BOY: Miss, puwede magtanong? Anong oras na?
GIRL: Nagtatanong ka ng oras? Tapos tatanungin mo name ko? Tapos hihingin mo number ko? Tapos liligawan mo ako? Tapos after one month, pacharming akong sasagutin kita... Tapos bibisita ka sa bahay... Tapos magde-date tayo... Tapos siyempre, pakipot naman ako... Tapos dadalhin mo ako kahit saan lang... Tapos may mangyayari sa atin... Tapos mabubuntis ako...Tapos papakasal tayo... Tapos bubugbugin mo lang ako! At paano na ang bata? Hindi! Hindi ko sasabihin kung anong oras na!
BOY: (speechless)
Anak, umuwi ng bahay, galit!
ANAK: Nay, pinapatawag kayo sa school!
NANAY: Bakit? May ginawa ka na namang katarantaduhan?
ANAK: Ako ba? Baka ikaw, ikaw nga pinapatawag diba?
TATAY: Mula ngayon, walang magsasalita ng Ingles... Ang sinumang magpadugo ng ilong ko at sa nanay ninyo, palalayasin sa pamamahay na ito! Klaro ba?
ANAK: Ang mga namutawi sa inyong mga labi ay mataman ko pong iiimbak sa sulok ng aking balintataw, sa kaibuturan ng aking puso, gugunam-gunamin, aariing salik ng aba at payak kong kabatiran... Tatalikdan ang matatayog at palalong banyagang wika, manapay kakalingian, bibigkasin at sakdal timyas na sasambitin ng aking sangkalooban...
TATAY: (tulala, mas dumugo ilong)Sa party, nilapitan ng isang gwapong lalaki ang isang babaeng nakaupo sa isang tabi...
LALAKI: Sasayaw ka ba?
(tuwang tuwa ang babae at tumayo)
BABAE: Oo, sasayaw ako!
LALAKI: Hay salamat! Paupo ako ha!
NOEL: Ipapangalan ko sa aking anak, "LEON," baligtad ng NOEL.
NINO: Sa akin, "ONIN," baligtad ng NINO.
TOTO: Huwag niyo akong maisali-sali diyan sa usapan niyo!
AMA: Bakit ka umiiyak?
ANAK: Pumasa po ako sa test... Huhuhu!!!
AMA: Aba, magaling! Anong subject yun, anak?
ANAK: Pregnancy test po, Itay!
Isang bata, nagpasa ng blank paper sa art teacher...
TEACHER: Bakit blank ang work mo?
BATA: Nag-drawing po ako ng baka at damo.
TEACHER: (tiningnan ang papel) Saan ang damo?
BATA: Ubos na po! Kinain ng baka.
TEACHER: (nagkamot ng ulo) Eh nasaan yung baka?
BATA: Ano pa gagawin ng baka diyan eh wala ng damo? Siyempre, umalis na! Common sense naman, ma'am!
(five months later)
FRIEND: Galing mong magkarate ah! Tinatawag ka pa rin ba nilang kuba?
KUBA: Hindi na! Ninja turtle na!
BERTO: Kamusta assignment?
RICARDO: Masama, wala akong nasagutan. Blank paper pinasa ko!
BERTO: Naku ako rin! Paano yan , iisipin ni Ma'am nagkopyahan tayo!
Kapag pinipilit ka ng parents mo na umamin sa kasalanan mo, ito ang dapat mong sabihin,
"No person shall be compelled to be a witness against himself."
-PHILIPPINE C0NSTITUTI0N-
Article III,
Section 17. Right Against Self- Incriminati0n
Safe ka na, nosebleed pa sila,
PARE 1: Pare, parang malalim iniisip mo?
PARE 2: Nanaginip ako kagabi, kasama ko 50 contestants ng Miss Universe
PARE 1: Suwerte mo! Ano problema mo?
PARE 2: Pare, ako ang nanalo!
Girl nangungulangot sa jeep...
LOLA: Anong kinukuha mo, ineng?
GIRL: Nursing po...
LOLA: Ah.. Akala ko kulangot...
BUMIBILI: (pasigaw) Pabili pong SAFEGUARD!!!
TINDERA: (galit na sumigaw) Huwag kang sumigaw jan!!! Hindi ako bingi!! Anong SIMCARD? Globe o Smart?
BOY: Sir apply akong sundalo!!
OFFICER: Hindi puwede!! Ang dami mong sirang ngipin, bungi-bungi ka pa!!!
BOY: Bakit sir? Ang giyera ba ngayon, kagatan na?
INA: Anak, matalino ka daw sa Math sabi ng titser mo?
ANAK: Opo!
INA: Sige, kunwari binigyan kita ng 5 apples and 3 grapes, ano ang sagot mo?
ANAK: Thank you po!!!
Isang probinsiyano, nag-rent ng room sa hotel
PROBINSIYANO: Alam ko probinsiyano lang ako kaya huwag mo akong lokohin! Bakit ganito room ko? Maliit! Walang kama at bintana! Ang mahal-mahal ng binayad ko tapos ganito lang?
ROOMBOY: Sir! Nasa elevator pa lang tayo! Huwag kang excited!
More jokes coming soon here in my brouhahas!!!
Toodles!!! ☺
No comments:
Post a Comment