Arte lang, I just wanted to make some lovely poems courtesy of my emotions. Here they go:
SANAY - NAKASANAYAN - TAPOS WALA
Iba na talaga kapag sanay ka sa isang bagay
Lagi mo itong inaasahan sa lahat ng pagkakataon
Alam mo na lagi siyang nandiyan kapag mag-isa ka
Alam mong may aabutan ka kung ikaw ay uuwi na
Pero minsan ang isang bagay na sanay ka biglang wala
Malulungkot ka, mawawalan ng gana, walang saysay
Dahil alam mong ito lang tanging magbibigay-saya
Pero, ayun biglang nawalang parang bula na lamang
Hindi mo alam kung ano ang problema, ano ang dahilan
Kaya tuloy mag-iisip ka kung bakit nawala ang nakasanayan
Sa isang bagay man, at lalo na isang taong katulad niya
Na minsang minahal mo, na minsang hinagkan mo
At minsang pinangarap mo na maging sana ay sa iyo
Naaalala ang nakaraan na dapat na yata'y huwag balikan
Naiinis sa bawat araw na dumadaan na gusto mo ng tapusin
Pero matagal ang oras na kailangang hintayin
At kapag nakita mo siya, tiyak na magbabalik ulit ang lahat
Siya kasi ang dahilan ng iyong mga nakasanayan
Tapos wala, wala ka ng inaasahan sa kanya dahil natapos na
Wala ka na ring maabutang bagay na galing sa kanya
At wala ka na ring matatagpuan sa lugar na pinag-iwanan niyo
At bigla ka na lamang malulungkot at biglang tutulo ang luha
At bigla ka na lamang iiyak sa isang tabi, nag-iisip kung ano ba
Ang sakit, ang saklap, lalo't alam mong masaya na siya sa iba
Pero ikaw na iniwan ng sanay na sa iyo, naglulugmok
Ang nakasanayan mo, masaya sa piling ng iba
Tapos wala na, wala ka ng magagawa kung hindi
Maging masaya sa kanya...
THE OBSERVATION BLUES
Preparing all of the materials, checked!
Writing all of the visual aids, guaranteed!
Reading and reading the lesson, approved!
Getting ready for the observation, oh no!
Waiting for the person to sit in, scary!
Thinking of the things what to do, alright!
Not knowing what time will go through, yikes!
Getting ready for the observation, my gosh!
Sitting now and expecting something, geez!
Observing eyes are now prepared, can't breathe!
Starting teaching the kids with love, that's me!
Getting ready for the observation, let's begin!
Saying "it's all up to him!" be positive!
Still observing and I'm wondering, hmmm!
Running in his mind what is it, I want to know!
Getting ready for the observation, towards the end!
Telling me to see him tomorrow, here it is!
Fixing myself to get all of the notes, goodness!
Smiling and saying nice things to me, good or bad?
Getting ready for the next observation, why not!
"Poetry is the music of the soul, and, above all, of great and feeling souls." -- Voltaire
Toodles!!!
No comments:
Post a Comment