Here are some of the nasty and out-of-this-world questions and answers that triggers me, in short, may maisulat lang ako ngayong Lunes...
Bakit laging nakahubad at sumasayaw ng pang-cultural dancer si Jun Sabayton, ang bida sa Hangal sa Luha at director ng Word of the Lourd ng TV5?
- Mainit sa Pilipinas at natural kapag naiinitan ang iyong katawan, there's a tendency na ang isang tunay na lalaki ay naghuhubad. Siguro naiinitan si Jun Sabayton kaya walang habas siyang maghuhubad at ipapakita niya ang kanyang "wonder belly." In fairness naman kay Jun, wala siyang kahihiyan pagdating sa hubaran ng damit. Pakitaan ng tiyan, keribels lang niya. In line with his cultural dancer status, magaling siya. Ayon sa kanyang mini-serye sa YouTube na "Hangal sa Luha," napakagaling kung gumiling nitong si Jun dahil siguro, considered as hobby niya or pupuwede ring weakness niya ito. Sa huli, maaaring isa niyang itong matatawag na "raw talent," na siya lamang ang mayroon sa ating lahat.
Bakit kapag biglaang namamatay ang ilaw, tumitingin tayo dito?
- Feeling ko lang nakuha natin ito sa panonood ng mga horror movies, classical man or computer-generated-imaged na. Minsan may halo pang "tsk," kapag namamatay o parang kumukurap-kurap ang ilaw. Siguro, psychologically speaking, talagang napapatingin tayo sa ilaw kapag namamatay-matay ito dahil nalilito tayo at hindi natin alam kung bakit nga ito biglang namamatay. Actually, hindi ko rin ma-gets or talagang nakasanayan na ng lahat na kapag nagloloko ang ilaw, napapatingin tayo sa kanya!
Bakit parang humirap ang Mathematics ngayon kaysa noong kapanahunan ko?
- In fairness, hindi naman ako nagmamayabang pero magaling ako sa Math noong nasa Grade School pa ako. Ngayon kasi, hinaluan na ng High School Math ang Math ng mga Grade School. Siguro ay may mga bagong technique sa Math na hindi naituro sa amin ng teacher namin. Or pupuwede ring pili lang ang mga topic na itinuro sa amin noong nasa Grade School pa ako. Pupuwede ring hindi kagandahan ang libro noon, kaysa ngayon. Or puwede ring mas maganda ang libro noon kaysa sa ngayon. The bottomline is, weakness kung weakness ko talaga ang Mathematics at ayaw ko talaga sa kanya. Wala naman akong phobia sa kanya; ang pinakaayaw ko lang ay yung mismong solving at understanding ng mga kung anik-anik na mga topic sa subject na iyan!
Bakit ako nakikinig ng True Love Conversations ni Papa Jack sa Love Radio 90.7, eh wala naman akong love life since then?
- Sinimulan ko kasi ito noong 2011 at ewan ko kung bakit. Hindi naman ako nakakarelate sa mga kuwentong pag-ibig noong mga tumatawag kay Papa Jack pero ang sarap lang pakinggan. Nakakaloka lang din si Papa Jack kaya siguro nakakatuwa lang talaga siyang pakinggan. Basta nakakatuwa, kailangan ko pa bang mag-explain?
Bakit super addict ang mga kids ko sa Angry Birds? Hindi na ba mawawala ang galit nila sa mga baboy?
- Ano nga bang mayroon diyang sa Angry Birds na yan? Cute siguro kasi ang mga ibon na yan na ang hilig mag-tumbling, tapos medyo violent sila kapag na-traject sila sa mga kahoy or salamin or sa mga concrete. After nilang masaktan, kunyari hilo-hilo ang mga ibon, biglang "poof!" Tuwang tuwa sila kapag nakaka-poof sila ng mga baboy na nakakatuwa lang din dahil may green na palang baboy. Eh siyempre, hit na hit sa mga anak ko yan dahil nakaka-addict ang mga ibon na yan. Kung pupuwede lang manguha ng isa, kaso nga lang "angry" nga sila. Hindi na nga ba mawawala ang galit nila sa mga baboy? For as long as ibabalik ng mga baboy ang mga kinuha nilang itlog. Akalain niyong mangungupit pala ang mga baboy na ito! At akalain niyong may bigote (moustache pig), helmet (soldier pig yata?), at may korona pa (queen pig yata or puwede ring king pig, pero may make-up so queen?).
Bakit mahilig tayong magsalita ng word na "actually?"
- Actually hindi ko rin alam. For English, ang "actually," ay isang adverb na ang ibig sabihin ay "in fact." Actually, nanggaling siya sa salitang "actual," na pupuwedeng may connection ito sa meaning nito na "fact," o puwede ring "real." Actually, pampadagdag din ito sa English powers ng mga tao eh. And actually, sa isang normal na taong laging nakikipag-usap na Inglisero, nakaka-fifty times tayo or even more kung makagamit tayo ng adverb na actually. Actually, hindi ko rin alam kung accurate ang data ko pagdating sa usage nitong word na ito, pero actually, wala akong pakielam!
Bakit ang hilig ng mga lalaking manguyakoy?
- Hindi ko alam ang English counterpart ng salitang kuyakoy. Sinasabi nila pampatanggal ng stress, sinasabi rin nila simpleng pag-aano. Siguro psychologically speaking, puwedeng pampatanggal nga ng kaba, o nervousness, or puwede ring kailangan mo ng extra movement dahil kailangan ng circulation ng blood sa buong katawan. Siyempre, hindi naman ako Science teacher na magtuturo ng mga body systems pero may stimuli o stimulus lang na nanggagaling sa utak natin at sinasabi niyang, "hoy! Manguyakoy ka, mahirap na!"
Hopefully I answered some of the questions! Funny as it may seems, I do care!
Next week ulit, ewan na lang kung sa Lunes ulit o sa Huwebes. Puwede ring sa Sabado!
Bakit inaantok na ako?
Kasi matutulog na ako, paano yun, matutulog muna bago antukin?
Toodles!!!
No comments:
Post a Comment