I followed Rolando Tolentino on Twitter, and I have no idea who he is. It just so happened that when I started reading his tweets, it's all worth it. He followed 187 people and unluckily, I'm not part of it. I want to share some of his tweets, which reminds me of becoming a child again having crushes and/or falling in love at the same time (so high school) and about life as well!
(By the way, his tweets are in Filipino)
TWEETS ABOUT LOVE
- Ang pag-ibig ay parang pagtaya sa lotto, regular na nagbabakasakali, bigtime ang panalo, pero parating talo pero tataya pa rin.
- Ang idea ng pag-ibig, walang kasarian, walang limitasyon kung ito ay may lawit o hiwa. Umiibig dapat ng walang hangganan.
- Mag-iingat kung ang pangunahing atraksyon para "umibig" ay pisikalidad. Mas mahirap itong makamit, at kung makamit man, paratihang kulang.
- Talunan ang pag-ibig kung mas mabigat ang timbang sa idea ng "perfection" at pagbabakasakali nito kaysa sa aktwal na dinanas. Huwag umasa.
- Sa aktwal, magaan ang pag-ibig. Bumibigat lamang ito kapag lampas sa aktwal ang inaasahan. Huwag umasang muli't muli.
- Ang pag-ibig, parang pagdedesisyon sa Board of Regents meeting, kung gusto may paraan; kung ayaw may dahilan.
- Kapag itinatanong kung uulan ba, umaasang huwag mangyari at sana ay mangyari na nga. Tulad din ng pag-ibig.
- Ang pag-ibig ay paghuhubad sa publiko. Nalalaman ng iba ang lahat ng sulok ng katawan at disposisyon, pati ng hindi dapat.
- Ang hindi siguradong pag-ibig, parang pabago-bagong panahon sa isang araw. Hindi mo alam ang susuotin, dadalhin, aasahan at kahihinatnan.
- Kung patay na ang pag-ibig, pagluksaan at mabilisang ilibing. Mamamaho at mabubulok kapag matagal ang paglalamay.
- Kailangang may "effort" ihayag ang pag-ibig. Hindi ito ipis na may gulat ang paglabas o gagamba na paratihan lang nasa kisame.
- Hindi naman talaga masaya ang nakalipas kaya gustong balikan. Hindi lang masaya ang kasalukuyan kaya naghahanap.
- Ang pag-ibig ay pagpili ng bato. Puwedeng magaan, mabigat, madulas o magaspang. Darating ang panahon, lahat ng pinili, ipupukpok sa sarili.
- Kung walang pag-ibig sa ganitong walang pagtila ng ulan, huwag sumama ang loob. Walang pressure na sumugod sa ulan para makasama ang mahal.
- Mag-ingat sa mga taong "forever" ang tingin sa bawat pag-ibig. "Forever" din ang tingin sa kasawian pero iibig pa rin na hindi nauuntog.
- Huwag mangolekta ng pag-ibig. Katambal ito ng pangongoleka ng kasawian.
- Ang pag-ibig ay sa sandali lamang. Walang garantiya na ang sandali ay mahaba o saglit.
- Kung gustong umiyak dahil sa pagkasawi, gawin itong mag-isa, sa labas habang umuulan. Walang dapat nakakaalam na umiiyak ka kung hindi ikaw lang.
TWEETS ABOUT LIFE
- Alam mong malungkot ka kung kahit may kasama at kausap ka, pakiramdam mo ay mag-isa ka pa rin.
- Kapag mainit ang ulo, huwag nang kumibo, huwag nang umimik pero huwag ding magpatawag-pansin.
- Ang lungkot, saya, sawi, pait ay sahog sa halo halo. Asahan na iba't iba at napapanahon. Hindi masarap ang halo halo kung isa lang ang sahog.
- Umiwas sa mga nega. Para itong mga alien, kumakapit kapag nakikipagkuwentuhan ka, at pagkatapos, namahay na ito sa iyo.
- Ang lungkot ay hindi kasiyahan. Malungkot dahil hindi masaya. Pero kung hindi masaya, kalungkutan lang ba ang kabaligtaran nito?
TWEETS ABOUT OTHER PEOPLE
- Mag-ingat sa mga taong sarado ang utak. May lock na ito at siya lang ang may hawak ng susi.
- Mag-ingat sa kainumang malakas sa pulutan. Hindi nito alam ang kaibahan ng hapunan at inuman.
- Mag-ingat sa mga taong mahilig bumigkas ng "Praise God!" Hindi nito alam ang sasabihin kung hindi na kapuri-puri ang ginawa ni God.
- Kung nakatagpo ng mahanging tao, isiping bato kang hindi nito kayang iangat at mapapagod din itong iangat ang kanyang sarili.
- Mag-ingat sa mga taong mahilig mang-okray. Hindi sila matutuwa kung magtatagumpay ka.
- Mag-ingat sa mga taong nangongolekta ng "pets." Nawalan na ito ng pag-asa sa kapwa tao.
More tweets to come from Mr. Rolando Tolentino. Such a genius man!!!
Toodles!!!
No comments:
Post a Comment