Tuesday, January 24, 2012

All About Us

Unusual kind of blog post for this night...

Habang nakikinig ako ng isang napakagandang kanta ng aking favorite na indie band na He is We featuring Owl City entitled All About Us, I am thinking about the things I felt and said today. Kasama ko ang aking mga kaibigan, mayroon akong isang bagay na nai-share sa kanila na parang hindi na naman bago sa kanila. Baliw-baliwan yatang matatawag kung ano man ang naramdaman ko ngayon. May isang tao akong ayaw munang makita (sana) pero malabo. May isang bagay akong gusto ng mawala sa aking katawan pero bakit hanggang ngayon ayaw pa rin.

Sa totoo lang, ayaw kong mag-share dito sa blog ko dahil hindi naman ito parang diary na kailangan ko pang magsulat ng "Dear Diary," even "Dear Blogspot" dahil ang puchu-puchu naman noon. Hindi ko alam. May mga bagay talaga sa isang tao na ang hirap mawala lalo na kapag nakasanayan mo na. Wala akong problema, wala akong iniindang sakit, pero nalungkot lang ako ngayon nang hindi ko alam kung bakit. Last Sunday, nagkaroon ng Angel's Walk for Autism ang Autism Society Philippines and most of our teachers from our department came. Hindi ako dumalo because, admittedly, ayaw ko lang. Pero sinayang ko ang pagkakataon dahil base sa kuwento ng mga kasama ko, masaya raw. Bumawi naman ako kinabukasan (which is yesterday) dahil sinamahan ko ang aking student sa On-the-Spot Painting Contest, still by ASP. Nandoon na kami ng mga 8:00 am pero nagsimula ng 9:30 am dahil sa may inaantay pang mga pa-importante, este judges from I don't know. Ang nakakaloka pa, hindi namin alam na kailangan, mayroon ng mga materials like illustration board and coloring materials. Ang aking student, buti na lang may dalang coloring materials pero wala kaming illustration board. Kailangan ko pang lumabas ng mismong building ng DENR at kailangan ko pang maghanap ng tindahan, makabili lang ng 1/4 illustration board na kakailanganin ng aking student. Nagsimula na siya ng late, natapos siya ng mabilis dahil "he's already tired" na raw. Ayun, nanalo ang number 7 dahil nga naman napakaganda ng gawa niya. Kaso, number 6 kami, lumampas lang ng isang point! Sayang talaga!

Buong araw akong naghihintay ng mga texts coming from my friends pero wala. Lalo na galing sa kanya, pero wala. Nagtext ako ng quote, pero wala lang din. Nagtext ako ng kamusta, wala lang din. Ay ewan, wala talagang pag-asa. Sa bagay, bakit mo kailangang umasa sa isang bagay na alam mong hindi naman mangyayari iyun kailanman. Gusto kong iuntog na ang sarili ko dahil ang tagal-tagal na nito. Para akong may sakit na wala sa ngayon, pero sa mga darating na araw mayroon na naman, mararamdaman ko na naman ang sakit. Naku, tama na ang drama, nakakairita lang. Ugali ko naman kasi na kapag ayaw niya, eh di huwag. Pero iba ito, ewan ko lang kung bakit. Ayaw ko na gusto ko, parang adik lang diba.

Maaga akong pumasok, as in 7:03, pero mas maaga pa rin ang kasama ko sa classroom. Napag-usapan namin ang tungkol sa iPod kong binili sa kanya. Nawala ang mga applications na nakalagay doon, nasayang lang ang effort nilang magpa-upgrade. Sabi nga niya sa akin, ganoon nga raw talaga kapag first timer ka sa isang bagay. Nakakabobo talaga. Pinuno ko na lang ng mga kantang love na love ko. Nakaka-103 songs na ako and still counting; mayroon kasi akong listahan ng mga kantang ilalagay ko sa iPod ko at nasa less than 700 songs na ito. So I need 603 songs na ilalagay sa iPod. Sana mapakinggan ko siyang lahat. Ipinakita ko ito sa aking mga magulang na kahit second hand lang, at least nakabili na ako. Nainspire kasi ako sa aking best friend na bumili ng iPod na kahit second hand, ang importante may magamit siyang MP3 player na lagi niyang dala kapag bumabiyahe. Ako, inspired kaya iyan, nakabili ako. By the way, yang kausap ko na yan ay naobserbahan na ng aming principal at mukhang hindi naging maganda ang kanyang observation. Hindi umokay ang kanyang video, nakalimutan niyang magbigay ng lesson guide at kung ano pa, at higit sa lahat, na-mental block siya. Ang sabi ko sa kanya, "ano ka ba, hindi sa observation nasusukat ang pagiging isang mahusay na guro! Sa araw-araw mong pagharap sa mga bata, kailangan ibinibigay mo ang pinakamalakas na dating mo bilang guro, may observation man o wala!" As usual, ang sinabi sa akin, "ikaw na!"

Hindi kami magkasabay umuwi ng aking dude dahil may pupuntahan daw siya; may ipinabibigay pa naman siya sa aking best buddy pero need na niyang umalis. Nairita lang ako sa aking tinututoran dahil ang daming arte. Binibiro ko lamang pero lagi na lamang niyang sineseryoso ang mga bagay-bagay sa mundo. For example, sinabihan ko siyang takpan ang kanyang mga mata at mag-imagine siya sa mga sasabihin kong situation. Nung sinabi kong may nakita siyang ahas, nagsisisigaw at nag-iiiyak. Ayun, nairita lang ako much. At ito pang isa kong tinututoran, late na dumating. 4:00 ang usapan namin, dumating ng 4:15. Isang matangkad at in fairness, guwapong lalaki ang aking tutee na aminin na natin, hindi ganoong okay pagdating sa academics. Hirap na hirap akong turuan siya dahil hirap na hirap din siyang makaintindi. Medyo magulo pa, at may something pa sa kanyang katawan. Natapos kami ng parang wala lang, tinulungan ko siyang gumawa ng kanyang article: the news article, the summary and his reaction to the news article. And in fairness, ako ang gumawa, siya lang ang nagsulat. Effort ng tutor so dapat ako ang bigyan ng magandang grade.

Next week, observation ko na at hanggang sa mga oras na ito, wala pa rin akong magandang activity ang puwedeng ipagawa sa mga bata. Wala pa rin akong matinong lesson plan na handa kong ipakita sa aking principal. Hindi ko alam kung magiging maganda ba o pangit ang aking observation. Magsestay kaya siya sa akin ng 1 hour, 40 minutes, 30 minutes, 20 minutes o baka naman less than 10 minutes, tulad ng ginawa niya noon sa aking unang observation. Bahala na siya, ang importante, alam ko sa sarili ko na magaling akong magturo. Magaling na magaling akong magturo!

Napag-usapan namin ng aking mga kaibigan tungkol sa Chinese New Year. Sabi, suwerte ang Year of the Rabbit pagdating sa career, finances at sana talaga totoo, sa love. Pagdating sa health, kailangang mag-ingat at alam ko na ang dapat kong gawin. Naeexcite ako lalo na't maganda raw ang 2012 sa aming mga Year of the Rabbit. Sana nga totoo at hindi dahil nabasa ko siya kung hindi naramdaman kong suwerte ako ngayon. Love, hindi ko alam. Wala naman akong makita eh. Sabi, kusa raw itong darating pero malapit na ako sa finish line, ayaw ko naman na maiwan sa biyahe. Gusto ko na may makasama na, yun lang naman. Hindi naman sa nagsasawa ako sa mga kaibigan ko, pero isang tao lamang ang magpapatunay na importante ako  sa kanya at importante siya sa akin. Kung ikaw man yun, halika na rito't mag-usap na tayo (Tito Boy, ikaw ba yan?). Pero kung wala talaga, okay lang din. At least walang sakit sa ulo at sakit sa bulsa. May pros and cons talaga ang pag-ibig at dahil sa ugaling mayroon ako, pakiramdam ko hindi kami magtatagal, pero bahala na rin. Pagka-25 ko, hindi na ako magiging choosy at conservative. Pero bahala na rin!

Natapos ang gabi sa pagkairita ko na naman sa aming internet connection. Nakakainis lang, ang mahal-mahal ng binabayad ko tapos parang wala lang. Nagtitiyaga ako dito sa Smart BRO at ang mahal-mahal pa naman ng kanilang prepaid kit ng Broadband. Tumawag ang aking isang best friend upang ikuwento ang kanyang escapades sa Ilocos. Nakapunta na siya ng Vigan, Pagudpud at Bangui. Dito sa kaibigan kong ito, sobrang happy ako sa kanya sa layo ng kanyang narating. Mahusay na English teacher yan, walang duda!

Pumipikit na ang mga mata ko, matutulog na ako. Sana magising ng maaga bukas at sana okay na lahat. Huwag nang ganoon dahil hindi masaya!

Ika nga sa text ng aking dating tutee at estudyante: "You don't need a place for story, your life is your story, you decide if you want a happy ending of your own story." Well, I decided na maging MASAYA ang aking story. Please, gusto kong maging masaya, tama na ang negative, tama na ang pagiging "umaasa," dahil nakakastress at nakakabalukabak!

Toodles!!!

No comments:

Post a Comment