Saturday, February 11, 2012

Ten Things I Love About This Girl In Which Her Birthday Is February Tenth

Signature pose??? Why not!!!
Belated happy birthday kapatid!

Lagi ko siyang minemention dito sa blog ko bukod sa iba pang mga kaibigan at taong napakalapit sa buhay ko. Iniwan niya kami (of course not by means of kung ano man ang iniisip ninyo) last year because of a great need to herself and to her family, and also because he needs to jump over from teaching to another work. Hindi pupuwede kasi sa kanya ang salita ng salita, pero naku, kung alam niyo lang.

Sobra ka naming namimiss, especially the whole gang and your High School gang and your HSBC gang! Sana nga talaga makauwi ka na dito sa Pilipinas para happy na at party-party na rin! Anyways, this is my way of giving a present to you. In the tradition of bringing the lives, either private or public, of my good friends to the world through the Internet and the good vehicle is my blog, ay ito ang aking natatanging blogpost sa iyo na talagang I really know na magiging happy ka sa akin. Hindi ako magbibigay ng tribute sa iyo dahil sa tatlong dahilan: una, hindi ka pa naman patay para bigyan ng isang honor or tribute; pangalawa, hindi ka naman big star hindi tulad nina Anne Curtis at ang hate na hate mong si Kris Aquino; at pangatlo, dahil hindi ka dapat pinaparangalan, dapat kang minamahal ng lubusan. Terey diba! O siya, let's begin!

Here are the ten things I love about this girl, and tiyempong ang birthday pa niya ay February 10 (pero ang post ko na ito ay ngayong Sabado, February 11!)

Namimiss mo ba ang galaan ng Monday?
10 - NEW DEFINITION FOR THE WORD "KAPATID" - The very first day that we met was May of 2010, magkasama pa sila noon ni Rachela habang kumakain ng lunch. Then ako kasama ko si Andrew sa canteen. Hanggang we had a share of fun and laughter, napag-usapan namin ang tungkol sa mga buhay-buhay hanggang sa may sumama na sa aming iba like sila Sir Chris and si Juanito. Natatandaan ko pa na pinanood namin siyang mag-demo teaching, kasama ko pa noon si Andrew. Ang lesson niya, sobrang pambata, nouns! Siyempre kami ni Andrew feeling Grade School so recite kami ng recite. In fairness naman magaling siyang magturo knowing that he came from a different world, which was call center. While we were at the lobby ng aming institution, habang nagkukuwentuhan kami ay bigla na lamang niya kaming tinawag na "kapatid." No, we're not related at hindi kami galing sa iisang ama o ina. After she baptized us as being her "kapatid," nalaman na rin namin na siya siguro ang dahilan kung bakit kami nabuo at naging tunay na hindi lamang magkakaibigan, kung hindi, we're like really brothers and sisters. Since then na nabuo kami (at feeling talaga namin, hindi kami mga teachers), nagkaroon ng bagong kahulugan ang salitang "kapatid."

kapatid (noun) - turingan ng magkakaibigan na halos magkadugo, at wala ni isa man ang makakapaghiwalay. as coined by Marie Lyrize Agoncillo (2010).

At Starbucks Coffee Intramuros branch (so far the nicest branch!)
9 - STARBUCKS COFFEE MEETING OR BUKO SESSION - Siya ang pasimuno ng minsan naging puntahan namin at "expectation meeting" namin tuwing Friday night (or minsan pa nga Monday or Thursday, habang kalagitnaan ng "work week"). Nagsimula ito noong nagkayayaan Thursday night last 2010. It is between me, Lillyput, Rachel, Sir Phil and si Andrew. Bagong bukas lamang ang Starbucks Coffee malapit sa may PCJ sa loob ng BF Homes. Siyempre, dahil bago nag-try kami and in fairness naman, maganda ang ambience. Nagkaroon kami ng tinatawag na "buko session," again coined by her. Anything and everything under the sun napag-usapan namin iyun habang umiinom kami ng mga frappucino, cold coffee, Signature Hot Chocolate, hot coffee, green tea at kung anu-ano pa ng Starbucks. Since then, natuloy na kami hanggang sa halos lahat na sa amin ay nakasama na. Paminsan-minsan, may nakikita kaming mga students namin, pero siyempre hindi namin sila pinapansin dahil may sarili kaming "buko session." Marami pa kaming mga session na hinding-hindi ko makakalimutan na kasama siya tulad ng:

1. nagkuwento si Juanito tungkol sa kanyang nakaraan (kumpleto kami noon!),
2. kinailangan naming mag-Starbucks para lamang maglabas ng sama ng loob sa alam-niyo-na,
3. nagpapunta siya sa Starbucks para lamang humingi ng tulong tungkol sa Quest (na dati niyang hawak noong nasa amin pa siya),
4. shi-nare niya sa amin ang tungkol sa sakit niya sa kanyang vocal chords at kinailangan niyang magresign December of 2010 (pero good thing hindi natuloy!)
5. pagkatapos namin siyang i-surprise sa church nila noong 2011 at sinabi niya sa amin ang tungkol sa pag-alis niya (second attempt niya!)
Dito naganap ang tinatawag naming "Batukan" episode!
6. pagkatapos ng Campus Tour 2011 namin at pumunta kami sa Starbucks Coffee Intramuros na para sa amin noong time na yun ang pinakamagandang branch ng Starbucks sa Maynila (at nagkanda-ligaw-ligaw pa kami para lamang mahanap siya!)
7. unang buko session namin ng School Year 2011-2012 at wala na siya sa school (siya lang naman ang nagyaya courtesy of her car pa; nagsastart na siyang mag-drive noon)
8. pangalawang buko session namin na kung saan naganap ang "batukan" between her and our own Confucius, Theresa
9. sa second buko session pa rin namin noong kinukulit namin siya na tumaba siya lalo dahil naging official "BUM" siya noong mga panahon na iyun. Naka-black siya noon, pero ang neckline, puma-plunging na lang ng ganoon
10. huling buko session namin kasama siya (pero bago nangyari yun ay kumain muna kami sa Brooklyn Pizza; sort of Despedida na niya)

Marami pa kaming mga buko sessions or buko sessions lang niya na iba ang kasama niya or buko sessions na kami lang at hindi siya kasama. Sana kung makauwi ka man, makapunta tayo sa Starbucks sa may Pedro Gil na kung saan napakaganda ng view ng Manila Bay Sunset, tama Rachela? Hopefully soon and more chika, more fun!


Isip ka ng expression mo na puwede mong masabi diyan?
8 - NASA-SAD AKO AND OTHER EXCLUSIVE LYRIZE EXPRESSIONS - Whenever she's sad and lonely, or sometimes hindi niya nakukuha or naa-avail ang gusto niya, lagi niyang sinasabi ito: nasa-sad ako! Tawa kami ng tawa dahil talagang signature expression niya yun. Puwede naman niyang sabihing nalulungkot ako or I'm sad, pero kailangan talagang nasa-sad ako. Part na ng kanyang daily vocabulary or everyday interjection ang kanyang expression na yan; walang kapantay at walang katulad. Tanging siya lang ang nakapag-isip na masabi iyung linyang ito. Bukod pa diyan, marami pa siyang expressions na nasambit sa amin, na siya lamang ang naka-imbento na if possible, puwedeng mapasama sa mga dictionaries or thesaurus at mapagbigyan pa siya mismo ng mga grammarians and lexicographers.

nasa-sad ako - nalulungkot ako, hindi ako masaya
namatay ako - nagulat, nagulantang, nasorpresa
anobers - ano ba
tomo - tama, correct, right, approved
alam mo na - sikretong malupit or statement na ako at siya lang ang nakakaalam
nasestress ako - nahihirapan na ako, naiinis na ako
haaaaaay - buntong hininga
hingang malalim - relax
ganyanan na - magkalimutan na
keribels - okay lang
iskwa - pangmahirap na ugali, walang breeding na ugali, at ang pinakanakakaloka sa lahat
aaaaaaaaaaaaaaabbbbbbbbbbbbbbbbbbbccccccccccccccccccddddddddddddddeeeeeeeeeeeeeeeefffffffffffffffgggggggggggggghhhhhhhhhhhhhhiiiiiiiiiiiiiiiiijjjjjjjjjjjjjjjjkkkkkkkkkkkkkllllllllllllllmmmmmmmmmmmmnnnnnnnnnnnnnnooooooooooooppppppppppppppqqqqqqqqqqqrrrrrrrrrrrrrrrrssssssssssssstttttttttttttuuuuuuuuuuuuuuuuvvvvvvvvvvwwwwwwwwwwwwwwxxxxxxxxxxxxxxxxxyyyyyyyyyyyyyyyyyzzzzzzzzzzz - her own version of the English alphabet (uncut version!)

At iyan ang namimiss ko sa kanya, sa twice or thrice-a-week naming pag-uusap either sa Facebook chat or sa YM, hinding-hindi mawawala ang mga salitang iyan! More Lyrizesms soon!


Presenting the diva and Lougee Basabas
(este sister niyang si Lyanne!)
7 - MAY BOSES THEN WALA - May isang session kami noon na kung saan totally nawalan siya ng boses. As in nawalan siya ng boses. Dahil singer at TV host (hehehe), lagi niyang kailangang magpahinga at less intake muna ng mga bawal na food or drinks, most especially Starbucks Coffee products. Pero ang lola mo, masyadong makulit, hindi mapagsabihan, ayaw makinig, nawawalan lagi ng boses. Dahil pero rin kami ng talent pagdating sa pagiging "talk show host," read madaldal, hindi maiiwasang hindi siya mawalan ng boses. Umabot din sa point na kailangan niyang tumigil na sa pagtuturo because mapapasama pa ang kanyang vocal chords. Noon, may nakita sa kanyang nodules at kung hindi pa niya ito papansinin, puwedeng umabot sa pagiging tumor at baka maging cancer pa (kung kilala niyo si Chad Borja, famous for his song "Ikaw Lang," nagkaroon siya before ng cancer sa tonsils or sa vocal chords kaya rin siya natigil na kumanta). Before siya magturo sa aming institution, almost two years din siyang nag-work sa HSBC sa may Northgate Cyberzone sa Alabang, at doon din walang tigil din siya kung dumaldal sa kanyang mga co-workers and dear friends. Pero pagdating sa pagkanta, isa na yata siya sa may pinakamaganda at pinakamalamig na boses. Pinakinggan ko siyang kumanta one time sa kanilang church last 2011 at sobrang napakalamig at napakaganda. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na kumanta noong graduation party ng aming kapatid na si Sir Chris and of course, Julie. Basta, may time talaga na nawalan siya ng boses!


Her so-called High School Loves
6 - IKAW NA ANG MISS CONGENIALITY - Hindi ko alam kung ilan lang ako sa mga matatawag niyang "community." Why community. She doesn't have only friends thus she has COMMUNITY, meaning ang dami-dami niya kasing kaibigan. From his former school noong nasa Saudi pa sila (prior to this), noong nag-high school siya dito sa Pilipinas, which happens to be our institution, noong nag-college siya sa La Salle, noong nag-work siya sa HSBC, noong nag-work siya sa amin, mga churchmates niya, lahat na. I don't know kung ilan sila or ilan kami, basta siguro hindi bababa ng 500 friends. Kung baga sa Facebook, ang dami mong "likes," kung baga sa Twitter, ang dami mong "followers." If ever you'll join the Miss Universe, you'll surely get the Miss Congeniality award! Yun nga lang, hindi ka kasama sa Top 5, even Top 15, special award lang. But because you were chosen to become Miss Congeniality is you are so special to us (ako na ang sume-segue ng ganoon!)


Ganyan silang mag-pebots. Soon,
ganyan-ganyanan tayong tatlo!
5 - "KAPATID" CHATTING - Noong nandito pa siya sa Pilipinas lagi kaming magka-chikahan niyan over the phone. But before I call her, kailangan ko pa siyang i-text kasi ang lola mo, paminsan busy or kumakain, or umaalis ng bahay nila or may kausap na iba and all that. Tanda ko pa ang landline nila (siyempre, hindi ko puwedeng i-broadcast mahirap na!). Pero ang nakakaloka, hindi kami same ng network ng landline, PLDT kami, BayanTel sila (how cheap! Charot!). Nakakaloka lang din kasi siya lang ang kausap ko siya sa landline, inoorasan niya talaga kung nakakailang oras na kaming magkausap. Naloka raw siya noong una dahil umabot kami sa mahigit dalawang oras at puros walang kakuwenta-kuwenta naman ang aming pinag-uusapan. Bukod pa kay Andrew at kay Mark, siya lang din ang nakakausap ko noon sa phone. Kapag may problema, may kailangan akong itanong, or kung mayroon siyang problema, magte-text na yan sa akin at sabay magda-dial na sa aming telepono at usap galore na kami! Ngayon, since wala na nga siya dito (sa mundo, charot!) sa Pilipinas ay mabuti na lamang at may Facebook chat or Yahoo! Messenger and Skype (na hindi ko naman nagagamit!). Kapag feel ko siya kausap, suwertihan na kung naka-online ang lola mo sa Facebook. Or else, gumagamit kami ng Yahoo! Messenger at iba-buzz ko na lang siya doon! Sa Skype, I tried pero I failed. Mayroon dapat kaming Skype session last week pero hindi ko natuloy kasi naging busy ako sa pagbili ng mga anik-anik. Anyways, wala na rin naman siyang magagawa dahil wala siya dito (hehehe!)

Kaps, if you only knew how much I miss our own version of "call center!" Gume-graveyard shift tayo na talagang hanggang 12:30 ng umaga ang chikahan. Hindi ko rin makakalimutan ang bonggang-bonggang pagkanta ng kapatid mo ng "...kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang ang aking mahal..." at sinabihan mo siya ng "... alam mo yung may kausap ako!" Sobrang dami kong tawa noong gabi na yun! At yung paminsan-minsang "tawag ka ulit! Maghuhugas lang ako ng plato!" moments mo over the phone at sabay magte-text ka ng "tomorrow na lang tayo usap!" Ang saya mo lang! Chat-chat na lang tayo! At least walang ganoong kantahan at hugasan ng plato ang magaganap!


Gulantang ka siguro kung bakit ito. Natatandaan ko kasi yan ang
first uniform mo at sinabi mo yang katagang yan!
4 - ITA-**E KO 'TO NG BONGGANG-BONGGA! - Nang marinig ko sa iyo to, doon ko naisip na you're not the person whom I used to think of. Akala ko dati, since La Sallista ka, taga-BF Homes ka, middle class kayo (hehehe, hindi ko talaga sinabing upper class!) at graduate ka sa institution natin ay may pagka-sosyal ka. Ikaw na ang nanonood ng sine sa ATC, namimili sa Terranova, nag-Hong Kong kasama ang family, nag-aral sa Saudi for quite sometime, natuto mag-drive with A1 Driving, ikaw na ang sosyal. Pero noong narinig ko talaga ito sa iyo first day of classes noong School Year 2010-2011, ikinaloka ko yun ng bonggang-bongga! Yun yung time na pumunta tayo sa burol ng nasirang husband ni Teacher Carina at mukhang sumama ang tiyan mo at may kailangan kang ilabas. Hindi ka aware na malapit ka kay Teacher Carina at noong hindi mo na talaga kaya, nasabi mo itong mga linyang ito: "grabe guys, hindi ko na talaga kaya! Pagkauwing-pagkauwi ko, ita**e ko 'to ng bonggang-bongga!" unknowingly to you na nasa harapan mo lang si Teacher Carina (I don't know kung narinig niya iyun!). Maganda ka kapatid, walang talo doon, but after you said that, hmmm... Maganda si Lyrize, oo... Pero 'pag nagsalita...

Pero I'm so proud of you as the way you hosted our commencement exercises last year! Ang galing mo doon! Bumawi ka rin afterwards!


Krispy Kreme forever!!! Alam mo yan!!!
(Sana may ilalagay pa akong isang picture na yung
sa recent na "pangungulit" pero huwag na lang!!!)
3 - BATUKAN, PRANGKAHAN AND KRISPY KREME - Part 1 muna tayo, which is the Batukan episode. Mayroon kaming buko session noon sa Starbucks PCJ. Nag-uusap-usap kami tungkol sa pagiging ninang at ninong sa mga magiging anak ng aming mga kaibigan. That was the time na pasimula pa lang ang pregnancy ng aking mahal na kapatid na si Julie Girl. Noong nagkaroon na kami ng usapan tungkol sa mga inaanak, tiyempong natanong namin si Theresa na kung siya ba just in case na magkakaroon ng baby, kukunin kaming mga ninong at ninang. Siyempre, positive naman ang sagot ni Miss Confucius. That was also the time na paalis na si Lyrize sa aming institution. Noong medyo umiinit ang discussion pagdating sa pagiging godparent, nagkaroon ng matinding "batukan" sa pagitan nilang dalawa ni Theresa. Nagulat kaming lahat dahil ni isa sa amin wala pang nakakagawa ng ganoon. Nag-sorry naman siya, don't worry.

Part 2 is the Prangkahan episode. Hindi niyo lang alam kung gaano siya ka-straight forward pagdating sa mga opinion, advices at kung anu-ano pa. Kapag nagsalita siya at may nakita siyang ayaw, or worse naiirita siya, sasabihin niya kung ano yung nararamdaman niya. May instances nga na nagkaroon siya ng kaaway. I understand kung bakit siya nakapagsalita ng ganoon dahil makulit nga naman (of course, I don't want to write it here, mahirap na!). Naku, napakatapang niyan at siguradong walang lalaki (and even girls with a man's heart) ang magkakamaling saktan yan! Hay naku!

Part 3 is the Krispy Kreme episode. Siyempre yan ang "weakness" namin, lalo na ang original glazed doughnuts nila! Sayang lang kaps, hindi mo naabutan ang Festival Supermall branch nila. Baka this Wednesday, doon kami mag-try after ng recital namin! Masarap na masarap ang doughnut, alam mo yan! Lalo na noong na-try natin ang Krispy Kreme sa Bonifacio High Street, ikaw ang nag-drive at nag-park! Ang taray nakakarating ka na ng C5 at Taguig! Ikaw na talaga ang dakilang driver ng pamilya mo soon! Kung uuwi ka man, alam mo na kung saan ka didiretso, well after ng Starbucks, because nothing beats the sweetness of Krispy Kreme Original Glazed Doughnuts!


Kailangan ang shades, terno sa abaya! Mix matching ba???
2 - MUSHKILA KATIR, ABAYA AND JEDDAH SAUDI ARABIAH!!! - Nababasa ko 'tong Arabic word na 'to sa Facebook kapag nag-uusap silang dalawa ni Juanito. Hindi naman ako na-inform na mga Arabo pala 'tong mga kapatid kong ito! Anyways, childhood days until pre-teens at ngayong professional life niya ay kadikit na ng buhay niyang ang KSA or Kingdom of Saudi Arabia (I tried to ask her kung ano ang ibig sabihin noong nakasulat sa flag nila). May nakuwento siya before noong nasa Saudi pa siya at nag-aaral, keribels lang sa kanila ang tumambay sa ilalim ng "scorching" sun! Akalain mo yung nagpapa-tan ang lola mo habang nakasuot ng uniform! Together with her friends sa kanilang school sa Saudi, sige ang daldalan nila at talagang "they're talking and sharing anything and everything UNDER THE SUN!" May mga pictures din siyang naka-abaya. Yan yung sinusuot ng mga babae, any nationality, sa Saudi Arabia. Since masyadong conservative Muslims ang mga tao doon, kailangan nilang magsuot ng abaya for respect, privacy and decency. Mahirap nga naman, diba! Ngayon hindi ko alam kung saan siya exactly nakatira sa Saudi Arabia pero super happy siya dahil naging maganda naman ang life niya doon. Siya lang naman ang nagna-night swimming, nagwa-WiFi at namimili ng kung anu-ano sa mga shopping malls diyan. Siya na rin ang nakabili ng mga murang gadgets! Ikaw na ang tume-techie ate! Pero kami dito sa Pilipinas, bukod sa pasalubong ay mayroon pa kaming isang hinihiling sa iyo, na sana umuwi ka na at dito ka na lang sa atin. Call me selfish, pero mas magiging okay naman ang life mo dahil nandito ka. Malapit ka sa family mo, sa ENTIRE friends mo and all! Pero we're so happy dahil safe ka diyan, happy ka and of course, you still feel that you were loved by all of us!


You posted this on your Facebook dated November 21, 2011
1 - SHE LOVES GOD AND GOD LOVES HER SO MUCH!!! - I think you deserve as what we always say "God is love, love is God!" Kapag may problem ka sa family or sa friends mo, all you have to do is to call Him! If you want to say an appreciation with what you had or what you have right now, hindi mo Siya nakakalimutan! Nakita ko sa kanya kung paano niya dine-dedicate kay God ang kanyang buhay, despite of everything that she has right now! When I went to their church twice, yung commitment niya kay God, it is really immeasurable, it is beautifully acted and very worshipful! Sa kanya ko nakita na porket Christian siya at ako as a Catholic, kailangan kong sumanib sa kanila for a change. Inexplain niya sa akin kung ano ba dapat! At lagi niya akong pinapaalalahanan na nandiyan lagi si God na gagabay sa akin sa amin! Noong time na nagkaroon ako ng problema sa family, isa siya sa mga taong tinakbuhan ko at kinausap kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Kapag may problema pa ako sa isang tao, nandiyan din siya para makinig at magbigay ng advice or paminsan-minsang pang-ookray at pang-aalaska sa akin! But I know God is really a good, good God because He gave me an instrument to be feel blessed, feel inspired and feel loved in the person of You! Thank you so much for giving me, for giving us Marie Lyrize Agoncillo! Amen!

Oh ayan kaps! Ito ang sinasabi ko sa iyong surprise! Medyo funny sa simula and I don't want to end this post with a very sad tune. I want to make it simple yet truly memorable post na ginawa ko for you! Three words that I will consider as my gift to you:

SORRY sa paminsan-minsang pagkalimot ko sa iyo. There were times that you need me because you need someone to talk to. Nakakatuwa lang because you made me as one of your priority friends pero super sorry kung minsan hindi kita nakakausap dahil sa le***ng trabaho na yan (siyempre joke lang yun diba!). Minsan kung naiisipan kita ng masama, pasensya ka na dahil baka isipin mo, wala akong trust sa iyo. Pero nagkakamali ka dahil hinding-hindi mawawala ang pagtitiwalang ibinibigay ko sa iyo, which in return, ay ibinibigay mo rin sa akin! Sorry kung iniinis kita, at inaalaska rin kita. Ganoon lang talaga ako kung mag-lambing!

THANK YOU for being your brother, your sister, your mother, your father, your super best friend, your chatmate, your co-worker, your friend in Christ, your ka-chikahan over the phone, your kapalitan ng letter, your katabi sa mga pictures, and your ultimate fan! Ikaw na ang isa sa mga taong love na love ako the way I write and maraming salamat dahil natutuwa ka sa mga posts ko. Wala man akong followers ay hindi magiging close to 5,500 views ang blogsite ko, and I know sa bawat pagbabasa mo lalong dumadagdag isa man o dalawa ang views ko (hehehe!) Thank you for believing in me. Thank you for making my hopes more hopeful than not. And of course, thank you for choosing me as one of your friends whom you entrust your deep, darkest secrets (hehehe!). I'll cherish all of those and same as yours ha!

AND UMUWI KA NA! Sabi na nga ba walang mangyayari diyan sa iyo sa Saudi eh! Charot! Kahit for a vacation lang, two weeks ka lang or even more makasama ka lang namin, makausap ulit kita personally and mag-kape man ulit tayo sa Starbucks Coffee PCJ or sa Krispy Kreme sa may Festival. Gusto ko ulit kitang makasama if we're going to watch films, together with our friends. Nakakamiss ang "I Do!" at super benta sa atin ang mga linya ni Janus del Prado. Ang X-Men na hindi ko talaga bet, alam mo yan! Ang Bulong na takot na takot ka and at the same time, tawa ka ng tawa. Ang Ang Babae sa Septic Tank na buti na lang may extra money pa ako noon at nalibre kita! If you'll go home for a vacation, don't be too hesitant to tell me! Baka instead of your family, kami pa ang sumundo sa iyo!

With her anak, Hatchi!!! (alam kong namimiss mo na siya!)
How I wish I could receive a very tight hug from you after you read this because I assume there were tears in your eyes finishing this very long post. And this is the testament how much I miss you and I love you as my ultimate kapatid! Alam mo yan!

I-buzz mo lang ako sa YM or mag-biglang chat ka sa Facebook if naiyak ka talaga!

HAPPY BIRTHDAY MARIE LYRIZE CASTILLO AGONCILLO!!! IMY AND ILY!!!

P.S.: Last picture na promise, and this time tayong dalawa na hehehe!!!
Kasama nga lang si Miss A, pero this is our latest photo!!! Happy Birthday Kaps!!!
ALAM MO NA!!!
Toodles!!!

No comments:

Post a Comment