Saturday, August 13, 2011

Uy Ano Ka Ba, Matulog Ka Na! A Different Brouhaha

I'm not yet sleepy that's why I'm doing blogging at this time.

☺☺☺

Ang daming pumapasok sa isipan ko in which I don't understand. Ang dami-dami naming napagkuwentuhan ng kaibigan ko. I was really shocked kasi ang dami niyang vinent-out about the things that he really hates in their kingdom (the KINGDOM that I'm talking about is the KINGDOM -- no need to elaborate!). I was eagerly listening to him and everything he says are really, really true. May mga bagay talaga sa mundo na masyadong unfair. What should we do with the unfairness, napakadaling sabihing "iwan" pero "mahirap talaga!" For instance, ang dami kong kilalang tao naging unfair sa akin, pero until now kasama ko pa rin, kadamay ko pa rin, best friend ko pa ring maituturing. Sa bagay, friendship doesn't need a back pay. For as long as you are a good friend, you'll have a good way ahead. Basta, kung unfair man siya sa akin, at least I am on the good side of our friendship, regardless of his or her unfairness.

☺☺☺

I know that money is the root of all evil, but it is also the main source of our own problems. Nakakainis talaga kapag nagkakaproblema ka sa pera na hindi mo alam kung saan ka makakakuha at kung saan ka makakahagilap. Parang ngayon na lang, no signs of pay day, siguro sa susunod na linggo pa. Tapos yung kakarampot mo na suweldo, tatapyasan pa dahil sa utang. Tapos yung matitirang pera, kailangang tipirin. And of course, as of my everyday cycle, gagastos na naman sa pagkain and afterwards, uuwing luhaan dahil ubos na ang pera. I was really wishing na sana makapag-ipon ako at makagastos ng hindi masyadong malaki. We had a heart-to-heart talk with my friend at talaga namang ang dami kong nalaman tungkol sa pagtitipid. It was really a big blow when he said these words to me, "nagtrabaho ka pa kung hindi ka naman makakapag-ipon." Aray, gusto kong mahulog sa kinalalagyan ko. If only those words could kill, I was already dead! Lifestyle ang tamang sagot diyan. Kung ang lifestyle mo ay masyadong magastos, tiyak wala ka talagang maiipon, kahit 10% ng suweldo mo. Kumain ka na't lahat-lahat, dahil naisipan mong kumain ulit, kakain ka na naman. Ang tiyan naman ng tao may limitation naman. Ewan ko ba, I'm so tired of thinking what to do with my money. Gusto kong mag-ipon, saving for a gift that I am wanting to have. Dito ko na lang susubukan ang sarili ko if I handle the money properly! Kung kailangang maging kuripot, gagawin ko, ma-achieve ko lang ang dapat kong ma-achieve. Good thing, hindi uso sa isang ordinaryong tao ang tinatawag na "lifestyle check," or else, bagsak ako!

☺☺☺

Honestly, I really don't want to share this pero I can't help it...

Huwag na lang, baka pagtawanan pa ako ng iba...

Baka sabihin, masyado akong nag-aassume...

Assumera to be exact...

I'll just keep it for myself...

☺☺☺

Kung magkakaroon man ako ng iPad 2, mala-love ko ito dahil sa tatlong bagay (probably madagdagan pa ito kung magkakaroon man): Angry Birds, iBooks at FaceTime. Dati gusto ko WiFi na iPad 2 lang, pero mas mabilis ang internet kung naka-3G ka. Kapag 3G, puwede mong lagyan ng SIM card tapos magpapaload ka and everything's perfect, ang taray-taray mo na! As a teacher, I could use it as a learning tool. As a somebody, I could use for it nothing. Para saan nga ba ang iPad 2, walang pamporma lang, pandagdag ng abubot sa bahay. Kung baga, dahil mayroon sila Vice Ganda, dapat mayroon ka na rin. Parang ganito lang yan eh, bakit ako may Twitter. According to Mo Twister from his morning show Good Times, ang Twitter ay para lamang sa mga artista. News and information. Lahat, PANG-ARTISTA, period! Si Anne Curtis, may Twitter account, almost one million na ang followers niya, at ISA ako doon. Kapag tinitweet ko siya, para lang akong isang butil ng alikabok na hinding-hindi niya mapapansin. So what's the point of tweeting your friend. I could really say that Twitter is not for me, lalo na sa akin na napakadaldal. At ito pa, usong-uso sa Twitter ang NICE TALKING. Kaya nakakawala ng gana, para kang timang, magsasalita ka, everybody's busy. Ano kaya yun? Kaya hindi siya parte ng iPad 2 ko in the future!

☺☺☺

31st of August is my birthday and I think hindi konaman kailangang mag-celebrate with matching cake, friends, socialization and everything. Mas gusto ko pa siyang i-celebrate with God, by going to Mass. For the second time, I'll be doing a birthday pilgrimage, kung baga, version ko siya ng Visita Iglesia. Limang paborito kong simbahan dito sa Metro Manila ang pupuntahan ko. Nagawa ko na ito last year, pero hindi siya successful; naabutan kasi ako ng ulan, so I wasn't able to finish it. Matatapos na rin ang novena ko kay Our Mother of Perpetual Help at kay St. Jude Thaddeus. This coming week, pang-walo ko na at sana hindi matigil, just like what happened before. Kung kailang pang-walong novena ko na kay St. Jude, na-stranded ako, kasama ko mga kaibigan ko, sa SM City Manila. Kay Our Mother of Perpetual Help naman, kinailangan kong pumunta ng ospital for my Mom. So hindi ko na natapos. Ayaw kong maudlot ang lahat, I want everything to be finished! Sa birthday ko, simple lang. Ayaw ko ng may handa, kasi masyadong magastos. Bibili ng bagong damit, sapatos, why not? But to celebrate it with my family and my friends, that's for me is the simplest pero rock na celebration ng birthday ko!

☺☺☺

Ano bang namimiss mo? Yung iba, childhood days. Then yung iba, love of their life. Of course yung iba, family. Ako simple lang, mga kaibigang masyado ng busy sa lahat ng bagay. Hindi naman ako nagtatampo, kung baga, I'm just making pitik lang to you because you haven't talked to me for a very long time! Pero yung iba, kapag tinext mo, kung hindi matagal sumagot, hindi na talaga sasagot. Sa bagay, hindi lang naman ako ang kaibigan mo, marami pa kami. Uy, I'm not making parinig, pero sana lang... Nakakamiss kasi eh. Sayang ang pagpapaload ko ng P30, or ng P50 or minsan pa nga P100, tapos maga-UNLIALLTXT 25 pa ako for one day. Magtetest ako, walang reply, or kung mayroon man, tatlong oras bago ko ma-receive.

☺☺☺

Ayan lang po at maraming salamat sa pagbabasa!

Toodles!!!

No comments:

Post a Comment