Tuesday, January 31, 2012

Please... Another Annebisyosa Concert!!!

January 28, 2012 and that day, two biggest national issues had happened and there's only one woman who outshone it, Anne Curtis...
Sabi na nga ba eh, magiging noontime show ka rin!!! Sana forever na!!!
Around 10:30 am, excited akong manonood ng aking pinakamamahal na Showtime dahil matagal-tagal din akong hindi nakapanood (almost two weeks na!). Siyempre, I'll be seeing my love Anne Curtis making some statement about her upcoming concert at that night. Pero naging iba ang atmosphere ng Showtime. Normally, if they begin their show pinapakita muna si DJ MOD na nagsasalita at pinapakilala niya ang mga hosts, starting with Vhong, then Anne, then Billy, then Karylle, then Kuya Kim, then Jugs and Teddy and Vice Ganda. Pero at this episode, iba talaga. They were saying "thank you," for no reason at all. Tinanong ko ang parents ko kung napanood ba nila ang episode ng Showtime noong Friday, pero ang sabi nila hindi raw. Hindi ko maintindihan kung bakit sila ang magpapaalam samantalang alam na ng lahat na ang Happy Yipee Yehey ang mismong magpapaalam. Pero noon pa man, I know that's something is being cooked to serve the madlang people and making Showtime as the flagship noontime show (finally) ng Kapamilya Network. Ang daming performances, at noong patapos na ang show, nagulat na lamang ako na halos lahat ng host ay nagsisipag-iyakan na. Sinimulan ni Vhong, then ni Anne, then ni Vice Ganda, then ni Karylle, then ni Kuya Kim, then ni Jugs, then ni Teddy then ni Billy. Sobrang lungkot, as if it was their very last episode.

I truly imagined that after two years of making so much fun and so much laughter to us madlang people, bigla na lamang kami iiwan ng Showtime. In fairness, ang dami nilang pinauso which halos lahat talaga ay natutuwa. Face Dance, Eksaherada, Party! Party!, Unkabogable, Showtime Dance Craze (featuring Higher of The Saturdays), Puchu-Puchu, Different Ways to Use the Word of the Day, Waley na Joke, and all! Ayaw ko rin siyempre mawala ang mga kalandiang taglay ni Vice Ganda, ang love team nila Vhong and Anne, ang kakulitan ni Kuya Kim, ang kaastigan nila Jugs and Teddy, ang kasimplehan ni Karylle at ang kaguwapuhan ni Billy! I don't know for our lives, just in case Showtime will soon end their showmanship!

Suddenly, I saw already their teaser, in which they will be the noontime show of ABS CBN! Nakakaexcite because magiging masaya na ulit ang lahat ng madlang people! And imagine, itatapat na siya sa undisputed na Eat... Bulaga! Aminin na natin na mahirap maging "exclusive competitor" ang Eat Bulaga dahil matagal na ito sa ere, for almost 35 years at isang batang-batang show na Showtime ang ipapantapat dito. Parehas silang may sariling mga pakulo, na tiyak namang ikinatutuwa ng lahat, mapa-Dabarkads man o mapa-Madlang People. Kung ang Eat Bulaga, may Pinoy Henyo at Juan for All, All for Juan ang Showtime, siyempre may talent program at mga patutsada nilang mga hosts, na parang nasa bahay ka lang. Naranasan ko yan noong nanood ako mismo ng Showtime dated back September 20, 2011. Doon ko nakita na para akong nasa bahay lang, nakikita ko lang silang mga hosts na parang walang ginagawang trabaho; they're just having fun!

Kung puwede lang umabsent ng February 6 para mapanood ang Showtime in their newest timeslot na 12:00 impunto ng tanghali!

No other concert??? Puwedeng another concert!!!
Then at night, at exactly 8:00 in the evening, nagsimula ang isang panaginip ng isang nangangarap na makapag-perform sa Araneta Coliseum, at ito ang Annebisyosa, No Other Concert World Tour? Napag-usapan na namin ito ng aking pinakamamahal na kapatid na si Julie Girl na kung puwede sana makapanood kami. Late December pa lang, when we knew about it, I was really in an exclaimed feeling that yes, I will prove myself that I can get inside the Araneta and watch my love performing in front of almost a thousand people. Sinabi rin ng aking pinakamamahal na kapatid na gusto rin niyang manood (at least may makakasama na ako) dahil pareho naming super love si Anne Curtis. Pero things have turned out not good. She became a mother (mahirap nga namang iwan ang anak at uuwi ang nanay ng mga dis-oras ng gabi!) at walang kadatungan sa mga araw na nagdaan. Ayun, luhaan kami't hindi mapakaling makapanood lang ng concert ni Anne Curtis, though malayo kami sa mismong stage. Sayang!

Ipinagdarasal namin na sana may repeat ang concert niya! Alam naming naging super dooper mega successful ang kanyang concert so maybe it is okay for her to have a repeat. If she can't have it, I'll better request to have a copy of her concert on a DVD format. Puwede na rin yun mapanood ko lamang ang aking  love sa kanyang natatanging concert. At siyempre, kailangan ko na ring bumili ng aking sariling album niya na Annebisyosa, dahil hehehehe, wala pa ako noon!

Haaay Anne!!! I'm so happy and proud of you. With your so much confidence, everybody can even like you!

Toodles!!!

Another picture of my love...


No comments:

Post a Comment