Sunday, May 22, 2011

Sampung Mga Dapat Kong Gawin Bago Magunaw Ang Mundo

Hahahaha!

Ganyan ang magandang simula sa aking blog post regarding sa sinasabing katapusan na ng mundo kahapon (May 21). May nakapagsabi na sa oras na ika-6 ng gabi, tiyak na katapusan na ng lahat ng sangkatauhan. Biglang iniba ang oras, sinabi ng iba na sa ika-2 ng madaling araw mangyayari ang paggunaw ng mundo. Dahil isang American pastor (?) ang nagsabi tungkol dito, ang oras ng paggunaw ng mundo ay ika-6 ng gabi, Pacific Time at ika-2 ng madaling araw, oras dito sa Pilipinas. Well, surprise! According to my computer clock, 10:29 na ng umaga! Nasaan ang sinasabing katapusan ng mundo.

Bago pa ako maging Lourd de Veyra ay gusto ko lamang i-share sa inyo ang mga bagay na gusto ko ng gawin bago man magunaw ang mundo. Though, puwede mauna pa ako sa totoong araw ng paggunaw, eh marahil maisip o magawa ko na ang mga dapat kong gawin bago man ito mangyari. Sounds spooky and eerie, but interesting though!

1. MAGKAROON NG BONDING MOMENT WITH ANNE CURTIS AND KRIS AQUINO - As for my former post here sa aking blog, sinabi kong fina-follow ko sa Twitter sina Anne Curtis (@annecurtissmith) and Mama Kris Aquino (@itsmekrisaquino). Pero kapag nagti-tweet ako sa kanila, as usual kung hindi walang reply, wala talagang reply. Bago man magunaw ang mundo at dahil sabay-sabay din naman kaming matetegi (bekimon word for mamamatay), sana man lang magkaroon ako ng bonding moment with them. Unahin ko munang makipag-bonding moment kay Anne dahil ang ganda-ganda niya talaga! Siya na talaga ang tunay na diyosa mula sa langit! Magsa-shopping kami, then kakain sa restaurant, then manonood ng sine or ng play sa CCP, then magbi-videoke, then magkakape sa Starbucks! Puwede rin kaming maging textmates! Pagkatapos, kinabukasan, kami naman ni Mama Kris ang magbobonding-moment. Mage-guest ako sa talk show niya, tapos kuwentuhan, hanggang sa wala ng audience, magla-lunch kami together, then manonood ng sine, then shopping, then we'll have some joyride, then ookrayin namin ang isa't-isa. Sana lang mangyari ang mga bagay na ito, bago man magunaw ang mundo.

2. MAKAPAG-AROUND THE WORLD - Lagi kong sinasabi na sana makapagtrabaho ako abroad. Kaya naman kasi ang iba, umaalis ng Pilipinas dahil may mga trabaho dito na hindi angkop o sapat para sa pamilya. Kung maganda nga lang ang buhay dito sa atin, why not chocnut! Instead of pushing yourself to work abroad to have a better life, sana option na lang siya! If that will happen, hay naku, maga-around the world ako in 80 days! Siyempre, uunahin ko ang shopping capital ng Asia, which is Hong Kong. Pupuntahan ko ang Hong Kong Disneyland at Ocean Park nila. Then punta ng China to visit the Great Wall, Bird's Nest, Forbidden City, at Shanghai! Then punta ako sa Singapore to visit Universal Studios and Marina Bay Sands. After Singapore, medyo ta-tumbling lang ako to Malaysia to visit the tallest twin towers, Petronas. Saka, try ko na rin yung Titiwangsa Park, yung park na pinag-shootingan nila John Lloyd and Bea from the movie Miss You Like Crazy. Then punta akong Japan, just to see their night life, based na rin sa kuwento ni Haruki Murakami! Then go ako sa Europe to visit France, especially the Eiffel Tower, Paris Disneyland and yung kanilang famous na cafĂ© in the streets! Then punta sa Spain to visit the Sagrada Familia in Barcelona or try na ring magtampisaw sa Ibiza. Then I'll go north sa U.K. to see the Buckingham Palace, and also to try the London Eye at gusto ko ring makita kung talaga bang London Bridge is falling down saka gusto ko na ring mapakinggan ang tunog ng kampana ng Parliament. Then I'll go to Mexico to visit the Basilica of Our Lady of Guadalupe. And lastly, I'll go to New York to watch Fashion Week dahil bonggels (bekimon word for magandang-maganda!) yun! Sana lang mangyari ang mga ito bago man magunaw ang mundo!

3. MA-TRY KUMAIN SA SPIRAL AT YAKIMIX - Hindi naman ako lalaki ng ganito kung hindi ko love ang hobby na eating. And when it comes to the best buffet dining, dalawang buffet-themed restaurants lang ang naiisip ko. Una ay ang Spiral sa may Sofitel. Medyo may kasosyalan pero sa tingin ko, sulit naman! International cuisine ang sine-serve ng Spiral from Asian to European to American to whatever! And the ambiance, hay ewan ko na lang. Another one is yung Yakimix sa may Macapagal, na mayroon din naman sa Mall of Asia. According to my dear T. Aiz, sobrang sulit ang P500 mo dahil ang daming masasarap na pagkain! Sa unang dinig, parang Japanese food lang ang sine-serve nila pero hindi lang yan, marami pang iba! Sana lang makakain ako diyan bago man magunaw ang mundo!

4. MAKA-SHARE ON STAGE SI VICE GANDA - Noong unang beses kong makapanood sa isang sitcom bar sa Malate way, way back 2007, sobrang nagalingan talaga ako sa mga stand-up comedians! Mapalalake man, o babae, or in between, kung humirit, ay talagang sasakit ang tiyan mo sa kakatawa! Feeling ko, since inborn na sa akin ang pagka-komedyante ko, parang puwede rin naman akong makipagsabayan sa kanila! Why not kung kaming dalawa ni Vice Ganda ang magharap on stage. Siyempre, hindi mawawalan ang laitan, sakitan, tawanan at higit sa lahat, landian! It will be an honor for me na makasama ko on stage si Vice Ganda, though sa totoong buhay, hindi ko gugustuhing maging isang stand-up comedian dahil sa napakahirap na trabaho yan! Pero kung may pagkakataon, bakit hindi? Sana lang ma-meet ko siya in person bago man magunaw ang mundo!

5. MAGKAROON NG HERMES BIRKIN BAG - Kung sakali man magunaw ang mundo, malamang hindi ko ito madadala, dahil siyempre wala siyang spirit. Dati sinabi ko sa sarili ko na balang araw magkakaroon ako ng Louis Vuitton bag, kahit isa lang! Pero after kong makita itong bag na ito, na akala ko sa babae lang, pero puwede rin naman pala sa lalaki, ay, eto na! Eto na talaga ang bag para sa akin. Pero ito na ang pinakamahal na bag na mahahawakan ng isang tao! Ang isang bag na ito ay nagkakahalaga ng P500,000 to P3,000,000! Bag lang yan ha, pero ang mga ginamit na leather at kung ano man, talagang mamahalin kaya deserve niya ang ganitong presyo. Ang kulay na bibilhin ko ay itim, pero masculine na masculine at ang balat, gawa sa ostrich leather, na medyo rare. Tapos, try kong pumunta ng Divisoria o ng Baclaran, ewan ko na lang kung buhay pa ang Hermes Birkin bag ko na ito! Sana mabili ko siya bago man magunaw ang mundo!

6. MAKAHAWAK NG ABS - Sounds intriguing, right? Kalalake kong tao, gusto kong humawak ng abs ng kapwa lalake! I know right! Ano bang masama kung humawak ako ng abs, hahawak lang naman, wala naman masama doon. Hindi ko lang din maintindihan kung bakit ang ibang lalake, gusto nilang magkaroon ng mga pandesal sa kanilang tiyan. Maganda nga namang tingnan sa lalake ang may ganoon sa kanilang katawan. Kung makakahawak lang ako ng abs ng isang lalake, gusto ko ay yung kay Piolo Pascual (I wander kung anong feeling ni KC Concepcion kapag nahahawakan niya ito), David Beckham (siguro kinikilig si Victoria Beckham), Jake Cuenca (love na love siguro ni Melissa Ricks ang pandesal ni Jake!), Usher (habang kumakanta ako ng Nice and Slow) at ng Kazaky (ang gaganda ng katawan lalakeng-lalake, pero kung gumiling, ay wala!) Sana (wahahaha) magawa ko ito bago man magunaw ang mundo!

7. MAKAPAGSULAT SA ISANG MAGAZINE NG SUMMIT MEDIA - Parte na ng aking buhay ang magbasa ng magazine ng kahit anong klase, mapa-entertainment man, or fashion, or cooking, or kung ano man. Wala akong masasabing full background when it comes to writing formally, pero para saan pa iyon, kung ang gagamitin mo ay ang iyong puso at damdamin. Bakit Summit Media? Aminin na natin, when it comes to Philippine magazine publishing, its got to be Summit Media! Tatlong magazine lang ang gusto kong pagsulatan sa kanila, YES! dahil gusto kong makapagsulat ng isang investigative report tungkol sa isang artista na mala-Jo-ann Maglipon! Preview dahil hindi lang about fashion, gusto ko ring magkaroon ng ideas on what's hot and what's not sa fashion industry, and siyempre, gusto ko rin ng mga freebies at damit! And lastly, Town & Country dahil gusto kong pasukin ang buhay ng mga taong kasapi ng Alta Sociedad! Sila na ang sosyal! Though gugustuhin ko ring makapagsulat sa iba pang magazine like Rogue, Garage, Metro and of course, The Kris Aquino Magazine! Pero I still prefer to work sa Summit Media, na noon pa lang, pinangarap kong pasukan pero mas nanaig ang pagiging educator! May ganoon? Sana lang ma-publish ang aking work bago man magunaw ang mundo!

8. MAKAPAG-INSPIRE NG MGA KABATAAN - Teacher ako at paminsan-minsan talaga, ang mga teachers ang kauna-unahang nagiging inspiration ng mga kabataan. Sa case ko, hindi ko alam. Hangga't sa makakaya kong maging mahusay na teacher, gagawin ko! Inspiration in a sense na, kung ano man ang ginagawa ko, nagagawa rin nila. Kung ano man ang gusto kong mangyari para sa kanila, ginagawa nila! At higit sa lahat, kung ano ang tama, nandoon sila, kaya sila inspirado sa kung ano mang career ang tatahakin nila in the future. Kung may pagkakataon man bago magunaw ang mundo, sana man lang makilala ako bilang isang Outstanding Teacher, why not naman diba! Pero kung gugustuhin ko talaga, simulan ko na ang pagbabago sa buhay ko. Bago man matapos ang lahat, gusto ko ng umayos pagdating sa trabaho, kapag trabaho, trabaho talaga hindi lang yung tipong pagbandying-bandying lang! Gusto ko maging okay ang lahat! At dahil diyan, nakaka-inspire ako ng mga kabataan dahil sa magandang halimbawang ipinapakita ko. Simple man ang simula, pero sa huli gaganda! Sana talaga makapag-inspire ako ng sinuman bago magunaw ang mundo!

9. MAKUHANAN NG PICTURE NG MGA MAGAGALING NA PHOTOGRAPHERS - Pinangarap ko talagang magkaroon ng billboard sa EDSA or kahit yung sa mga electronic billboards anywhere in the metro or maging cover na isang magazine! Kapag nakikita ko ang mga artistang mala-model kung mag-project, napapa-inspire ako! Gusto kong magkaroon ng photoshoot with the greatest photographers like Nigel Barker ng America's Next Top Model, o kaya si Annie Leibovitz na siyang kumukuha sa mga covers ng Vanity Fair. Locally, sana magkaroon ako ng photoshoot with the master lensman Jun de Leon na siyang kumukuha sa mga Christmas portraits nila Mama Kris Aquino and Sharon Cuneta, Xander Angeles na nagsimulang maging photographer through FHM (tama ba?) and of course, Mark Nicdao, na siyang kumukuha sa mga litrato nila Anne Curtis, Bea Alonzo, Angel Locsin, Georgina Wilson, KC Concepcion at kung sino-sino pa! Kapag ako kinuhanan, ayoko ng may mga kung anu-ano pang kaek-ekan. Ang gusto yung nakapambahay lang ako, pero maganda ang pagkaka-Adobe Photoshop like gagawing grayscale, tapos gagawing fierce yung mata ko at kung ano pa! Gusto ko rin yung effect na may hangin na ang gamit ay blower or electric fan, para maganda ang effect. Bahala na, baka naman magmukha akong Bebe Gandanghari! Sana makuhanan na ako ng picture bago man magunaw ang mundo!

10. MAGKAROON NA NG LOVE LIFE, SPECIAL SOMEONE AT JOWA - Dalawampu't tatlong taong gulang na ako at hanggang ngayon, no-love life-since-birth pa rin ang drama ko. Mabuti pa ang iba na nagkaroon na ng tinatawag na "pag-ibig," ngunit ako ay wala pa ni isa. Minsan naiisip ko na, baka nga talagang itinadhana na sa akin na maging single forever and ever and ever! Pero hindi rin natin masasabi yan! Noon, itinanong ko sa kaibigan ko kung sino sa aming tatlong lalake sa barkada ang maituturing na "boyfriend material," at ang sinabi nila ay ako! Aba, why not? Kung ako man magmamahal, sisiguraduhin kong ang bawat oras na magkasama kami ay siguradong punum-puno ng katatawanan, pagkain at higit sa lahat pagmamahalan. Hindi kami magtatakda ng tinatawag na "anniversary" dahil sa loob ng isang taon, magiging apat na beses kaming magbibigayan ng regalo (hahaha) katulad ng sa mga birthdays namin and of course, Christmas. Kung sakali mang magkahiwalay kami, wala na kaming aatupagin o aalalahaning date kung kailan kami officially naging kami; walang bitter sa sistema. Kapag kakain kami sa restaurant, as much as possible hindi kami magkatabi at puwedeng hindi rin kami magkatapat. Uupo kami sa mesang may apat na upuan at naka-diagonal kami. Tapos wala na kaming gagawin, bukod sa kumain ay magtawanan ng magtawanan at pag-usapan kung sino ang mga taong nakikita namin. Habang naglalakad, siyempre, hindi mawawala ang HHWW o holding hands while walking. Mahigpit kong ipagbabawal ang PDA o public display of affection dahil nakakadiri. Dahil hindi pa kami mag-asawa, hanggang halik lang sa pisngi o sa noo ang gagawin ko, sign of respect sa taong minamahal mo. Kapag magse-send ng text message, laging may "love you," o "love you po" ang mga messages. Kung makalimutan man, siyempre magagalit ang isa sa amin. Gusto kong maisip ng bawat tao sa amin, kaibigan man namin o kung sino man diyan, na talagang we're such a perfect couple, tipong mala Kate and William or Angelina and Brad or kahit Toni and Direk Paul ang drama. Mas mabuti pang itago sa lahat kung ano man ang mayroon sa aming dalawa, pero ipapangako ko na siya lang ang taong mahal ko. Ipapangalandakan ko sa buong mundo na siya ang minamahal ko! At ito ang gusto kong nangyayari sa amin, sa loob ng isang buwan ay mayroon kaming tinatawag na "single moment" na kung saan isang buong araw kaming hindi mag-uusap o magte-text o magkikita. Gusto naming ialay ang isang araw na yun para sa aming pamilya o kaibigan. Pagtuntong ng 12:00:00, tatawag ako sa kanya or tatawag siya sa akin at sabay sabing "I love you, kamusta buong araw mo? Namiss kita, I love you!" At after noon, tawa na naman kami ng tawa. Hay, ang kaso walang may gustong magkamali sa akin. Hindi naman ako pagkakamali na tinubuan ng katawan at ulo. Siguro talagang inihahanda pa Niya kung sino ang para sa akin. Minsan nga naramdaman ko din na nandiyan na siya, hinahanap na lang niya ako! Sana bago matapos ang lahat, maranasan ko namang umibig at ibigin. Naks! Sana magka-love life na ako bago man magunaw ang mundo!

Sobrang haba no! Yan ang gusto kong gawin bago man ako lumisan sa mundong ito. Pero hindi pa naman mahuhuli ang lahat dahil naniniwala akong milyon o bilyong taon pa ang aabutin bago matapos ang lahat! Ikaw, anong sampung mga dapat mong gawin ang gusto mo ng gawin bago magunaw ang mundo???

Toodles!!! (Ang haba talaga!)

No comments:

Post a Comment