Naniniwala ba kayo sa Friday the 13th?
Kapag daw kasi pumapatak ang araw na ito, lahat ng tao ay medyo kinakabahan o hindi naman nag-iisip ng kung anong kamalasan ang pupuwedeng mangyari sa kanila dahil sa may pagkamalas ang numerong 13. May mga pagkakataong minamalas pagdating sa pag-ibig, pera, trabaho, karera at kung ano man pero talaga nga bang dapat pagtuunan ng pansin itong kababalaghan na ito na wala namang explanation ang Science at ang Simbahang Katoliko?
Hala! Gumaganoon ako, hehehe... It is my first time to have a blog post written in Filipino at alam ko na medyo hindi ganoong kaganda ang aking mga salita, so probably I should stick to using English and Filipino at the same time, puwede naman diba? Gumawa ako ng sarili kong "kamalasan" eklavu at ito ay ang Saturday the 14th.
WALA PA RING S*****O - Kahapon, may mga nakita na akong kapareho ko rin na nagtatrabaho na nakakuha na ng kanilang suweldo mula sa kanilang ATM card ng kanilang company. Siyempre, happy-happyhan ang lahat dahil may magagamit na silang pera pambili ng mga gusto nilang bilhin or makakapag-grocery na rin sila at lahat-lahat. Pero ako, kasama ng aking mga kaibiga't katrabaho sa aming alam niyo na... Siyempre, waley pa rin... Waley pa rin andaloo (hahaha). Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang maging huli ang lahat, sa suweldo man or kung ano pa man, bakit kailangan? Minsan dahil sa ganitong pagkakataon, naiisip ko ng umalis sa aming institusyon dahil sa paulit-ulit na lamang na pagkakataong ito. Pero ang sabi sa akin ng aking best buddy, bakit ba ako nagkakaganito na kung saan hindi na ba ako nasanay? Sa bagay, sa apat na taong pagse-stay ko sa aming institusyon ay hindi ko pa ba nakakasanayan ang mga ganitong bagay. May point siya, actually. Ayun, kailangan ko na namang maghintay hanggang bukas ng umaga para makakuha ng aming suweldo. Kung wala pa rin yan, bahala na sa Lunes.
DAHIL WALANG S*****O, WALANG GALA SA MOA - Naging panata na sa akin, kasama ang aking mga kaibigan na kapag pay day ay pupunta kami sa Mall of Asia para lamang mag-unwind at magsaya. Kakain sa isang masarap na restaurant or pupuwede ring manood ng sine or pupuwede ring mamili ng damit, basta bagong suweldo, masaya ka. Dahil nga sa hindi naming pagkakaroon ng anda, ayun pagkadating namin ay ang pag-alis din namin. Ayun na siguro ang isa sa pinaka-walang kuwentang punta namin sa Mall of Asia. Kaya ang isang aral na natutunan ko: Huwag pupunta ng MOA ng walang dalang anda!
UNANNOUNCED OBSERVATION - ng aming pinakamamahal na principal starting next week. Nakakatuwa dahil sa last week ng January to early February pa i-oobserve ang English. Nakakatuwa lang din dahil mahaba-haba pa ang time ko para makapag-prepare. Kung noong una ay announced meaning may pagkakataon kang paghusayan ang lahat, ngayon ay unannounced na, meaning bubulagain ka na lamang niya at siya'y mag-oobserve sa iyo. Sana sa tamang oras niya ako ng 8:00-9:00 am na kung saan nasa Group 2 ako (advisory class ko) or 12:00-1:00 pm at nasa Group 3 naman ako (consists of Grade 6 students). Sana maging okay ang lahat, dahil feeling ko ito ang tinatawag kong make or break dahil dito nakasalalay kung saan na ako next school year.
ALEPH IS LOVE, LOVE IS ALEPH - Hindi ko na tinapos ang binabasa kong libro na 1984 ni George Orwell. Oo maganda siya ngunit puros tungkol sa pagkakaroon ng giyera ng mga bagong bansang tinawag niyang Oceania, Eastasia at Eurasia. Maganda, pero hindi ko na kayang intindihin dahil excited na akong basahin ang pinakabagong libro ni Paulo Coelho, ang Aleph. Salamat sa aking co-teacher na si Ms. Roxanne (ako kasi ang kanyang ka-exchange gift sa Grade School Christmas Party), naibigay niya sa akin ang super love kong libro. Sa mga oras na ito (siyempre ongoing ang pagbabasa ko) nasa page 23 na ako at talagang uunti-untiin ko ito't ayaw kong tapusing basahin. As usual, may mga nakuha na akong quotable quotes na tanging si Paulo Coelho lang ang nakakagawa at siya namang kapupulutan mo ng aral.
"We human beings have enormous difficulty in focusing on the present; we're always thinking about what we did, about how we could have done it better, about the consequences of our actions, and about why we didn't act as we should have. Or else we think about the future, about what we're going to do tomorrow, what precautions we should take, what dangers await us around the next corner, how to avoid what we don't want and how to get what we have always dreamed of."
Tamang-tama at saktong-sakto ang pagkakabasa ko nito sa libro ni Paulo Coelho dahil ito ang gusto kong mangyari ngayon sa buhay ko. As much as possible sana, ayaw ko ng balikan ang mga nakaraan dahil part na siya ng nakaraan na hindi na dapat nililingon pang mulit. Ayaw ko na ring mag-isip kung ano ang pupuwedeng mangyari sa akin sa mga darating na panahon. Since, hindi pa naman siya mangyayari, bakit mo siya kailangang isipin at intindihin. Ang mas magandang isipin, intindihin at gawin ay kung ano ang sa ngayon. Focus on what is happening right now, what's in front of you right now, and who are you right now. Hindi naman siguro masamang lumingon sa nakaraan at tumingin sa hinaharap pero mas maganda pa rin kung ang iisipin mo ay ang ngayon.
"It isn't what you did in the past that will affect the present. It's what you do in the present that will redeem the past and thereby change the future." Sobrang sakto para sa lahat na ang tanging ginawa na lamang ay mag-isip ng mag-isip na kung anong gusto mangyari sa hinaharap at sa kung ano ang nangyari sa kanya sa nakaraan.
Basta, ayaw ko pa siyang tapusin (kahit alam kong kasisimula ko pa lang) at dadahan-dahanin ko siyang basahin. Sana makapunta ka dito sa Pilipinas at gagawin ko ang lahat makita lang kita ng personal!
MEMO-RY GAP - Sa pangalawang pagkakataon ay nakatanggap ako ng mahiwagang papel sa dahilang lagi akong nale-late pagpasok ng aming institusyon. Biglaan na lamang kasi nagbago ang lahat dito sa aming lugar: ANG HIRAP SUMAKAY! Kailangan ko pang pumunta ng San Pedro (mismong sa may palengke) para lamang makasakay ng FX. Mas ginugusto kong sumakay sa FX dahil mabilis at dumidiretso na mismo sa lugar na pagbababaan ko. Gagahulin nga lang ako sa oras pero mabilis at presko naman ang aking biyahe papasok sa aking pinagtatrabahuan. Mula August hanggang December of 2011 ay naka-accumulate ako ng 23 na tardiness. Nakakahiya man ngunit wala akong magagawa dahil kasalanan ko rin naman. Minsan, sa sobrang hirap hindian ng aking mga magulang ay paminsan-minsan akong sinusuyuan upang ihatid ang aking kapatid o kung minsan nama'y mamamalengke. Pero ang tingin kinaiinis ko lang ay ang laging hirap sa pagsakay ng FX man o jeep. Pangalawang pagkakataon dahil sa una ay medyo maselan ang issue at huwag na dapat balikan pa! Ngayon, pagkareceive ko ng aking memo ay parang wala na lamang sa akin ngunit malaki ang impact nito sa akin bilang isang professional. Katulad na rin ng aking kagustuhang bumalik sa regular school at makapagturo sa high school ay hindi ko na lamang alam kung pupuwede. Ang nakakatuwa lang, kailangan ko pa siyang ipa-laminate at kailangang nakikita ng madla (yata?). Ah basta, para sa akin okay lang yun at wala akong magagawa dahil yan ang nararapat para sa akin.
Malas man o hindi, ang importante sa akin bilang isang blogger ay basahin mo ang aking isinulat na post. Mahirap magsulat ngunit masaya kapag natapos mo na dahil alam mong (ewan ko na lang) may magbabasa para maaliw at malungkot sa mga nangyayari sa akin!
Maraming salamat sa iyong pagbabasa (sana talaga binabasa mo!)
Toodles!!!
No comments:
Post a Comment