay sa isang bagay na sinubukan niya. By the time that the girl went back to her roots, doon na nagsimula ang lahat. Ang dalawang kotseng unang tiyempong nagkasabay sa kalye at naghiwalay, nag-krus muli ng landas at nagkasabay muli. Ganoon naman yata talaga kapag hindi ka pa sigurado sa mga nararamdaman mo. The girl was too hesitant, the boy was very sure with what he feels. In an everyday situation, siguro mahirap intindihin pero I just learned from their relationship that you shouldn't look for one, you have to wait for the perfect one. Ika nga sa pelikulang Forrest Gump, "Life is like a box of chocolates, you'll never know what you're going to get!" Yung feeling na biglaan na lang, nagsama sila at nagkaroon ng isang pagkakataong hindi nila naiintindihan sa simula at nang dumating na ang panahon na heto na, wala na silang magagawa kung hindi ang maging masaya. They didn't expect much about the both of them. Katulad ng sinasabi nila, "it just happened!"
Ako, bilang kaibigang malapit nila, hindi ko lubusang maisip kung talaga bang puwede silang maging sila. Una, kasama ko sila sa aming "circle of friends." Pangalawa, nakilala ko sila kung paano sila magmahal at nakilala ko rin sila kung paano sila nasaktan. Ako, bilang kaibigan nila, of course, hindi ako naghahangad ng mga hindi magagandang bagay sa kanila. Pero siyempre, nandoon pa rin yung tipong natatakot ka na magkasakitan ang mga kaibigan mo dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan. At ang huli, alam naman nilang dalawa kung gaano sila importante sa akin. Marami akong mako-consider na best friends pero isa sila sa mga taong lalapitan ko kung sakaling may kailangan ako. Naiisip ko naman na "if the need arises, just call me and I'll be there."
Sila. Yan ang tamang panghalip na bagay sa kanila. Sila means "they are together." Puwede ring "loving each other." Pero para sa akin ang pinaka-importante sa lahat, "they are trusting each other." Magiging halimbawa sila ng tinatawag na long distance relationship. Sa aking best friend forever, nagwowork, at sana sa kanila din. In my own belief, I can say that love is only at the first few chapters of a relationship, the next chapters down to the last is trust. How can you love someone if you lack trust. It will never move forward if what you only knew is to love and not to trust, that makes sense, right? Sa mga akbay na nakikita ko, sa mga ngiting nakikita ko, sana hindi lang dahil mahal niyo ang isa't isa kung hindi dahil pinagkakatiwalaan niyo ang isa't isa. Kung kailangang may magbago at willing i-let go kung ano ka noon, gawin mo. Love is needed but trust is required.
Natatandaan ko ang sinabi sa amin ng Values Education teacher ko noong high school na kung may hihilingin ka, huwag kang gagamit ng salitang "sana," dahil lahat ng hinihiling mo ay hanggang "sana" lang. Now, let's put in this way, magmahalan kayo ng wagas, sobra at lubusan. Don't treat each other as lovers, thus as the best of friends. Alam niyo kung gaano niyo kamahal ang isa't isa at kailangan ninyong ipakita sa buong mundo how much you love her and how much you love him, anupa't nasa magkabilang dulo kayo ng mundo. Kaya niyong paliitin ang mundo sa bawat pag-uusap ninyo, maiba man ang mga puwedeng maganap.
I am so proud with what you have right now, guys! Be happy everyday! Always be in love! And always have trust to each other!
Para sa iyo, Lyrize, mamimiss kita alam mo yan! Isang taon ka man physically wala dito sa amin lalo na kay Juanito, alam namin na through your voice and through your heart, you'll always be there! I'm telling you this, I can't wait for your next return here in 2013! Isipin na lang natin na mabilis lang ang isang taon kahit puwedeng may maraming mangyari, maganda man or hindi, hindi tayo magpapakaapekto! Mahalin mo ang kaibigan ko sa paraang kaya mo! Hahaha, ikaw na bahala, kaps!
Para sa iyo, Juanito, alam mo na! Nakita na kita kung paano ka magmahal at ipagpatuloy mo yan! Nabigo ka man noon, ngayon ang pagkakataon kung ano ang tamang gawin pagdating sa pag-ibig. At isa pa, be strong in almost everything and I mean everything! Ika nga ni Paulo Coelho, "Be brave. Take risks."
"One is loved because one is loved. No reason is needed for loving." - Paulo Coelho |
Toodles!!!
No comments:
Post a Comment