Tuesday, May 31, 2011

...puut

Ang kanyang huling araw sa aming tahanan...

Inside Starbucks Intramuros (the best branch!)
Masakit kasi kulang ang isang taon na pagsasama naming dalawa bilang magkaibigan, or should I say, magkapatid! Unang araw pa lang ng pagkikita namin, that was May of 2010, kasama niya pa ang kanyang "pebs," doon kami unang nagkuwentuhan. Aba, gumagamit pa ng "po" at "opo" dahil siyempre, seasoned teachers lang naman ang mga kausap niya. Sa pagkakatanda ko, hinablot lang siya ng "pebs" niya na sa amin siya mag-work at in fairness, nakapasok naman siya!

Pagkatapos ng lahat, ayan na, nagsimula na kaming maging friends! Tanda ko pa noong nakita niya ang mga magazines ng Mama Kris ko, sabay sabi niyang, "ay, hate ko yang si Kris!" Naramdaman ko ang bigat sa dibdib noong sinabi niya yun, dahil love ko nga ang Mama Kris ng bongga! Nag-apologize naman siya thereafter kasi nga naman, hindi niya alam. Hanggang sa in-add ko na siya sa facebook (hindi pa kami addict sa twitter!), hanggang sa nalaman kong may boyfriend siya, and then galing siyang La Salle at nagtrabaho siya sa call center for quite sometime. Ang unang bati niya sa amin, "kamusta kayo mga kapatid!" Hanggang sa naging maging magkapatid na kami!

Pero isang masamang pangyayari ang talagang ikinagulat at ikinalungkot namin lahat. That was November of 2010 ng bigla niyang sabihin sa amin na aalis na siya at babalik ng Jeddah. Health reasons kaya kailangan niyang umalis. Pagkasabi niya noon, sobra akong nalungkot at talagang napaiyak ako dahil parang kailan lang nagsimula ang aming pagkakaibigan, ay kailangan niya pang umalis. Nagpunta ako ng Baclaran at ipinagtirik ko pa siya ng kandila, para lang hindi matuloy ang balak niya. Hindi ko siya muna tinanong dahil baka masaktan lang ako sa sasabihin niya. Pero, good news, hindi na siya matutuloy.

Habang kumakanta, umi-ismile ng ganoon!!!
Hanggang sa heto na naman, naglitanya na naman siya na kailangan na niya talagang tumigil dahil sinabi na ng mga doctors niya. Hindi namin alam kung bakit naman sa lahat ng puwedeng magkasakit, siya pa ang nagkaroon ng ganoon! Pero, ako naniniwala akong mawawala siya ng tuluyan! Isinama ko talaga siya sa mga prayers ko na sana gumaling!

Isang araw, bigla siyang nag-text at according to her, nawala raw bigla ang mga "nodules" niya sa kanyang lalamunan! Ibig sabihin noon, pupuwede na talaga siya sa ganoong klaseng trabaho. Laking tuwa namin lahat dahil mabubuo muli kaming circle of friends! Pinagsabihan na namin siya na huwag na munang mag-ganito at mag-ganyan dahil mahirap na! Pero, minsan nagiging pasaway siya. Hanggang sa isang araw, mayroon na siyang bonggang ipinagtapat sa amin.

Ito na marahil ang pinakamasaklap sa lahat, ang totohanin niya ang kanyang kagustuhang mang-iwan, este umalis. Sobrang sakit, pero kailangan niya talaga. Siyempre, bakit namin iisipin ang samahan kung ang magiging sacrifice for her ay ang kanyang kalusugan. Kailangan niya talagang itigil dahil kung hindi, totally siyang mawawalan ng boses. Maganda pa naman ang boses niya, sayang. Malungkot sobra dahil mawawala na ang "cute" kong friend! Sayang dahil pakiramdam namin talaga, parang kaming magkapatid, "sisters" nga daw from different mothers! Hehehehe...

I know that our friendship will not only be within the four corners of our institution, and I truly believe kahit parang magiging paminsan-minsan na lang, still our friendship will last long. Ewan ko ba kung bakit ang dami-daming taong gusto tayong pabagsakin, wala naman tayong ginagawang mali, right? Pero wala akong pakialam sa kanila, ang importante ay nagmamahalan tayong lahat bilang magkakapatid at magkakaibigan! Soon, maiiwan din namin ang pinakamamahal nating you know, and alam namin na kahit wala na tayong lahat doon, still magkikita at magkikita pa rin tayo sa huli! Mamimiss talaga kita kapatid!!! Ang aking si Lillyput!!! Naku, kung ano lang talaga! Chos!!!

I will miss you but only for now, see you at Caracas!!!

At McDonalds Festival with Prof and Juanito
Toodles, kaps!!!

1 comment:

  1. gusto kong umiyak. can i cry? :(( mamimiss din kita kaps. alam mo naman na mahal kita diba? magkapatid tayo and hindi matatapos dito ang ating pagkakaibigan. i will reallllllllllly miss you. im like crying na. :((

    ReplyDelete